Chapter 18.1

11 0 0
                                    

SO's POV

Matapos ang dramang naganap sa harap ng gate, saka lamang napansin ng ginang ang mga kasama ng anak.

"Anak sino sila? Tsaka bakit nakasuot kayo ng ganyan?" Nagtatakang tanong ng ginang. Napatingin naman si Lyianna sa mga kasama. Lahat sila mukhang naiinip na lalo na ang mga prinsipe. Ngumiti siya ng alanganin.

"Pasok na kayo." Sabi nito sa kanila. Tumapat ang mga ito sa harap nila.

"Ma, I want you to meet my friends, this is Xan, Zia, Brent, Sheen, Blaize, Phill, Xavish, Daphael, Flora and Vyianne. They are the one who helped me. Guys meet my mom, Elena Buenavista." Pagpapakilala nito sakanila.

"Good morning madame." Bati nila sa ginang. May bahagya pang pagyukod.

"Actually, good evening na. Hehe!" Awkward na sabi nito. Napatingin naman sa paligid ang iba saka napatawa ng alanganin.

"Pasok kayo. Tuloy! Tuloy!" Sabi ng ginang sa mga ito.

"Guys do you want to take some rest or you want to eat first?" Tanong ng dalaga sa mga kasama.

"Maybe we will rest first. Pwede ba?" Sabi ni Brent sa kanya. Ngumiti siya dito saka iginaya sa loob.

"Okay! We will prepare a lot of foods. What do you want?" Singit na tanong ng ginang sa mga bisita.

"Ma, ikaw na bahala. Basta luto mo masarap naman eh." Sagot ni Lyianna. Ngumiti naman pabalik ang ginang bago tumuloy sa kusina.

"Gusto niyo bang magkakasama o magkakahiwalay?" Tanong nito sa mga kasama.

"Pwedeng kami na lang ni Xav sa isang kwarto? The rest bahala ka na." Sabi ni Vyianne.

"No. Boys together, girls together. We still follow the rules of Gem Academy." Kontra ni Xav. Tumango na lang si Lyianna habang nadismaya naman si Vyianne. Tinungo nila ang second floor ng bahay saka tumapat sa magkatapatang dalawang pinto.

"Well dito na lang muna kayo. The blue one is for boys and the pink is for girls. Magpapadala na lang ako ng  mga damit for you to use." Tumingin ito sa dalawang kaibigan.

"You can use my room if you want." Nakangiting sabi nito. Agad na tumango ang dalawa.

"Phew! Akala ko naman kasama na namin yung tatlo. Psh!" Sabi ni Xan. Of course ayaw ni Lyianna na isama ang mga kaibigan sa kwartong iyon. May pagkamaldita pa naman yung tatlo.
-----------
Lyianna

Its dinner time and my siblings and my father will come arrive soon. Hindi ko alam kung ano ang ire-react nila. I've been away for five months tapos magpapakita na lang ako ng basta.

"Anak tawagin mo na yung mga kasama mo. Kakain na tayo. Parating naman na si Nikki at Kyle. Si papa mo malamang nandyan na yun." At dahil dun kinabahan na naman ako.

Pumanhik ako sa taas para tawagin sila. Una kong dinaanan ang kwarto ko. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.

"Guys, kakain na tayo." Sabi nito.

"Sige, wait lang!" Tinawag ko na rin ang iba. At lahat sila naghanda na.

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na papasok sa gate. Hindi ko alam pero biglang kumabog ang dibdib ko. Nasa dulong baitang palang kami ng marinig namin ang boses ni kuya at ni Nikki.

"Mommy! Nandito na kami." Si Nikki. Halata sa boses niya ang saya.

"Hay naku 'my, ang kulit ni Nikki sa mall. Ang dami niyang binili!" Reklamo ni kuya.

"Naku! Nag-enjoy naman ba kayo?" Tanong ni mama sakanila.

"Oo naman 'my." Sagot ni Nikki.

"Pero mas masaya sana kung nandito si ate." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nahiwalay sakanila.

Masyadong mabigat sa pakiramdam na ako ang dahilan kung bakit siya malungkot. Kahit bumalik ako ngayon, iiwan ko rin naman sila pag natapos ang misyon namin. Tama ba ang ginawa ko?

"May surprise ako sa inyo. Diretso na kayo sa dining!" Excited si mama. Napangiti ako ng bahagya. Dumiretso na yung mga kasamahan namin sa dining.

"Oh! May kasama pa tayo sa dining. Mas madami, mas masaya!" Tuwang tuwa talaga si mama ngayon. Who wouldn't be?

"Who are they mom?" Tsk! Medyo striktong tanong ni kuya. Kahit kailan talaga. Ayaw na ayaw kasi niya yung may bisita kami kapag dinner unless kakilala ng isa sa amin.

"You'll know them later." Hindi muna ako nagpakita sa kanila. Dumiretso ako sa kusina. Ginamit ko yung connecting door.

"Nandito na ako!" Sigaw ng lalaking una kong minahal.

Ang taga-tahan ko.

Ang laging nagtatanggol sa akin kung inaaway ako ni kuya.

Ang laging bine-baby ako.

"PAPA!"
"HONEY!" Si papa. May pumatak na luha sa akin na agad ko ring pinawi.

"Wow! We have visitors! How are you guys?" Tanong nito. Malamang nasa dining na siya at nakita niya na sila Brent.

"We are all fine sir, thank you for asking." Si Brent.

"Okay let's eat!"

"Manang! Yung pagkain!" Lumabas na ako na hawak yung niluto ko. Kasunod ko yung mga maid.

"ATE??!" Gulat na reaksyon ni Nikki. Para siyang nakakita ng multo. Nanlalaking mga mata at namumutla pa siya.

"AMPON!" Kahit si kuya ganun din ang reaksyon.

"Sharmaine?" Si papa. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Parang nagtatanong na naninigurado.

"Hello!" Ngiwing ngiti yata ang naipakita ko. Tumakbo papunta sa akin Nikki saka ako nilundag ng yakap. Buti na lang may takip yung hawak kong bowl.

"Ate! Namiss kita! Halos gabi-gabi binibisita ko ang kwarto mo kung nakabalik ka na! Kapag bumibili ako sa mall, lagi kong tinatanong kung ayos lang ba yung binili ko pero yung sales lady ang sumasagot! Kapag inaaway ako ni kuya, wala akong kakampi! Ate! Miss na miss kita!" Umiiyak na sabi niya habang nakayakap sa akin. Naiiyak na rin ako. Ramdam ko ang pangungulila niya sa akin. Ang lungkot na kahit kailan hindi ko nakita o naramdaman sa kanya noon.

"Akala namin, kindnap ka! Halos ipa-withdraw ni papa lahat ng pera natin sa bangko para kung sakaling manghingi sila ng ransom, may maibigay agad. Naghintay kami ng tatawag pero wala. Halos mawalan na kami ng pag-asa pero hanggat walang bangkay at tawag, naniniwala kaming buhay ka at babalik ka!" Humigpit ang yakap niya sa akin.

"S-sorry." Yung lang ang naisagot ko. Wala akong ibang masabi. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko sila.

Ako man sa sarili ko, hindi ko alam ang talagang nangyari sa akin. Hindi malinaw sa akin kung paano ako napadpad sa Mandrival. Pero isa lang ang pinagpapasalamat ko, na tinanggap parin nila ako kahit na umalis ako.

Alam kong masasaktan ko muli sila pag natapos ko na ang misyon namin. Alam kong hindi ko na sila makikita muli. At sana, sa pag-alis ko hindi na masyadong masakit.

"Salamat ate bumalik ka! Huwag ka ng aalis ulit. Baka hindi na namin kakayanin!"

O hanggang 'sana' lang?

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon