Chapter 12

17 1 0
                                    


Lyianna

Clinic.

Nasa clinic na naman ako. Ilang beses na akong napunta dito at sawang-sawa na ako.

Feeling ko sobrang hina ko. Parang hindi ako kabilang sa mundong to.

Bakit ba lagi akong napapahamak? Bakit hindi ko man lang kayang ipaglaban ang sarili ko. Naiiyak ako.

Awang-awa ako sa sarili ko. Parang wala akong kwenta.

"Umiiyak ka na naman. Sabihin mo na sa amin kung bakit." Si Zia. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Pero hindi ako nagsalita. Pinawi ko ang luha ko na patuloy sa paglandas sa mga pisngi ko. Tinalikuran ko siya.

Bukas pa ako pwedeng lumabas kasi hindi ko pa kayang igalaw ng mabuti ang katawan ko. Sabi kasi binuhay lang ulit ako ni Master Akhiro at baka daw ginamit niya ang mga ugat at dugo ko sa pagbabalik niya ng buhay ko.

Pero sana nga hindi na lang niya ako binuhay. Kasi nakakainis lang, hindi ko maipagtanggol ang sarili ko kaya bakit pa.

"Sige aalis na muna kami. Babalik na lang kami bukas para sunduin ka. Mauna na kami ni Xan." At umalis na sila ng hindi hinintay ang sagot ko.

----------
Nagising ako dahil sa isang kaluskos. Iminulat ko ang mga mata pero madilim na. Nakapatay na din ang mga ilaw ng clinic. Salamat na lang liwanag na galing sa buwan kaya't may nakikita pa ako.

Napalingon ako sa may bintana ng makarinig ako ng kaluskos. Mukhang galing sa labas. May nakita akong anino ng tao. Hindi ko makita ng mabuti pero alam kong nagmamadali ito. Agad itong nawala kaya pinilit kong bumangon para masundan ko yun.

Tinanggal ko ang nakakabit sa aking kamay at lumabas ng clinic. Wala namang nakapansin sa akin kaya walang hirap akong nakalabas. Pumunta agad ako sa may likod dahil dun nakapwesto ang kwarto ko.

Pero napatago ako agad ng may makita akong mga nagtatakbuhang tao. Papunta sila sa direksyon nung nakita ko kanina. Sinundan ko sila ng maingat. Nang makita ko na huminto sila ay huminto na rin ako. Ngayon nakita ko pinapahirapan nila yung lalaki. Naka cloak din ito pero iba ang kulay ng damit nito. Isa itong taga Mandrival.

May isang lalaki na umiilaw ang kamay at bigla niya itong itinapat sa puso nung lalaki. At walang limang segundo ay bigla itong naging bato.

Muntik na akong napasigaw buti na lang napigilan ko. Agad akong nagtago at tumakbo pabalik. Walang lingon-likod at mas binilisan ko pa ang takbo. Nang marating ko ang clinic ay agad akong napapunta sa bed ko sa clinic at agad nagtaklubong.

Kinaumagahan nakalabas na rin ako sa clinic. Walang pagbabago pero hindi ko matanggal sa isip ko ang nasaksihan ko kagabi.

"Lyianna! Ayos ka lang ba?" Napatango ako. Papasok na rin ako dahil gusto ko. Pagkapasok namin wala pang teacher kaya umupo nalang kami. Habang naghihintay, may biglang pumasok na taga council na pinapasabing lahat ng estudyante ay kailangan pumunta sa arena. Kaya pumunta kami doon.

Medyo marami ng tao sa loob kaya pumunta na kami sa Royal Class. Nakita ko rin na ang limang mga prinsepe na nasa pwesto ng Royal S Class at seryoso ang mga mukha at malalim ang mga iniisip. Saglit pa kaming naghintay bago napuno ang arena.

Sa pinaka-baba, kompleto rin ang mga sorceress at maging ang mga Master.

"Parang napaka-importante naman ng sasabihin nila." Bulong ni Zia.

Hindi rin naman nagtagal at nagsimula na.

"Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Professor Rei at itatalakay ko sa inyo kung para saan ang pagpupulong na ito..."

Tumingan siya sa mga kasamahan niyang professor maging sa mga Master. Tumango ang isa sa kanila bago ito nagpatuloy sa kung ano ang sasabihin.

"Gusto kong ipaalam sa inyo na ang magkakaroon tayo ng isang piging(party) sa susunod na sabado. At lahat ay kailangang pumunta. Ito ang kauna-unahang piging na magaganap sa Gem Academy..."

Yun lang?! Tapos nagpa meeting pa talaga!

"Pero hindi lamang iyon. Magkakaroon kayo ng Quarterly exam. Sa bawat pang apat na buwan, magaganap ang exam. Bago ito sa sistema, dahil magkakaroon na tayo ng ranking. Dito ay malalaman kung saang Class ba talaga kayo kabilang at kung gaano kalakas ang hawak niyong kapangyarihan..."

"Sa mga Juniors, kabilang ang una at pangalawang  antas, magkakaroon kayo ng battle examination. Ibig sabihin bago matapos ang pasukan, magkakaroon kayo ng battle examination. Dito malalaman kung meron nga ba kayong natutunan. At sa Seniors naman ay magkakaroon kayo illusion at hypnotize examination na kung saan kakalabanin niyo ang inyong kahinaan sa isang virtual fight."

Bago ba yun?

"Lahat ng nailathala ko kanina ay mga bago sa sistema natin para palakasin ang inyong mga abilidad at kapangyarihan. Kapag nagtagumpay kayo, makakatungtong na kayo sa susunod na antas. Pero dahil parang hindi patas kung ang Seniors ay hindi pagdadaanan ang battle Examination, ipapadala namin sila sa isang mission na susubok sa kanilang abilidad.."

Marami ang umangal, pero marami rin ang naexcite. Ako? Hindi ko alam kung maganda yun pero wala naman akong magagawa kung umayaw ako.

"At may huli pa tayong kailangan pag-usapan..." Muli tumingin na naman siya sa mga Master.

"Gusto kong ipaalam sa inyo na ihanda niyo ang inyong mga sarili para sa isang trahedyang magaganap. Nagpadala ng mensahe ang Invidriz na nagsasabing sila'y lulusob..."

"...Gusto nilang bawiin ang kwintas ng prinsepe ng Inividriz na pinaghihinalaang narito sa Mandrival."

Tumahimik ang lahat.

"Ang kwintas ng prinsepe ng kanilang kaharian ay ang kanilang buong lakas. Nahigop nito ang kalahati ng kapangyarihan ng kanilang hari at maging ang kapangyarihan ng prinsepe. Kung kaya't gusto nila itong bawiin ngunit sa kasamaang palad, wala sa atin ang kwintas..."

"Kaya mag-ingat kayo. Masyadong mapanganib. Kapag kayo'y nahawakan nila at ginamitan ng mahika, kailanman ay hindi na kayo makakabalik pwera na lamang kung may buhay pang tagapangalaga ng Celestial Gods..."

"Yun lamang kung may katanungan, pumunta na lamang sa opisina ng council at doon magtanong. Bumalik na kayo sa inyong mga klase."

Tapos na siyang nagsalita at umalis na. Tumayo narin yung iba at lumabas. Pero nakaupo lang ako. Iniisip ko ang nangyari kagabi. Inividriz kaya sila?

"Ly! Tara na!" Tumayo na ako at lumabas. Dumiretso na kami sa room namin. Nag-uusap sila pero tahimik lang ako.

"Magandang araw!" Meron na pala kaming Professor. (Professor=Sorceress/sorcerer)

"Magkakaroon tayo ng reporting! Ang sino mang makabunot ng pulang papel ay siyang magrereport. Tatlo ang papel na pula dito at may nakasulat na numero. Ibig sabihin tatlo ang magrereport sa inyo." Bumunot na yung nasa unang row at halos sumigaw yung mga hindi nakabunot ng pula. Si Zia na bumunot at asul ang nabunot niya, si Xan naman ay dilaw.

Bumunot na ako at malas pula pa ang nasa akin. "3". Pangatlo ako!

"Okay tumayo na yung mga nakabunot ng pulang papel." Walang tumayo. Mga nag-aalangan. Siyempre sinong gustong magreport!

"Tumayo na kasi!" Ulit ni Prof.

Nag-aalangan man tumayo na ako, sumunod yung isang babae at huli yung lalaki.

"Good. Sino ang nakabunot sa " 1"?" Tinaas ng lalaki ang kamay niya.

"Okay Mr. Loff irereport mo ang history ng Arachimenza. Kabilang ang history ng Madrival at Inividriz. Sino sa number "2"?" Tinaas nung babae ang kamay niya.

"Miss Hewart, irereport mo ang Elemental Powers at ang mga Gods nito. Idagdag mo na rin kung ano ang history nila at I believe Miss Nuevas (Lyianna) you are the "3". So irereport mo ang Celestial Powers. Kung sinu-sino ang mga Celestial Gods at kung sino ang una hanggang sa pinakahuling Celestial chosen. Kailangan mo ring idagdag kung pano ito naipapasa. Idagdag mo rin kung anong powers meron ang bawat Celestial Gods. That's all goodluck." At umalis na siya.

Ako? Problemado!

----

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon