Chapter 3

24 1 0
                                    

Maine POV

Nandito kami ngayon sa Pavilion kung saan gaganapin ang debut ko. Next week na yun kaya kailangan na namin magprepare. Ayos lang sana na hindi ako pumunta kasi may planner naman pero nagpumilit ako.

Gusto ko kasing ako mismo ang magbibigay ng kung anong design ang gagawin.

May gazebo naman doon at sa harap neto ay bulwagan. May mga halaman din dito at may dalawang fountain.

"Sa may gazebo gawin po sanang parang portal. Pero sana hindi yung pang horror. May mga nakasabit dapat na mga bilog sa mga puno at yun ang gawing pang ilaw. Meron din sanang LED lights sa may halaman at pag sa 18 roses sana yung fountain magkakailaw kasabay sa LED lights."

Nakikinig lang sila sa akin at nagsusulat.

"Gusto ko rin lagyan ng effects, dun sana sa may gilid tapos merong mga pang princess. Kayo na lang po bahala sa ibang details basta po yung may touch ng fantasy."

Actually yung place, nasa likod ng bahay. Medyo malayo lang ng konti kaya magha-hire ako ng mga carriage.

"Eh Miss pano naman po ang damit niyo?" Tanong ng designer ni mama.

"Miss Kyrene, kayo naman po. Alam ko na pong kaya niyo yan." Sagot ko sakanya. Sa lahat ng damit, siya lang ang mapagkakatiwalaan ko. Napaka unique kasi tsaka ang ganda pa.

"Ikaw naman, syempre gusto kong malaman kung ano ang gusto mo. Masyado kang bilib sa akin."

"Oo naman, bilib na bilib talaga ako. Pero sige, gusto ko yung para akong warrior pero pang princess ang style. Gusto ko rin mahaba pero ayaw ko ng balloon. Ayokong long sleeves pero ayoko namang tube. Gusto ko yung pag nahahanginan lilipad siya tas makikita nilang mahaba at alam mo yung parang dapat sa paradise. Gusto ko kulay white siya pag nakikita sa dilim at parang maggo-glow siya na magrereflect sa akin yung ilaw. Pero pag natatapatan ng ilaw may kulay siya ng light colors." Palakad lakad kong sinasabi na parang ini-imigane ko ang magiging style.

"Parang mahirap naman yan, sana pala di na kita tinanong. Pero sige gagawan ko ng paraan. May idadagdag ka pa?" Alanganin niyang tanong sa akin.

"Gusto kong pag nakita ako, prinsesa talaga ang tingin sa akin."

"Ma'am may regalo po kayo, galing New York po. Galing sa pinsan mo na si Harry." Sabi ni ate Linda.

"Sige salamat Ate. Dito mo na lang po ilagay. Bubuksan ko na agad." Si Harry ang pinakapaborito ko kasi siya yung pinaka bunso naming pinsan. Chubby kasi siya.

Dalawang box na nakabalot sa green na wrapper at may isang white naman na parang silk. Ang ganda pa ng pagkakabalot.

From: FGM
To: Sharmaine Buenvista
Its our pleasure to have you as our princess

FGM? Sino naman yun? Pero akin naman to. Hmm baka kung ano na naman trip ng mga pinsan ko.

Binuksan ko yung white na box. Napanganga na lang ako dahil dun sa nasa loob.

"Wow!" Yun lang ang tangi kong nasabi. Ang gandang regalo at mukhang mahal pa.

Inangat ko yun sa harap ni Miss Kyrene at mukhang pati siya namangha.

"Wow! Kanino galing yan? Ang ganda naman niyan. Parang pang-princess talaga siya pero ang ganda tsaka meron pa siyang siyang anim na iba't ibang kulay na kumikinang." Sambit niya habang nakatingin din sa korona. Oo korona siya at sobrang ganda.

Kulay silver siya na medyo mataas na crown at may anim siyang bato. Kulay red yung nasa pinakataas at blue and green naman sa gitna at gray, white and dark violet sa lower part.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon