Chapter 19 - Alone Time

1.2K 50 7
                                    

Alone Time

Chapter 19

Alexander's POV

Kinabukasan

Nagising ako nang maramdaman kong kumilos ang katabi ko. 

Agad kong tiningnan si Snow. Nakatingin siya sa akin in a weird way. Ngumiti ako,

"Good morning,"

Hindi muna siya sumagot pero maya-maya pa ay ngumiti siya. Ngiting nagpaganda ng araw ko.

"Good morning, salamat Xander." Sabi niya at tumayo na ako mula sa kama at tinulungan din siyang umupo.

"Mamaya pag-uusapan natin yan." Sabi ko habang binibigyan siya ng mga damit.

"Magshower ka muna at magluluto ako ng breakfast." Sabi ko at umalis na.

. . .


Pagbaba ko mula sa kwarto ay napansin kong nagsisimula na namang umulan. Nagpasya akong manood ng tv at nakitang sobrang baha sa labas. Mabuti nalang at nasa mataas na parte ang bahay ko. Napagplanuhan kase ng architect. Lumabas ako para tingnan ang kalsada.

Tama nga ang balita, bahang-baha.

"So I guess, hindi pa talaga makakauwi si Snow." Thank you ulan~ :D

Matapos kong magluto ay agad-agad akong pumunta sa kwarto at kumuha lang ng damit tapos naligo sa baba.

Binilisan kong magshower at baka tapos na rin si Snow.  

Tamang-tama pagkatapos kong magshower ay nasa table na siya at nakaupo sa upuan pero basa pa ang buhok na halatang kakatapos lang maligo.

Tahimik kaming kumain. Medyo weird nga kase hindi naman awkward. Maybe we're just enjoying the silent bliss that we currently are receiving. Minsan lang din ako makadama ng ganitong napakakalmadong katahimikan.

Matapos naming kumain ay dumiretso na kami sa sala.

Pinaupo ko siya sa tabi ko pero I gave her a little space.

"Ookay," Huminga muna ako ng malalim bago magsalita na naman.

"Ahm, Snow, I really want to ask you questions and sort of that pero I respect your decision kung ayaw mong pag-usapan natin ang nangyari kagabi. " Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Salamat Xander pero okay lang. Gusto ko rin naman na mailabas na ang lahat ng nararamdaman ko. Napag-isip-isip ko rin kagabi." Sabi niya.

Medyo nagulat ako dahil napakaseryoso niya habang nagsasalita. Hindi ko rin inakala na pipiliin niyang mag-open-up sa akin.

Somehow, nagdala yun ng fondness and protectiveness sa kalooban ko. It felt right to know that she trust me enough to open her life to me.

"As you know. My brother died 12 years ago. Sinagip niya ako mula sa isang kotseng napakabilis ng takbo. Dahil dun sinisi ako ng papa ko at binubugbog ako palagi. Binubugbog din ang mama ko at sa sobrang depression na dahil na rin sa pagkamatay ni Adrian ay nasiraan siya ng bait. Naiwan akong mag-isa sa papa ko.

Walang araw nun na wala akong pasa sa katawan. Hindi ko alam kung nasisiraan na rin ba ng ulo ang papa ko o siguro ako rin pero manhid na siguro ako nun. Hindi ko na ramdam ang mga suntok, sampal, hablot, palo at mga mura na natatanggap ko. Siguro, isinara ko ang pinto ko sa mundo. Hindi ko alam kung bakit takot ako sa kulog at kidlat. Pakiramdam ko kase parang bumabalik ako sa pagiging bata at bugbugin na naman ako ni papa.

Ang Weird Kong TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon