Chapter 27 - Yan Kase

669 36 10
                                    

Chapter 27

Yan Kase


Alexander's POV

"So Bro ano? Punta ka mamaya sa party?"

"I don't know."

"Di ba sabi mo kanina libre ka naman so what's the problem?"

"Ang aga pa, it's still 5pm party agad?"

"So what? Dati nga kahit umaga okay na okay sayo. Teka, kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo. What's the problem bro?"

Bumalik na naman sa isipan ko ang pagbisita ng ungas na Keith na yun kanina. I allowed that man to take Snow out. As in out? He asked me if it's ok with me kung liligawan niya si Snow.

Grabeng self-control ang ginawa ko kanina para hindi sunggaban ang ungas na yun. Ang laki pa ng ngiti, sarap suntukin ng ilang beses.

"Bro? Hello? Are you still there?"

Agad kong tinuon ang atensyon ko kay Steven.

"What did you say? Sorry bro, medyo pagod lang ako. Pass mo na siguro ako ngayon." Napabuntong-hininga ito.

"Okay bro. Basta gawan mo ng paraan yang gumugulo sa utak mo. Call me if you change your mind."

"Thanks bro."

Isa pa sa pinag-aalala ko, ano kayang ginagawa ng dalawang yun ngayon.
Kanina pang tanghali yun umalis, at sa ngiting yun ni Keith gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako apektado. Sh*t lang, ang g*go ko rin. Ano tuloy ngayon? Ako pa ang mas hindi nakakapag-isip ng mabuti.

Ang hirap lang kase, hindi ako mahal ni Snow at ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa hindi ako gusto.

Siguro tama na 'tong ganito. Kahit hindi ako masaya basta masaya lang si Snow.




. . .

Lyric Snow's POV

Ang weird din ng lalaking 'to. Nandito nga kami sa isang sosyal na cafe at apat na oras na kaming nandito.

Ang weird kase nasabi ko na naman lahat ng mga dinaramdam ko. Wala naman siguro tong power si Mr. Keith ano? Alam niya kaseng may problema ako at tungkol pa kay Xander.

Nasabi kong mahal ko si Xander, nung nasa bahay kami ni Xander, tapos nag-iba na bigla ang mood ni Xander nung mahatid ako. Lalo pang nag-iba nung nasa offfice na.

Nakahawak siya sa magkabila niyang mukha at nag-iisip ng mabuti kung ano ba talagang problema sa biglang pag-iiba ng mood ni Xander.

"Wala ka namang ginawang mali di ba?"

*Iling*

"Wala kang kinuhang importanteng bagay sa bahay niya?"

*iling*

"So anong problema? Siguro psycho yan si Alex. Ikwento mo nga ulit lahat."
Weird talaga tong si Keith. Ang gulo na ng buhok niya kase panay ang hila.

"Umuwi kami sa bahay niya. Ginamot ko ang namamaga niyang pisngi. Inutusan niya akong halikan ko siya kaya ginawa ko—"

"Wait what?"

Napatingin ako sa kanya. Uulitin ko na naman?

"Umuwi kami—"

"Hindi! Yung isa."

"Ginamot ko yung—"

"Hindi!"

Ang weird talaga nito.
"Inutusan niya akong halikan ko siya at ginawa ko naman—"

"SERIOUSLY?"

Agad itong napatayo sabay sigaw. Napatingin tuloy ang mga tao sa amin.

Agad siyang ngumiti ng napakalaki sabay hawak sa mgakabila kong kamay.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Apat na oras na tayong nandito tsaka mauubos na yung mga pagkain at coffees nila sa kaoorder natin pero ngayon mo lang sinabi? Iba ka talaga." Sabi nito.

Tiningnan ko lang siya ng weird.

"Ano pa? Pagkatapos ng halik?"

Sinubukan kong tandaan ang mga nangyari pero pagkatapos ng halik na yun, ang matandaan ko lang ay ang labi ni Xander at ang mga mata niya. May sinabi siya pero hindi ko narinig.

"Eh. Pagkatapos kase nung h-halik hindi ko na matandaan ang sinabi niya. Nakatitig lang kase ako sa mukha ni Xander."

"That's it!" Sabi na naman nito sabay tayo. Hay, tinitingnan na talaga kami ng mga tao.

"May sinabi siya. Pagkatapos nun hindi mo na alam ang nangyari kase nasa cloud 9 ka hanggang sa paghatid ni Alex sayo sa bahay mo—"

"Bahay ni Justice."

"Bahay niyo ni Justice. So ang hahanapin natin ay kung ano yung sinabi niya sayo? That is the big question."

"Anong ibig sabihin niyan Mr. Keith?"

Napabuntong-hininga ito.

"Keith nga diba. Hindi mo talaga ako matawag sa ganyang pangalan?"

*iling*

"It means he asked you out. He asked you to be his girlfriend pero siguro hindi mo sinagot kase nga tulala ka kaya he might possibly thought that you don't love him like he loves you."

"He loves me?"

Ako? Mahal ni Xander? Mahal? Love?

"Ayan ka na naman. Natutulala ka na naman. Wag muna ngayon Lyric, stay focused."

Mahal ako ni Xander?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako tinitignan.

"Siguro pinipilit niyang ilayo ang sarili niya sayo kase nga akala niya hindi mo siya mahal. He's so pathetic and stupid, nakakatawa talaga si Alex." Sabi nito pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Lyric, I have a plan. Alam ko that Alex is stupid enough para kagatin ang patibong na'to. We'll play his act. Gusto niyang lumayo sayo. We'll do just that, layuan siya. We'll go out pero ipapalabas natin na I am asking you out for real. Let's see kung anong gagawin niya." Ngumiti ito at ayan na naman ang nakakatakot na aura sa buong katawan niya. Parang ang dilim lang.

Pero totoo kaya? Mahal nga kaya ako ni Xander?


Alexander's POV

It's 10:00 in the evening at nandito ako sa aking napakagandang bahay, umiinom ng mag-isa.

Umuwi ako galing ng office kaninang 7 pero hindi na talaga bumalik sina Snow.

I bet they're having a good time. While I am having a really bad time thinking about her. About the kiss. About everything.

Hindi ko alam kung kakayanin ko. Hindi ko na talaga ang alam kung anong iniisip ko. Hindi ko alam kung may iniisip pa ba ako.

Ngayon lang ako na-inlove ng ganito at sa hindi pa ako mahal.

Ang hirap pala talaga. Ang sakit. Nakakabaliw. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

I love her.

I really love Snow.

Ang Weird Kong TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon