Chapter 1 - Weird's

2.8K 53 2
                                    

Weird's

Chapter 1

"Ameeka!!!" narinig kong sigaw ng isang babae. Kilala ko ang boses na yun. Ang masungit na secretary ni Dad.

Ano kayang nangyayari at bakit parang sasabog na naman siya sa galit kung makasigaw?

Nandito kase ako sa opisina ni Dad at hinihintay siya, may kailangan kase kaming pag-usapan. About sa bagong projects ng companya na ipapahandle sa akin ng board.

Gusto ko pang gumimik sana pero kailangan daw talagang pumunta ako.

Well, importante talaga ako kase naman, ikaw ba namang gumraduate ng suma-comlaude sa isang napakasikat at magaling na school sa ibang bansa ay hindi ka pa maging importante. At isa pa, lahat ng mga ibinibigay nilang mga ihahandle ko ay nahahandle ko ng tama at higit pa sa inaasahan nila. Dahil rin kase to sa kapogian ko at nahihipnotismo ang mga clients namin na mag-endorse sa companya namin lalo na sa advertising company ko. Yes, you heard it right, may companya ako. At isa sa mga sikat at matagumpay na advertising company sa bansa.

Kahit na maraming nakakakilala sa akin ay magpapakilala pa rin ako. I'm Alexander Beau, son of a CEO and at the same time owner of the Hotimpact Advertising, isa itong advertising company, malamang. Half-french, 1/4 Arab, 1/4 filipino. My mom is a half arab and half filipina and my Dad is a pure French. I'm 26 years old, single and ready to mingle but not with commitments. Bakit? Kase I don't like commitments. 

I don't like the word girlfriend. In my whole life I didn't said that word ever since--- from any of the girls I hooked up with. And I don't believe in love. I think it's cheap. Para kang nasa kulungan at isang preso. Bawal kang lumapit sa kanya, dapat ako lang ang titingnan mo, kailangan tawagan mo'ko oras-oras, at iba pang mga demands. Hay so in short, Yes girlfriend = NO freedom. So mas mabuti pang Yes freedom = maraming girl 'friends'. At tsaka isa pa, hindi ako ang lumalapit sa kanila, sila mismo ang lumalapit sa akin.

Back to the present. Panay pa rin ang sigaw ni Mrs. Diaz sa harap ng office ni Dad na nakakawala na ng pasensya. Hindi ba nila alam na nandito ako? Sino ba kaseng tinatawag niya? 

Hindi ko nakayanan ang urge na sumilip man lang kahit konti.

Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ng bahagya ang pintuan at tiningnan kung anong nangyayari.

"Ameeka!!!  Hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na hindi laruan ang xerox machine. Binabayaran ang kuryente at ink na ginagamit para diyan at hindi pinag-aaksayahan lang sa mga bagay-bagay... Kailan ka ba matututo? Mature ka na, may alam ka na. Teka, may topak ka ba? Hay nako, ano bang gagawin ko sayo" satsat ni Mrs. Diaz.

"Hin--" narinig kong magsasalita sana yung pinapagalitan pero pinutol ito ng matanda.

"O? Palusot ka na naman, palagi nalang palusot. Hussss.. Bulok na yang palusot mo Ameeka. Isusumbong na talaga kita kay sir. Sasabihin ko sa kanya na hindi ka marunong magtrabaho at pabigat ka lang dito sa opisina."

Hindi na nagsalita pa ang pinapagalitan. Hindi ko alam kung lalaki o  babae.

Napailing naman ako tapos ay bumalik na sa sofa at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Napatalon ako ng may magsalita.

"O bakit panay ang iling mo diyan? " tanong ni Dad.

"Dad, hindi ko napansing pumasok ka na pala," sabi ko. Nagulat ako dun ah.

"E ang layo kase ng iling mo kanina, parang magkakastiff neck ka na bukas dahil sa iling mo" biro nito. Napahalakhak ako.

"Dad talaga, ano nga po pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Ang Weird Kong TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon