Out Of Punishments
Chapter 3
Alexander's POV
Tss.. bakit ba palaging bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ng babaeng yun? Ang weird niya talaga.
Hmmm.. Ano na naman kayang pagpapahirap ang gagawin ko sa kanya bukas? Sabi niya kahit anong gawin ko hinding-hindi ko siya mapapatalsik sa trabahong to at isa pa, parang wa epek nga ang pagpapahirap ko sa kanya kahapon. Kung ganun naman pala ay gagawin ko nalang ang gusto ko, napakaexciting naman nito.
Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya pinapahirapan ay dahil gusto kong mapaalis siya sa trabaho. Kasi naman gusto ko lang siyang ichallenge at parusahan dahil sa pagdedma niya sa kagwapuhan ko. Naubos ang ego ko dahil sa pangdidema niya. Iyon pa naman din ang puhunan ko, at wala pa--ni isa--ang dumedma sa akin.
Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang dedmahin ako.
Arghhhhh!! Nakakainis!
May naisip ako bigla.
Hmm.. Napangiti ako sa naisip at pumunta na sa cr tapos nagsimulang maligo. Pupunta pa naman ako kina Ace kase b-day ng childhood friend nito at kaibigan na din namin kaya invited kami pero hindi sa bahay ni Ace ang venue ha? Dun lang kami magkikita-kita tapos sabay na kaming apat pupunta sa venue.
. . .
"Where's JB? Hindi kayo sabay?" tanong sa akin ni Ace matapos kaming maghandsignature.
"Aba, malay ko. Porke't magpinsan kami dapat palaging magkasabay na?"
"Ikaw, ang gwapo mo talaga no?" sarkastikong sabi ni Ace na binatukan ako.
"Walangya ka talaga, baka mawala ang kagwapuhan ko dahil sa pananakit mo."
"Kailan pa mawawala yan ha?" tanong ni Steven.
"Napakasupportive mo talaga Bro Steven. Tingnan mo Ace, dapat tularan mo si Steven, ganito ang tunay na magkaibigan," biro ko tapos nagtawanan kami. Maya-maya pa ay dumating na si JB.
"Nandito na ang pinakamabilis sa lahat ng mga pagong, sa wakas dumating ka rin." sabi ni Steven tapos nagtatawanan kami at sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan at nagpaharurot.
Mga ilang minuto ng pagkakarera sa highway ay nakarating na kami sa venue.
Medyo marami-rami na rin ang tao at halos lahat ay pawang mayayaman at sophisticated.
Well--as usual--pag pasok namin sa hotel ay napatingin ang lahat sa aming apat, ang gagwapo kase namin lalo na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...