3rd Day
Chapter 9
Alexander's POV
Yes! Maghahanda na ako para subukang makipagflirt na naman kay Snow ngayon. Sisiguraduhin kong maglalaway siya sa katawan ko. Hahaha.
Nagpupush-up ako ngayon, 5AM akong gumising para lang makapag-excercise.
Maghuhubad ako nang t-shirt mamaya kapag idrinuwing na niya ako.
Maiinlove talaga siya sa akin.
Pagkatapos magpush-up ay pumunta na ako sa cr para magshower. Kailangan fresh ako habang dinudrawing niya.
Pagkatapos maligo ay pinindot ko na ang gadget na magpapapunta agad kay Snow dito sa suite ko.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Snow.
"Ano po yun sir?" tanong nito.
"Ngayon mo na ako isketch, handa na ako para sa consequence mo."
"Ha? E tapos ko na po kayong madrawing sir. Kahapon pa po nang makauwi na tayo. Teka, kukunin ko lang po." Sabi nito tapos umalis at siguro pumunta sa kwarto niya.
Speechless ako.
Argggggggghhhh, palpak na naman ang plano ko.
"Ito na po sir, sorry po medyo pangit yan." Nahigit ko ang hininga ko.
Ang ganda sobra. Kuhang-kuha ang lahat ng detalye. Pangit pa to para sa kanya. Sobrang ganda tsong.
"Sir? Pangit po ba? Lapis lang po kasi yung nadala ko. Naiwan po yung mga tools ko sa pilipinas. Di bale po, guguhit nalang po ako ng bago ka--"
"It's beautiful, thanks Snow."
Okay na rin to. Ang galing niya pala, no wonder, maraming bumibili sa paintings niya.
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...