I'll Protect You
Chapter 18
Alexander's POV
"Ahm, Snow? You should change, baka magkasakit ka. Wait, kukuha muna akong ng damit." Sabi ko at agad na pumunta sa kwarto ko.
Agad akong kumuha ng t-shirt na puti at pajama, mabuti nalang at may mga lumang pajama pa ako na hindi pa natatapon sa cabinet.
Bumalik ako sa sala at inabot kay Snow ang mga damit at tuwalya.
"Salamat, Alex." Sabi nito at nagsimulang pumunta sa cr.
Ako naman ay napatalikod nalang at umiwas ng tingin. Ayokong tumingin sa ayos ni Snow, bakit ba kase ang hot niyang tingnan?
Goodness, madami naman akong nakitang magaganda at sanay na ako pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Siguro kase inlove ako sa kanya o talagang natural na hot talaga siya? Ewan! Nalilito na tuloy ako. Para akong sira.
Habang naliligo si Snow ay inihanda ko na muna ang mga emergency lights at tinakpan ang mga bintana. Mas lumakas kase ang ulan at ang lakas ng kidlat.
"Alex? Pwede ka nang maligo, baka ikaw naman ang magkasakit." Narinig kong sabi ni Snow sa likod ko.
"Sige, maupo ka muna dyan--" natigilan akong magsalita ng makita ko ang ayos ni Snow.
Kasalukuyan niyang inaayos ang buhok na halatang basang-basa pa dahil medyo nabasa ang t-shirt niyang puti. Bumakat ang balikat niya, mabuti nalang at natatakpan ng tuwalya ang dibdib niya.
"Alex? Okay ka lang?" Bigla itong lumapit at agad akong nagsalita.
"O-okay lang a-ako. Umupo ka m-muna diyan sa upuan. A-ahh, m-maligo na ako, teka lang. D-dyan ka lang." Agad ko siyang pinaupo at pumunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Ano bang nangyayari sa akin?
Nagiging maniac na ba ako? Bakit palagi akong natuturn-on kahit tumingin lang sa kanya? Delikado na ba 'to? S**t!
Lyric Snow's POV
Ano bang nangyari sa lalaking yun? Bakit nagmamadali siyang maligo? Baka giniginaw na. Napalinga ako sa bahay ni Xander.
Wow, ang ganda pala ng bahay na'to. Ang linis tsaka ang sarap lagyan ng kulay.
Pangalawang punta ko na dito pero bakit ang laki pa rin ng bahay na'to. Pero lumiliit ba ang bahay, hindi naman di ba? Ewan.
Napatingin ako sa mga larawan na nakapalibot sa sala, pati na rin sa kusina.
Mga paintings ko ang mga yun. Bumili rin pala si Xander ng mga yun e sa ibang bansa lang yung mabibili.
Napaupo ako ulit, ang lakas ng ulan, ang saya sanang maligo sa ilalim ng ulan.
Napangiti ako ng maalala ko ang kapatid ko, si Adrian. Hindi naman talaga Xander ang tawag ko sa kanya, gusto ko lang tawaging Xander si Sir Xander kase may naalala ako.
Nung mamatay si Adrian, sabi niya may darating din daw sa buhay ko.
Yung poprotekta sa akin, yung magpapasaya sa akin, yung papalit sa lugar niya. Darating daw yung anghel ko.
Umuulan din nun ng masagasaan si Adrian imbes na ako. Nakita kong dumaloy ang dugo mula sa ulo niya hangang sa semento ng kalsada kasabay ang mga patak ng ulan. Hindi ako makagalaw dahil ang bilis ng mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...