Hold Me - Chapter XI

416 13 4
                                    

Hold Me - Chapter XI

PATAPOS NA NOON ANG shoot nila. Isang eksena na lang ang nilalagari nila at packup na sila. Ito ay iyong eksena nila Alden at Bianca na magmamakaawa iyong character ni Bianca na huwag siyang iwan at ipagpalit ng character ni Alden sa iba.

Nasa gilid lang noon si Maine at tahimik na nanonood ng eksenang kinukuhanan. Pasado alas sais na. Nagtext na rin ang kaniyang tatay na paalis na ang mga ito sa opisina at dadaanan na siya. Hindi naman siya pwedeng umalis doon ng hindi pa tapos ang taping. Naiiling na lang siyang napatingin sa puting relong nakasuot sa kaniyang kaliwang braso.

"Please, Rico! 'Wag mo kong iiwan! Hindi ko kaya!" sigaw iyon ni Bianca.

"It's over between us, Kate... Ayaw ko na. Nakakasakal na. Hindi ko na kaya" nakayukong sagot ni Alden.

"No! Don't do this to me, please!" nakaluhod na pagsusumamo ni Bianca, habang umaagos ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Ramdam na ramdam ni Maine ang pighati sa character ni Bianca. Parang totoong-totoo ang mga binibitiwan nitong salita. Naantig nito ang kaniyang puso. Doon niya nakumpirma na napakagaling talaga nitong aktres. Hindi lamang bilang kontrabida o tiga-api. Magaling itong humugot ng emosiyon.

Tumalikod naman si Alden. "I'm not doing this just for me, Kate. I'm doing this for the both of us. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi na rin kita kilala" may luhang pumatak sa mata nito ng lingunin ulit nito ang kaeksena. "You used to be so timid and sweet. Pero nabalot ng puot ang puso mo. Puro inggit at galit ang nanaig sa'yo. Hindi na ikaw ang babaeng minahal ko."

Humahagulhol na inabit ni Bianca ang kamay ni Alden, nang nakaluhod pa rin. "Hindi. I'll be better, for you. Please, just don't leave me? Nagselos lang naman ako. Ikaw, sila Mommy at Daddy, pati na rin ang mga friends ko. Inagaw kayong lahat sa akin ni Marlyn!"

"Kung magbabago ka man Kate, please do it for your self. Don't just do it for me to get back with you. I loved you. I still care for you... as a friend. Please let me go?" nagpapahid ng luha na wika ni Alden.

Marahas na binitawan ni Bianca ang kamay ni Alden. "Sige, iwan mo ako! Lahat naman kayo, wala kayong pakialam sa akin! Lahat kayo, gustong iwan ako! Sige, sumama ka na kay Marlyn! I hate you!" itinakip niya ang parehong kamay sa mukha habang paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang 'I hate you!'

May awang mababakas sa mga mata ni Alden. Aabutin sana niya si Bianca, ngunit ibinaba rin niya ang kamay. Tumalikod na nga ito at nilisan ang lugar.

"Cut!" sigaw ng kanilang direktor.

NAGPAHID NG luha si Maine. Nakakaiyak ang eksenang iyon. Hindi niya mawari, pero lahat ng emosiyon ni Bianca, ang mga emosiyon ni Alden, lahat parang totoo. Sumisinghot na ikinibit na lamang niya ang kaniyang mga balikat. Artista ang mga ito. Sanay na sa pag-arte ang mga ito. Kaya't kahit para lamang sa palabas, totoo ang mga emosiyong lumalabas sa mga ito.

Noon niya narinig ang ringtone niya. Kinuha niya ito mula sa kaniyang bulsa at tinignan ang screen. Tatay niya ang tumatawag sa kaniya.

"Tay?" sagot niya rito.

"Nandito na kami. Kita ka namin from here, anak. Pack your things then we'll go" sabi nito.

"Yes, Tay. Wait lang po."

"We'll park just right outside the fast food, okay?"

"Sige po" nakangiti niyang sagot.

Pumasok na siya sa kanilang standby area, sa loob ng isang fast food chain. Iniligpit na niya ang mga gamit at ibinilin na ang mga damit kay Nate. May narinig siyang bumusina sa labas. Agad niyang nakilala iyon, hindi pa man niya nililingon. Sasakyan iyon ng kaniyang mga magulang. Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit, ngunit muli na namang nag-ring ang kaniyang phone. Sinagot naman niya iyon nang makitang ang pinsan ang tumatawag.

"Ate?"

"Meng, remind Alden na kailangan din siya dito" sabi ni Marian.

"Ha? Bakit? 'Di ba't family dinner 'to?" pagtataka naman niya, na naihinto ang ginagawa.

She heard her cousin chuckled. "Yes, with their family."

"Bakit?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi ko din alam. Eh 'yun ang sabi sa akin ni Mama eh."

"Ano kayang meron?" isip ni Maine. "Sige, sabihan ko siya. Pero Tatay and Nanay are here, so 'pag hindi ko siya nahagilap, I'll go na. Ayoko paghintayin sina Tatay."

"Sige,pakisuyo na lang. Kanina pa daw siya tinatawagan ni Dong, 'di sumasagot."

"Kakatapos lang kasi kuhanan ng last scene nila ni Bianca. Should I tell him to bring Bianca with him?" maagap niyang tanong ng maalala na naroon rin nga pala ang kasintahan nito.

"No need. Family dinner naman. Ang alam ko nasabihan na siya ni Dong not to bring her. Pero ewan ko kung susunod iyan. 'Wag mo na lang banggitin, masyadong personal" pagpapaalala ni Marian sa pinsan.

"Oks! See you in a bit, Ate!" masigla niyang ibinaba ang tawag.

Agad niyang nilapitan si Nate ng matapos ang pagaayos sa kaniyang mga gamit, upang hanapin si Alden.

Ayon kay Nate, nauna na raw itong umalis, kasama ni Bianca dahil may family gathering na pupuntahan ito. Alam na niya kung ano iyon kaya nagpaalam na siya. Hindi na rin niya binanggit kung ano ang rason bakit niya ito hinahanap. Lumabas na siya ng lugar na iyon at sumakay sa kanilang sasakyan.

Napaisip siya. Malamang na isasama niya si Bianca. Umalis raw itong kasama ang girlfriend. Napabuntong hininga siya. Mahirap ng palipasin ang buong maghapon na nakikitang magkasama ang dalawa, ngayon naman ay makakasalamuha niya ang dalawa sa hapunan. Wala naman siyang karapatan na tanggihan ang dinner na iyon, dahil naroon ang mga magulang niya, ang tiyahin niya at ang pinsan. Ipinagkibit na lamang niya ang mga isiping iyon. At itinuon na lamang ang pansin sa mga nadaraanang gusali.

_____

Hello po! Sorry sa sobrang tagal na hindi paga-update. Naging busy eh. May inattendan na 10days na seminar.

Sana po magustuhan ninyo ang update kahit medyo maiksi. Bawi ako next chapter.

:)

11/27/2015
SJG (31989)

Hold MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon