Chapter 9

21 2 0
                                    

Moving on is not like forgetting people. It's just letting go the memories you are holding and continue your life without them.

-------
Lyianna POV

May mga tanong sa isip natin na kahit anong hanap mo sa formula niya hindi mo mahanap. Meron siguro pero hindi mo alam kung yun ba talaga o hindi.

Siguro nga yun na yung formula pero hindi mo lang alam gamitin. Ang buhay naman natin hindi kagaya ng mga Math problems na given na ang formula, mag solve ka nalang. Ang buhay natin kasi parang Math problems na sobrang liit ng problema pero masyadong mahaba ang solution bago mo makuha ang answer.

Parang Physics na ang hinahanap ay power. Hanapin mo muna ang acceleration, force at work bago mo masolve ang power.

Pero hindi ito parang test questions na pwede mong wag sagutan ang isa at yung next question na sagutan mo.

Anyway why am I comparing our life to a mathematical problem? Simply because, my life is like a big question mark.

Pumasok ako sa building kanina at bago ka makapasok kailangang sagutin ang nasa form. Personal information.

Pero yung problema ko yung kaisa-isang question.

Parent's name:_________&________

Wala akong alam.

"Paano pag diko alam ang pangalan ng parents ko?" Tanong ko sa babae na nasa harap.

Tumingin siya sa akin.

"Huwag mo ng sagutin. Ilagay mo na lang dito sa secret book ang pangalan ng nag-alaga sayo."

Sinulat ko na pangalan ni Krein saka pumirma.

"Kailangan mo munang makakuha ng apprentice mo. Pagkatapos mong gawin yun, bumalik ka dito para maibigay ko ang room number mo at kung anong grupo ka kabilang." Paliwanag niya sa akin. Sa isang Pon matatagpuan ang mga apprentice.

Kailangan kong makakuha ng isang apprentice na fairy.

Kailangan lang itapat sa isang parihaba ang isang kamay at hintaying umilaw ito. Saka mo makikilala ang apprentice mo. So ginawa ko naman ang nasa instruction. Hindi lang ako nag-iisa dito. Meron pang ibang kumukuha ng apprentice.

Nang umilaw ay saglit akong naghintay. Walang isang minuto ay may lumilipad na fairy na nakakulay gold na damit.

"Ako si Lez. Ang apprentice mo." Sabi niya sa akin na may bored na boses.

"Ok. Ako si Lyianna." Bumalik ako muli sa information desk a para makuha ang iba pang kailangan.

"Eto ang room number mo at kabilang ka sa Royal class." Huh? Ano yun?

"Ahh Miss ano po ba yung Royal class?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Ang Royal class ay ang porsyento ng level power ng isang tao at ang body strength nito. Mataas ang level power pero mababa ang body strength. May apat na class sa Gem Academy. Ang pinakamababa ay ang Bronze Class. Sila ang may mababang level power at body strength. Sa Gold Class na ikatlo, ay may mababang level power at may mataas na body strength. Ang Royal Class ang sunod at huli ang Royal S Class na may parehong mataas na level power at body strength." Ahhh? Bakit parang wala namang test na nagcalculate sa mga yun.

Nagpasalamat na lang ako sa kanya bago pumunta sa tutuluyan ko. Hapon na at medyo gutom na rin ako.

Nang makarating ako roon ay hindi ko inaasahang sa isang Royal tree house pala ang tutuluyan ko. Maraming Royal Tree house at magkakahilera lang ito. May Royal Class na naka lagay sa may gate ng mga tree house. Magkatabi ang Royal Class at Royal S at sa tapat ay ang Bronze at Gold.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon