Chapter 5.2

20 1 0
                                    

Ito po yung katuloy nun...

------
Sa kaharian ng Mandrival ay naalarma ang ibang kawal ng may naramdaman silang malakas na aura. Pumunta agad ang punong heneral sa tanggapan ng hari upang ibalita ito.

"Oo nga. Kakaiba. Parang napakalakas ng kapangyarihan. Alam niyo ba kung saan iyon?" Tanong nito habang diretso lang ang tingin.

"Sa may kagubatan mahal na hari. Ipinadala ko na ang ibang kawal para alamin ang nangyayari."

"Mabuti, sa ngayon kailangang papasukin lahat ng tao sa kani-kanilang bahay." Utos nito.

"Masusunod po." At yumukod ito bago umalis.

Napaisip na lamang si Haring Marcius. Nagtataka siya kung bakit ganoon kalakas ang kapangyarihang nararamdaman nila.

Wala siyang makitang dahilan.

"Papa, what's that power?" Bungad na tanong ng kanya ng anak.

"Hindi ko rin alam Xavish." Sagot niyang hindi lumilingon. Hindi niya maintindihan, habang lumilipas ang panahon mas lalong lumalakas ang aura ng kapangyarihan na iyon.

"Aalamin ko." Sabi ng kanyang anak at bago pa ito nakatutol ay nakaalis na ito.

"Hay bata ka!"

------

Sa kaharian ng Inividriz naman ay naghahanda ang lahat sa kung anuman ang mangyari.

"Humanda kayo sa kung anu man ang mangyayari." Lahat ng mga taga palasyo ay nasa labas. Naghihintay ng pagkakataon.

"Naipadala ko na po ang ibang kawal sa gitna ng kagubatan." Sabi ng punong komander.

"Mukhang may kakaibang mangyayari."

Lahat ay pumwesto. Nang may makita sila sa itaas na isang nakakasilaw na bagay na lumulutang.

Wala silang makita na anong pag-iiba nito dahil nasisilaw sila.

----
Napalabas ang mga tao sa palasyo ng Mandrival ng makita nila ang lumulutang na kung anuman sa itaas ng kagubatan. Nakakasilaw ito kaya't walang kahit na sino ang nakakakita.

Napatigil naman si Xavish sa paglipad ng makita niyang may lumulutang mula sa gitna ng kagubatan.

Ilang sandali lang ay may isang bagay na naman ang lumulutang at pumwesto ito sa taas ng bagay kanina. At isang ulit na may kahabaan sa likuran nito.

May isang bagay muli silang nakita at nakalutang lang ito sa harap ng babae.

Lahat hindi makagalaw. Inaabangan kung ano ang mangyayari.

-----

Nakaangat lang ang scepter sa harapan ni Maine. Umiikot sa pwesto.

"Makapangyarihang tagapag-likha! Aming hinihiling ang inyong basbas!
Dakilang mga diwata, gabayan at basbasan ninyo ang bagong prinsesa!"

"Ikaw ay aking binabasbasan mula sa karagatan! Ang tubig ay magiging kaagapay mo lahat ng gagawin mo sa iyong buhay." Isang tinig mula sa kung saan. Isang asul na mula sa kung saan ang pumatak sa bagay na nakalutang.

"Ikaw ay binabasbasan ko mula sa kapaligiran! Ang iyong paligid ang gagabay sa iyo sa kahit saan mo nais puntahan." At muli ay may pumatak sa bagay.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon