First Step
Chapter 6
Alexander's POV
*tit* *tit* *tit*
Idinilat ko ang mata ko ng marinig ang alarm ng alarm clock sa side table ko.
Isinet ko kase ito ng 6:30am para makapaggym ako sa baba kahit 30 minutes lang tapos aasikasuhin ko na ang trabaho ko.
Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako at sinalubong si JB na kalalabas lang din.
Mukhang tulog pa siguro ang mga girls, mabuti naman.
"Morning bro, ano? Punta na tayo sa baba?" tanong ni JB.
"Let's go," sang-ayon ko.
Nakarating na kami sa gym section ng hotel at okay naman kase may magagandang chicks.
"Bro, okay naman pala dito e." Bulong ni JB. Napangiti lang ako, napansin ko na naman kaseng nakatingin na sila sa amin, partikular na sa akin.
Pumunta kami kung nasan ang mga weights, mga 20 minutes siguro kami dun tapos pumunta agad kami sa mga threadmill.
"Bro, ilang araw ka pala dito?" tanong ko kay JB, magkatabi kase ang threadmill namin,
"Mukhang mga dalawang araw lang siguro, you know, I want to breath a fresh air kahit sandali lang," sabi nito.
"Yeah, you really should. Nabalitaan ko nga tungkol kay Dad na may problema daw sa business firm niyo sa Europe. Kumusta naman si Tita Eleanor sa Italy?" tanong ko.
"She's okay, I guess. Pero alam ko namang nag-aalala siya sa akin at kung pano ko mahahandle ang bagong problema sa firm--" sagot nito pero napatigil at natulala.
Iwinagayway ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya,
"Hoy, problema mo Bro?" tanong ko,
"Bro, hot chick at 3 o'clock," sabi nito tapos may itinuro gamit ang nguso. Napatingin naman ako sa itinuro niya.
Napangiti ako at napailing. Papalapit kase sa amin yung girl, and guess who?
BINABASA MO ANG
Ang Weird Kong Target
RomanceSi Alexander Beau ay isang buhay na Adonis. Gwapo, hot, may 6-pack abs, businessman, mayaman, and single at the age of 26. Lahat ng babae nakukuha niya sa isang tingin palang. E pano ba naman, ang gwapo niya? Kaya ng makilala niya ang weird n...