Chapter 10

21 0 0
                                    

Fate is really unpredictable. Minsan sarap upakan kasi nakakainis. Pero at least kahit nakakainis, napasaya at natulungan. Yun nga lang sa ibang bagay.

------------

Lyianna POV

"Bwisit na lalaking yun!!" Nanggagalaiting sabi ko. Sino ba naman ang hindi kung mukha niya ang bubungad sa umaga mo at uutusan ka ng kung anu-ano.

"Relax Ly. Minor lang naman siguro ang inutos sayo. Tsaka pabor sayo yun, kasi ikaw ang naging girlfriend ni Prince Xav."

"Minor ba yun? Ang utusan akong kumuha ng breakfast niya kahit free naman ang service sa cafe?! Minor ba yung kailangan kong mag-arte doon, nagpapaka-feeling sweet sa lahat. Yuck!!!" At umakto akong masuka-suka.

Naalala ko na naman ng araw na yun. Sana pala hindi ko na lang pinatulan yung babae para hindi ako nahihirapan ng ganito.

Flashback
-2 weeks ago-

Inakay ako palabas ng lalaking nakayakap sa akin. Dinala niya ako sa mini garden malapit sa cafe. Walang masyadong tao kaya ng makarating kami doon, agad niya akong binitawan.

Lumayo siya sa akin. Napatawa siya hanggang sa napahalakhak na.

Baliw na to!

"My girlfriend." Sabi niya or more like bulong niya. Ang hina kasi.

"Thank you sa pagpigil sa akin." Umpisa ko. Tinaas naman niya ang isang kamay niya na parang sinasabing wala lang yun.

"Dapat hindi mo na sinabi na girlfriend mo ako! Hindi naman yun totoo, tsaka hindi kita kilala!" Sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin na nakakunot-noo.

"You don't know me?" Takang-taka na sabi niya. Tinaas ko lang ang kilay ko. Tinaas rin niya. Napahinto ako. Gwapo pala ang mokong.

"Okay! Whatever your reason, I don't care about it anymore. Alam kong kalat na sa buong Gem Academy ang sinabi ko kaya wala na akong magagawa para pigilan yun."

"You mean hindi mo na mababawi yun? Pwede namang sabihing nagbreak na tayo or kaya joke lang yun." Suggestion ko. Aba malay! Wala akong experience.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon