Hold Me - Chapter XIV
NAKARINIG SINA Alden at Marian ng mahinang pagbagsak ng kung anuman. Nagkatinginan silang dalawa. Sigurado si Alden na sa kwarto iyon nanggaling. At naroroon si Maine. Kanina pa'y hindi na maganda ang pakiramdam nito.
"Ano 'yun?!" humahangos na sabi ni Dingdong.
"Si Maine!" bulalas ni Alden at kumaripas ng takbo patungong kwarto.
Nagaalalang nakasunod naman ang kaniyang Kuya at Ate Marian. Pagbukas nila ng pintuan ay bumungad sa kanila ang dalaga na nasa sahig at pinipilit na bumangon. Agad siyang dinaluhan ni Alden, upang alalayang makatayo. Hawak niya ito sa baywang at kinuha niya ang isang kamay nito at ipinatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan din siyang lumakad upang iupo ito sa kama.
"Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong niya rito.
"Meng? Anong nangyayari sa'yo?" si Marian iyon, na noo'y tinabihan na ang pinsan at hinimas ang likod.
Si Dingdong na nakasandal naman sa may pinto ang nagsalita, "Kanina ko pa napansin na parang hindi maganda ang pakiramdam niya. Tinanong ko siya, ayos lang naman daw siya." Napailing na lamang ang binata.
"'Di ba, kanina ka pa inaatake ng asthma?" si Alden iyon.
Nanghihinang napailing na lamang si Maine. "Ayos lang ako."
"Ayos?! Eh natumba ka na nga, ayos?!" hysterical na sabi ni Marian.
Muling napasapo si Maine sa kaniyang dibdib. Ramdam pa rin niya kasi ang bigat ng kaniyang paghinga. Ayaw naman niyang masira ang gabi ng tatlong taong kasama. Alam niyang kapag nalaman ng kaniyang pinsan na wala ang gamot sa kaniya, o sa kaniyang sasakyan ay agad nitong tatawagan ang magulang. At paniguradong pauuwiin siya. Ayaw man niyang makasama o mapalapit man lang kay Alden, ayaw din naman niyang sirain ang gabing inihanda ng kaniyang pinsan at nobyo nito.
"Ayos lang talaga ako, Ate. Maya-maya bababain ko sa garahe iyong gamot ko. I'm not sure pero tingin ko, nand'on iyon" mahaba niyang pagpapaliwanag.
Umiling ito. "Hindi na. Tawagan ko na lang si Tito Teddy, pasundo kita."
Nanlaki ang mga mata ni Maine. Iyon na nga ang ayaw niyang mangyari. "No, please. 'Wag naman, Ate Yan."
"Pero hindi ka na talaga okay, Maine" si Alden iyon na nasa kaniyang tabi rin.
"Ayos lang talaga ako. Please, 'wag na ninyong tawagan si Tatay. Bababa naman ako. Nandoon iyong gamot ko. Kung wala, magdadrive ako sa pinakamalapit na drugstore."
"Hindi na. Ako na lang kukuha ng gamot mo sa car mo" pagpigil dito ni Marian. Tumayo ito at nagpamaywang. "This will be the last time na ito-tolerate ko ito, Meng. Next time, please? Make sure bago ka umalis ng bahay, nasa bag or bulsa mo iyong gamot mo?"
Tumango siya at napatungo sa hiya. Narinig niyang lumabas na ng kwarto si Marian. Kasunod naman nito si Dingdong. Naiwan silang dalawa ni Alden. Parehong hindi alam ang sasabihin, o kung maguusap man sila. Si Alden, bilang alam niyang malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Maine. At si Maine na napiling mag-move on at umiwas hangga't maaari sa binatang itinatangi ng puso.
Tumikhim muna si Alden, "I'll just check kung may malinis na brown paperbag sa kitchen habang hinihintay natin gamot mo."
Tumayo na nga ito at bubuksan na sana ang pinto ng tawagin ni Maine ang kanyang atensiyon.
"Alden, wait!" napabuntong-hininga si Maine. Halatang ilag pa rin itong kausapin ang binata. "Thank you."
"Thank you? For what?"
"For not telling Ate Yan earlier. And for helping me out now" she timidly smiled.
Napangiti na rin si Alden. "No problem. Sige na, stay put and I'll be back with the paperbag."
Paglapat na paglapat ng pinto ay napangiti siya. Ayaw man niyang aminin sa sarili, hindi naman niya maiwasang hangaan lalo ang lalaki. Napakamaalagain niya.
MAKALIPAS ANG ilang minuto, muling bumukas ang pintuan ng silid at pumasok doon si Alden. Tangan niya ang isang maliit na brown paperbag. Umupo ito sa tabi ni Maine at iniabot rito ang hawak. Tinanggap naman niya ito at nagsimulang ilapat ang bukana niyon sa kaniyang bibig at ilong.
Habang ginagawa iyon ay naramdaman niya ang malamyos na paghagod ng kamay ni Alden sa kaniyang likod. Sa hindi malamang dahilan, tila may napunuan iyon sa kaniyang puso. Nakaramdam siya ng kiliti sa kaniyang sikmura na hindi pa niya naranasan. Napatingin siya rito at nagitla ng makitang nakatitig ito sa kaniya.
"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Maine na hindi naman maintindihan ni Alden dahil kulob ang kaniyang bibig sa supot na papel.
"Sorry? Anong sinabi mo Maine?"
Tinanggal niya ang takip sa bibig at umingos upang makaharap ng maayos sa kausap. "Nagtataka lang kasi ako. Ganito ka ba talaga kaalaga sa lahat? O sa mga babae lang? Naisip mo ba ang mga ginagawa mo ay pwedeng ma-misinterpret ng iba? Paano kung may mahulog sa'yo dahil sa pagiging caring mo?"
Nangunot ang noo ni Alden sa tinuran ni Maine. "Wala akong nakikitang masama sa ginagawa ko, Maine. Empleyado kita. Pinsan ka rin ng magiging asawa ng kuya ko. At sa ayaw mo man o sa hindi, itinuturing kitang kaibigan. And I care for you as a friend. May masama ba doon?"
"Oo nga't walang masama. But what if someone falls in love with you dahil sa ganito mong ugali? What if I already fell head over heels for you?" Nahihintakutang saad ni Maine. Nataranta siya matapos sabihin iyon dahil parang nagkaroon ng sariling isip ang kaniyang bibig at nagtuluy-tuloy na lumabas ang lahat ng tumatakbo sa kaniyang isipan.
"Eh 'di sasaluhin kita!" Nakangiting sagot naman ng lalaki. "Is that the reason why you're being cold towards me? Nakakahalata na ako eh. Ilang linggo na, Maine."
Lumipas ang ilang segundo bago nakabawi sa pagkagitla si Maine. Sino nga ba namang hindi mabibigla, kung makaririnig ka ng ganoong hirit at kasunod pa ang paglabas ng malalim na biloy ng lalaki sa isang pisngi. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "It's a rethorical question, Alden. Don't take it to heart. Sabi ko what if, ginawa ko lang example ang sarili ko. Masyado ka kasing pa-fall!"
"Napo-fall ka naman ba?" Tatawa-tawang sabi nito.
"Ang landi mo, Tisoy ha?! 'Wag ako! 'Di uubra sa akin 'yan!" Irap ni Maine. "Tama na nga, lalo akong inaatake ng hika sa'yo eh!"
Napatawa lalo ng malakas si Alden. "Okay, sorry. Peace na tayo? 'Di ka na iiwas sa'kin?"
"Umiiwas ba ako?" Muling sagot niya bago binalikan ang paghinga sa loob ng paperbag.
"Oo. It's obvious, Maine. Sana maging okay na tayo. I missed talking with you. Iyon naging unang paguusap natin sa labas ng bar, it was so nice. Everything made sense. You are fun to talk to and at the same time, you had a lot of good advices. So sana we could at least be good friends?"
"Hanggang good friends na lang talaga tayo siguro, Alden" nalulungkot na sabi niya sa isipan.
Pinilit ngumiti ni Maine at inilapag ang brown paperbag sa kama, bago niya iniabot ang kamay dito. "Good friends?"
Ngumiti si Alden na makikita ang sinseridad sa mga mata bago tinanggap ang pakikipagkamay ng babaeng kausap. "Yes, good friends. Thank you, Maine."
_____
Sorry sa super long wait ng update.
Ang totoo, nawala sa isip ko itong story na to at nawalan ako ng gana.
Hopefully, ma-inspired pa rin akong ituloy ito at duktungan soon.Ciao!
SJG (31989)
02/02/2017
BINABASA MO ANG
Hold Me
FanfictionSi Maine Martinez ay isang mahiyaing dalaga. Nagtapos siya sa kursong Fine Arts. Nakakaangat sa buhay ang pamilya niya. Nagkataon pang pinsan niya ang isa sa mga pinakasikat na artista ng bansa, ang kaniyang Ate Marian. Kaya't hindi na siya nahirapa...