Chapter 28
Pigilan Pa More
Alexander's POV
*kring* *kring*
Ano ba yang maingay na yan?
*kring* *kring*
Sh*t! Ang ingay! Anong oras na ba?
"Ang ingay naman!!!" Agad kong kinuha kung ano mang maingay na bagay yun nang biglang sumakit ang ulo ko.
Sh*t! May hangover ako! God! Naglasing nga pala ako kagabi.
Napatingin ako sa tumutunog pa rin na alarm clock sa bedside table ng maala kong may trabaho pa pala ako.
"—11:00? Oh f**k! May trabaho pa ako! Argggh!!! Bakit ba naman kase ako naglasing—"
Oo nga pala.
Ang dami kong iniisip kagabi. Mga nararamdaman ko. Ang sakit. Kung anong gagawin ko. Kakayanin ko ba?
Parang ngayon palang alam ko na ang sagot sa tanong na yun.
Hindi ko kaya.
. . .
Ang sakit-sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa passenger seat ng kotse ko.
Naalala ko na naman si Snow. Ang kamay niya, ang mga ngiti niya, ang mga mata niya.
Paano ko ba naman pipiliting lumayo sa kanya eh pati sa isip ko nandito pa rin siya. I'm hopeless.
"Good morning sir," bati ng guard at tumango lang ako. Dumiretso ako sa private na elevator at agad na pinindot and pinakamataas na floor.
Kahit ang sakit ng ulo ko, ang lakas rin ng tibok ng puso ko, kinakabahan akong isipin na makikita ko si Snow. Matitigan ko ang mga mata niya pero hindi ako pwedeng magpakita ng ibang emosyon kundi ang pagiging boss.
Hindi niya ako mahal. Eventually, lalayo din siya sa akin dahil maiilang siya akin at ayokong mangyari yun. Ayokong siya ang lumayo. Hindi ko kakayanin. Mas mabuti na sigurong mauna ako. Total hindi naman siya masasaktan dahil hindi niya naman ako mahal.
Napatayo ako ng matuwid ng marinig ang tunog ng elevator na nagsasabing nasa top floor na ako. Agad kong inayos ang tie ko at buhok.
Papalakad na ako papuntang office at madadaanan ko ang office ni Snow. Huminga ako ng malalim at naglakad, handang dedmahin na naman ang babaeng mahal ko pero natigilan ako sa nakita ko.
"So my dog ate the kitten's food and then—"
"Teka wag ka munang ngumiti, hindi pa tapos—"
Nakangiti siya.
"Wag nga sabi. Haha."
Parang nasa slow motion ang kamay ni Keith na saktong hahawakan ang kamay ni Snow.
"What are you doing here?" Narinig ko ang sarili kong boses.
Thank gooodness huminto sa ere ang kamay ng ungas.
"Alex hi! I thought you wouldn't come today and it's already lunch time kaya susunduin ko si Lyric para sabay kaming kumain. Total, she's always eating here alone. Might as well take my chance right? Are you okay? You look like you have a hangover?"
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...