Chapter 1

31 1 0
                                    

The beginning

Sa isang malawak na lupain ng Arachimenza ay may isang palasyo na naitayo sa itaas ng isang mataas na burol.

Sa nasasakupan ng palasyo ay lahat ay nagsasaya, sapagkat naisilan na ang kanilang prinsesa. Si Prinsesa Althiana Celeene Archamaindez. Siya ang Prinsesa ng mga mabubuting nilalang sa mundo ng mahika at kapangyarihan.

Sa kabilang dayo naman, sa isang liblib na lugar ng Arachimenza ay may isang palasyo rin na nagdidiwang sapagkat naipanganak na ang susunod na hari ng mga maiitim na mahika. Siya si Herardex Zadeen Schaltriz, ang prinsipe ng maitim na mahika at kapangyarihan.

Araw ang pagitan ng kapanganakan. Dalawang araw mula ng isinilang si Herardex ay ang pagkasilang naman ng prinsesa Althiana.

Dalawampung taon ang nakalipas at sabay na petsa ang ginamit ng dalawang kaharian upang idaos ang kaarawan ng dalawa. Magkahiwalay na lugar, magkahiwalay ng selebrasyon ngunit pareho ng oras at petsa.

Sa selebrasyon sa Mandrival Palace, ang palasyo ng mabubuti, ay nagdidiwang ang lahat. Maraming bisita at maraming regalo para sa prinsesa. Ngayong araw ay kokoranahan siyang Prinsesa ng mga Prinsesa. Siya ang susunod na Reyna balang araw.

Sa kabilang banda, ay ganoon rin. Maraming bisita at maraming regalo. Marami ring nagtatanghal para maaliw ang mga bisita. Sa araw na ring iyon, kokoranahan sya Prinsipe ng mga Prinsipe at susunod na hari ng Inividriz Palace.

Oras na ng pagkokorona. Naisagawa na ang mga ritwual at ng mga basbas sa dalawang palasyo. Matapos mailagay ang kanilang mga korona ay biglang lumiwanag ang kalangitan at sila'y sabay na nailawan. Lamang ay hindi nakikita ng magkabilang panig ang nangyayari.

Matapos nito ay tuloy na muli ang selebrasyon.

Walang nakapansin. Walang nakakita. Walang nakaalam.

Wala ang prinsesa at kahit ang prinsipe.

Silang dalawa ay patakbong umalis ng palasyo at tinatahak ang loob ng kagubatan. Upang magsaya mag-isa at takasan pangsamantala ang responsibilidad.

Sa tagal ng pagtakbo, sila'y nagkabanggaan.

"Pasensya na Binibini. Hindi kita nakita." Paumanhing sabi ng Prinsipe.

"Ayos lang. Hindi rin naman ako tumitingin sa aking daraanan." Sagot niya rito.

Inaangat nila ang kanilang mga paningin upang masilayan ang mga mukha ng bawat isa. Pansamantala, sila'y nawala sa mga sarili. Tila nahihipnotismo sa kanya-kanyang titig. Pansamantalang natulala dahil sa pagkakabighani.

Nang sila'y matauhan, bahagya silang nahiya.

"Anong ginagawa mo sa gitna ng kagubatan, Binibini?" Tanong ng prinsipe ng siya nakabawi.

"G-gusto ko lang takasan ang aming palasyo. Masyado kasing maingay kung kaya't umalis ako. Ikaw?"

"Pareho pala tayo. Isa ka pa lang Prinsesa. Ako nga pala si Herardex Zadeen Schaltriz. Ano ang iyong pangalan mahal na Prinsesa?"

"Althiana Celeene Archamaindrex." At sila'y nagkamay.

Nag-usap sila ng nag-usap bago nila naisipang bumalik sa kanya-kanyang palasyo.

"Kailangan na nating umuwi. Baka hinahanap na tayo." Ani ng Prinsesa.

"Tama ka. Sak masyado ng malalim ang gabi. Delikado na para sayo ang nasa labas."

"Ayos lang ako."

"Celeene..."

"Ano iyon Zadeen?"

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon