Chapter 14

15 1 0
                                    

Lyianna

Nang matapos ako ng lunch, ay agad na kaming tumayo para makapasok na sa next Class. Tumuloy pa rin ako kahit mapapadaan kami sa harap nila.

"Lyianna, dun na lang tayo sa kabilang exit." Alanganing sabi ni Zia. Alam ko naman kung bakit pero wala akong paki. In the first place, wala naman akong dapat ikatakot.

"Huwag na. Mapapalayo pa tayo. Don't worry guys!" Sabi ko sa kanila.

Inayos ko ang pagkakasuot ko ng bagpack ko saka naglakad. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng makarinig ako ng kung anu-ano.

"Hindi ba yan yung gf ni Prince Xav. Pero bakit kasama niya si Lady Vyiane? Wala na ba sila?"

"Baka wala! Tsaka di naman sila bagay eh! Hindi naman siya maganda! Tsaka weak yan!"

"Oo! Akalain mong namatay dahil lang sa simpleng atake! Ewan ba kung pano nakapasok sa Royal Class yan!"

"Bagay sa kanya hindi dapat nilalapitan."

Napayuko na lang ako saka tumuloy. Ayoko ng mangyari yung dati.

Diretso lang ako sa paglalakad ng bigla akong natisod. Nadapa ako. Narinig ko ang tawanan nilang lahat.

"Lyianna!" Sigaw nina Zia at Xan. Nilingon ko sila. Hawak pala sila ng dalawang babae. Tumayo na ako at hinarap yung mga nanisod sa akin.

"Bakit mo yun ginawa?" Hindi siya sumagot pero tinapunan niya lang ako ng juice sa mukha. Napasinghap ako maging sila Zia. Yung mga nakakita tumawa lang at parang nage-enjoy pa sa nangyayari.

"Anong feeling? Malamig ba?" Patuyang sabi nung babae. Hindi pa siya nakuntento at sinampal pa ako ng dalawang beses.

"Tama na! Ano bang ginawa niya sa inyo?" Sigaw ni Xan.

"Tumahimik ka!" Sigaw niya kay Xan. Tumingin siya ulit sa akin saka nginisan.

"Oh? Iiyak ka na ba? Wala ng magtatanggol sayo? Alam na ng lahat na hindi naging kayo ni Prince. Ang feeling mo kasi!" Saka niya ako tinulak. Binato rin ako ng iba ng kung anu-ano. May nambato pa sa akin ng lata at tumama yun sa ulo ko.

Naiiyak na ako pero pinigilan ko yun. Tuloy-tuloy lang sila sa pagbato.

"Tama na! Ly lumaban ka!"
"Please tama na! Tama na!" Sigaw ng mga kaibigan ko. Sinulyapan ko silang dalawa.

"Tumahimik kayong dalawa!" Saka nila sinabunutan silang dalawa. Wala silang laban dahil pinagtulungan na sila.

Pinangako ko sa sarili ko na tuturuan ko na ang sarili kong huwag gagamitin ang kapangyarihan ko para manakit. Pero nasasaktan ako kasi hindi ko maipagtanggol ang mga kaibigan ko.

"Tama na please! Ako na lang wag na yung mga kaibigan ko!" Pagmamakaawa ko. Pero nginisian lang nila ako. Kinuryente nila silang dalawa. Agad na nawalan ng malay si Zia. Water holder si Zia at mahina sila sa kuryente. Naaawa at nagagalit na ako. Mga tawanan nila at ang daing ni Xan na lang ang naririnig ko.

Kahit ano pigil ko, hindi ko kayang kontrolin ang init at kuryente na dumadaloy sa katawan ko.

"Tama na!" Sigaw ko. Yumanig ng bahagya ang lupa at nabasag ang salamin sa cafe. Tumigil sila sa ginagawa nila. Pero ako wala na akong maintindihan sa nangyayari dahil ang nararamdaman ko na lamang ngayon ay galit!

SO's POV

Tumigil sila ng sumigaw si Lyianna. Malamig na hangin ang kanilang naramdaman. Maging ang mga prinsipe at diamond princess ay napatigil at nakaramdam ng takot ng makitang may apoy na nahaluan ng kuryente sa magkabila nitong mga kamay. Napapalibutan din ito ng kidlat. Naglakad ito papunta sa babae. Hinarangan siya ng tatlong lalaki at pinatamaan ng water balls pero nage-evaporate lang ito kapag tumatama sa kanya.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon