Gwapo? Si Sir?
Chapter 7
Alexander's POV
Ano ba naman 'tong babaeng 'to, halatang type ako. Panay ang lapit sa akin kapag tapos ng magshoot,
nakakasawa na ang parating pagdikit niya sa akin.
Kaya naman para maiwasan ang panay paglapit sa akin ni Jamie ay lumapit ako kina weirdo at Patty.
Ang nakakapagtaka nga lang ay panay din ang titig ni weirdo sa mukha ko.
Ang weird.
Tumabi ako sa kanya habang nakatingin lang sa nag-aacting na si Jamie pero naiilang ako. Nahahagip
kase ng gilid ng mata ko na nakatitig si weirdo, ano bang problema nito?
Hindi ko na napigilan kaya hinarap ko na siya.
"Ms. Ameeka? Bakit kanina ko pa napapansin na panay ang titig mo sa akin, may problema ba?"
tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin.
Mga sampung segundo siguro siya nakatitig sa akin tapos mas inilapit pa ang mukha sa mukha ko
dahilan upang umatras ako. Nakakailang kaya--teka--bakit ako naiilang? Ngayon lang ako nailang ng
dahil sa titig ng isang babae.
"M-ms. Ameeka?"
Napailing lang siya tapos parang may iniisip. Ang weird talaga ng babaeng 'to!
Lyric Snow's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam ang tunay na kahulugan ng salitang 'gwapo'.
Tinitigan ko nga kase ng matagal si Sir pero ewan. Hindi ko alam, nalilito ako.
Lumingon ako sa kanan ko para tingnan sana si Ma'am Patty pero nawala siya agad, nasan kaya
nagpunta yun? Maglalakad na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko at nakita ko si Sir na
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...