Chapter 16

17 1 0
                                    

Lyianna

"Mas gusto ko doon sa Archer club. Puro pana sila doon tsaka maganda yung costumes."

"Mas bagay ka sa Bookworm club! Para matuto kang mag-aral!"

"Nag-aaral ako noh! Tsaka kahit puro aral ka kung lakas at galing lang ang kailangan natin."

"Useless ang lakas at galing mo kung wala kang strategy!"

"Madali na lang yun!"

Sila Zia at Xan yan. Nagtatalo sa kung anong club ang sasalihan. Kanina pa yan eh. After nung elimination a week ago, sa clubs naman kami bago ang prelim kumbaga. Next month na kami mage-exam kaya lahat tinatapos na ngayon. Kailangan kasi na sumali kami sa kahit na anong club.

"Alam niyo pwede naman kasi na dalawa ang salihan. Bakit ba kasi nagtatalo kayo?" Tanong ko sa kanila. Masyado na kasing seryoso sila.

"Ly! Kailangang isa lang para makapagfocus!" Sagot ni Xan.

"Eh bakit kaya hindi na lang dyan sa Clash club? May acads and martial arts din yan." Sagot ko. Papakahirap pa eh.

"Mahirap requirements." Sagot ni Zia. Tss! Rason niya lang yan nandun kasi si Blaize slash ex-boyfriend.

"Ihh!! Maniniwala na sana ako kung di lang namin alam na ex mo si Prince Blaize!" Panunukso ni Xan.

"Alam mo Zia, wala pa akong naging boyfriend kaya hindi ko alam yang nararamdaman mo. Pero mas maganda kung lagi mo siyang nakikita para makapag-move on ka." Sabi ko sa kanya. Ganun naman diba? Face the reality.

"Oh sige na nga. Punta na tayo dun para makakuha ng form." Sabi niya. Pag talaga napapahiya siya nawawala pagka cool niya.

Pumunta na kami sa Clash club para mag-apply. Pumila kami nung matapos namin fill-upan yung form. Nung kami na si Brent pala at Blaize yung nandun. Kasama nila si Sheen at si Flora, isang member ng Diamond Princess.

"Buti naman at naisipan niyo itong club namin. Don't worry, ako na bahala dito." Ngumiti siya sa amin. Si Xan naman todo papansin kay Sheen pero waepek! Si Zia naman nakahalukipkip lang at naghihintay. Nilingon ko si Blaize pero nakatingin siya kay Zia.

"Tara na?" Tanong ko dun sa dalawa. Hihirit na sana si Xan pero nahila na siya ni Zia.

"Sige ha! Alis na rin ako. Salamat!" At umalis na ako.

Nakita ko silang naghihintay sa labas.

"Tara na. May klase pa tayo." Yaya ko sa kanilang dalawa.

"Ano kaya gagawin natin? Tinatamad pa naman ako." Si Xan. Lagi naman eh.

"Sabi ni prof magtraining. Ang alam ko tatakbo na naman tayo. Tapos palakasin daw natin muscles natin." Sagot ko. Gaining strength ang next subject namin.

"Yun na naman. Haist!" Reklamo ni Xan.

------------
Kinabukasan

Nagre-ready na ako. Kakatapos ko lang magayos. Naka-P.E kami pero hindi parang sa human world yung style. Naka white mid-sleeve kami sa panloob at sleeveless na coat. Fitted pero strechable pants at knee length boots. Kailangang naka bun-hair kami.

Hindi ako nagmake-up. Para san pa kung malulusaw naman. Lumabas na ako ng kwarto at sakto palabas pa lang yung dalawa.

"Tara na!" Yaya ni Xan sa amin. Lumabas na kami papuntang training grounds.

Nakarating na kami sa ground at maraming tao. Anong meron?

"Lahat na ba ng freshmen nandito?" Tsk! Aba malay namin. As if kilala namin lahat ng estudyante dito. Marami kasing freshmen. Eight classes kasi kami pero forty per class.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon