Unidentified Feelings
Chapter 15
Alexander's POV
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Snow. Nakakawalang-gana.
Erase! Erase! Hindi ko siya namimiss!!! Ahhhh!!! Mababaliw na ako!
Dapat nga sigurong gumimik ako at tumingin sa ibang mga babae. Yung magaganda, sexy, at deserving na makadate ko. Yung hindi weirdo, hindi weird ang mata, hindi weird ang ngiti, hindi weird ang aura, hindi weird katulad ni Snow.
Hinga ng malalim. Okay!
.
.
.
Wag nalang. Wala akong ganang lumabas.
*kkkrrrrrrrrrriiiiiiiiinggggg*
Habang nag-iisip, tumunog ang cellphone ko at agad ko naman sinagot.
"O? Ace? Napatawag ka? Saturday ngayon, gimmick tayo?" suhestiyon ko.
"I would love to pero bro, wala ka bang nakalimutan?" tanong nito.
Napakunot-noo ako. Bukod kay Snow, wala na akong iniisip na iba.
"Bakit? Anong meron ngayon?" tanong ko. Biglang nag'tsk, tsk, tsk' sa kabilang linya.
"Malala na nga siguro ang tama mo bro. It's Saturday." Sabi ni Ace.
"So? I'm not stupid, I know it's saturday today. Bakit? Ano bang meron?"
"Wow naman bro. Birthday ng pinakamalapit mong pinsang babae ngayon tapos nakalimutan mo?"
S**t! Birthday party nga pala ni Justice ngayon!
"Jeez! 8 o'clock na. Okay bro. Thank you very much for reminding me. I owe you this. Bye." Agad akong pumunta sa cr at naligo.
I'm such an a**hole! Birthday ni Justice pero nakalimutan ko ng dahil lang kay Snow. I'm dead.
Baka nagtampo na 'yon saken.
Ace's POV
"O? Anong sabi?" tanong sa akin ni Steve.
Nagshrug lang ako.
"Love sick bro. Mahirap na sakit yun." Napailing nalang kaming dalawa ni Steve.
"Teka, asan si Cheska? Hindi kayo sabay pumunta dito?" tanong nito sa akin.
"Hindi nagpasundo e. Susunod nalang daw siya dito. Ewan ko nga kung anong ginagawa." Napatango lang si Steve.
Ako naman ay nagsimulang maghanap ng magagandang chicks, pampalipas oras.
Cheska's POV
"Talaga bang okay na'to Jessy? Baka naman masyadong oa na'ko nito. Bisita lang ako, remember." Paalala ko sa pinsan ko habang nilalagyan ng light make-up ang mukha ko.
Kinakabahan na ako. Ngayon ko napagdesisyonang umamin na sa nararamadaman ko. Kung hindi gumagawa si Ace ng paraan, ako na mismo ang kikilos. Kapag hindi 'to tumalab at wala pa rin siyang ginawa, susuko na ako.
Pagod na kase ako.
Pagod na akong maghintay sa wala. Ayoko ng may iniisip, ayoko ng may pinoproblema. Ayokong magselos ng walang dahilan dahil wala din naman akong karapatan. Hindi siya akin kaya hindi ako pwedeng umaktong parang akin siya.
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...