Weird ba ako?
Chapter 21
Lyric Snow's POV
Tumunog ang intercom ko, si Xander tumatawag.
"Yes Xander?"
"Hi, pumunta ka didto. Aalis na naman tayo ngayon." Sabi nito at bigla nalang tumibok ang puso ko dahil lang sa boses niya.
Bakit kaya? Ewan.
Agad na akong umalis at pumunta sa office ni Xander.
"Remember Snow, stay by my side okay?" Sabi agad ni Xander sa akin. Hindi ko alam pero kahit hindi niya pa sabihin sa akin, hindi naman talaga ako aalis sa tabi niya. Hindi ko talaga gusto ang Mr. Clarry na yun.
Hindi ko alam, baka sa buhok niya siguro? Sa pananalita? Lahat? Parang napapalibutan siya ng mga dark colors.
Naramdaman ko ang hawak ni Xander sa kamay ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga alam ang nangyayari sa puso ko. Pati na sa tiyan ko. Ang weird nga e. Baka may sakit nga ata ako.
Dumating na kami sa site at bigla nalang may sumalubong sa amin. Si Mr. Clarry.
"Are you already feeling alright now Mr. Beau?" tanong nito.
"Yes, I'm fine now. Thanks for asking. Let's get to business, gusto ko nang matapos 'to."
"Oh, there's no need to rush Mr. Beau. Marami pa tayong oras at kadarating niyo lang. Anyway, good morning Ms. Ameeka, you're beautiful as always." Sabi ni Mr. Clarry sa akin sabay titig ng napakalagkit. Hindi ako sumagot. Wala akong paki pero ayoko talaga sa presensya niya.
Parang gutom lang, ano bang tingin niya sa akin? Isda? Teka, bakit isda ang napili kong pagkain? Ay ewan.
Bigla namang humawak sa bewang ko si Xander na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Nalilito na talaga ako. Noon naman hindi ako ganito kay Xander. Normal lang naman.
"Let's start." Matigas na sabi ni Xander na biglang nagpaseryoso ng mukha ni Mr. Clarry, maya-maya ay ngumiti ito.
"So, kahapon napag-usapan natin yung tungkol . . ." at tumakbo ang oras ng napakabilis. Plano nga atang tapusin agad ni Xander ang project na ito. Bakit kaya siya nagmamadali?
. . .
Linggo ngayon at papunta ako sa hospital kung nasan nakaconfine ang mama ko. Miss na miss ko na siya. Hindi ko siya napuntahan pagkatapos ng party kase malakas ang ulan tapos trabaho agad ang inatupag ko. Siguro namiss na ako ng mga kaibigan ni Mama na may sakit din.
Miss ko na din sila, lalo na si Betty, bestfriend ni mama dun. Masaya silang dalawa kapag magkasama. Para lang silang normal na tao kapag kausap mo pero kapag may natrigger kang memory sa isipan nila ay dun na naman sila inaatake ng utak nila.
Ganun din si Mama pero si Mama ay umaaktong parang bata. Siguro dahil kase bata pa si Adrian ng mamatay at bata pa din ako ng binubugbog kaming dalawa. Siguro nga isa sa mga dahilan kung bakit nabaliw siya ay dahil din sa hindi niya ako maprotektahan kay papa.
Nang makarating na ako sa hospital ay agad na ngumiti ang nurse sa counter.
"Uy! Good morning Lyric," sabi nito at ngumiti ako. Napakafriendly nga nila sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.
Nag-usap kami sandali bago ako pumunta sa kwarto ni Mama.
Kumatok na muna ako.
"Ma? Si Snow po ito. Lyric Snow--" Bigla nalang bumukas ang pinto ng mama ko at niyakap ako ng pagkahigpit. Nagmano na muna ako.
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...