Chapter 18.2

16 0 0
                                    

Lyianna

Matapos ang mahaba-habang paliwanagan ay natapos din at nakakain na rin kami. Nagtampo si papa ng kaunti, pero ng marinig naman yung side ko na tinagpi-tagping kwento,  napatawad na ako.

Nakakakonsensya. Yung kahit ayaw mong magkasala pero kailangan kasi natatakot ka sa mga panghuhusga o kaya baka hindi ka na paniwalaan at mawala yung respeto nila sayo.

Yan yung naramdaman ko nung nagsinungaling ako. Halos diko malunok yung kinakain ko kasi dala-dala ko yung konsensyang yun.

Ngayon, kaharap ko sila papa dahil may kailangang pag-usapan pa.

"Paano ang mga kasama mo? Dito ba sila titira?" Tanong ni papa. Hindi naman pagalit o pagkontra ang pagkakatanong niya. Parang normal na nagtatanong lang.

"No papa. Gusto ko sanang dun sa dorm tumira, kasama sila." Alanganing sabi ko.

"Ko? Kasama ka? Anak naman, ayos lang kung tumira sila rito. Lalayo ka na naman." Nahihirapang sabi ni papa. Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong-hininga. Sumandal siya ng maigi sa swivel chair niya dito sa library.

"Papa, may pangako po ako sa kanila. Tsaka lagi ko po kayong bibisitahin." Pangungulit ko. Alam kong di naman ako matatanggihan ni papa.

"Fine! You can use the penthouse of the dorm. No more reasons! Its my decision!" He firmly said. Ngumiti na lang. Wala naman na akong magagawa kung tatanggi pa ako. Baka hindi na kami payagan.

"Nga pala anak, sa school din ba sila mag-aaral?" Tanong ni mama.

"Opo! Third year pa lang po si Zia at Xan, sina Phill, Sheen at Blaize po katulad ko rin na fourth year po pero mga BsIT sila. Si Xav at Brent naman po kaklase ko. Tapos yung tatlong babae, sa BsTourism po." Paliwanag ko. Of course, its a bluff. Lahat kami may kakayahang maintindihan ang mga pinag-aaralan ng mga tao.

Kaya na naming maintindihan ang nasa isang libro at i-apply. Hindi mahirap sa aming mga immortal na umintindi ng mga bagay. Para sa amin, lahat madaling pag-aralan. (Ewan lang sa usaping puso.)

"Okay. You will re-take your 1st semester. Pero ngayong 2nd semester na kayo papasok. Mga OJT pa yung iba sa inyo so, baka hindi kayo mag-stay sa dorm." Paliwanag ni mama. Alam ko ng mang-yayari yun. Nag-usap usap na kami about this matter at lahat sila inasa sa akin. Well...

"For the meantime, gusto kasi nilang sabay-sabay kaming ga-graduate kaya yung mga re-take subjects lang po yung kukunin namin this sem. Tapos po ako, kukuha ng cooking skills kasi po wala naman akong ire-retake. Kaya nag-enroll po ako ng ibang subject." Sorry po pero kailangan ko talagang magsinungaling.

"Okay! That will be fine." Sabi ni papa sa akin.

"I can also help sa office pag break ko po. Parang training ko narin po." Kanina pa namamawis ang palad ko. Ang dami ko ng kasalanan. Sana mapatawad pa nila ako.

"That will be great. By the way, here's your cards." Sabay abot sa akin ang card holder. Binuklat ko iyon at nakita ko ang mga credit cards, atms, and other cards ko.

"Thanks papa. Matulog na po kayo, tsaka po bukas sasamahan ko silang mag-enroll tsaka bibili na rin po kami ng gamit nila. At diretso na po kami sa dorm kasi sa susunod na araw na po ang klase. Bibisita na lang po ako dito tsaka lagi naman po ako sa opisina niyo." Tumango si papa at mama. Tumayo na rin ako.

"Okay good night babygirl ko. Sleep well!" Sabi ni papa. Its nice to have such complete and very understanding family.

Eto ang lagi kong hinahanap sa tunay kong mundo. Hindi pa man, pero nagdadalawang-isip na ako.

"Sana..."

----
Nagising ako dahil sa kaluskos. Tinignan ko ang bed clock ko at alas-quatro palang. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong tulog na tulog pa sila Zia. Pagkabukas ko ng pintuan, nakita kong may anino sa may kusina.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon