Chapter 7

33 1 1
                                    

Lyianna POV

May mga bagay sa mundong ito na siguro huwag ng asahan at kailangang tanggapin para maka-usad tayo sa buhay natin.

Siguro nga masakit para sa atin na kailangang iwan at kalimutan ang mga bagay na pinagsamahan at naranasan mo sa iba.

Pero siguro kailangan na lang mag move on at ituloy ang buhay. Malay mo, mas magagandang memories pa ang maranasan.

-----

Kahapon, natapos kami ni Krein bumili ng mga gamit ko. Sobrang dami ng binili niya at lahat ay katumbas ang isang black pearl.

Ngayon, kailangan kong matutunang ilabas ang nakatagong kapangyarihan ko... DAW???

Aba?!

"Una mong gawin ay ikondisyon ang katawan, isip, puso at damdamin mo. Kumbaga kailangan mong ikondisyon iyon para mailabas mo ang kapangyarihan mo..."

"... Kailangan magkaisa ang lahat sa katawan mo. Pakinggan mo ang mga halaman. Ang kanilang kasiyahan sa saliw ng hangin. Ang payapang daloy ng tubig na parang mga awit mula sa isang malamig na tinig na iyong maririnig. Ang init ng araw na nagbibigay tatag sa mga halaman. Ang init ng araw na ngumingiti sayo..."

"...damhin mo ang paligid. Pakinggan mo sila."

Pumikit ako. Sa una hirap na hirap ako at lagi akong parang bugbog. Meron pa yung nawawalan ako ng malay.

Isang araw nga, gusto ko na lang bumitaw eh. Parang sumusuko na ako pero si Krein lagi akong kinukonsensya.

"Paano mo mahahanap ang sagot kung unang pagsubok pa lang, sumusuko ka na?"

Ngayon, ewan ko ba? Pumunta ako sa may garden ni Krein. Puro puno tsaka mga halaman at may maliit na parang falls sa isang side. May hagdan naman sa isang tree paakyat sa tree house.

May small bridge sa gitna ng mga roses at ilog sa ilalim ng bridge. May mga bato doon sa gilid at may mga puno din.

Umupo ako sa damuhan saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Pinusisyon ko ang sarili ko na parang nagyoyoga. Ipinokus ko ang isip ko sa mga bagay na gusto ko. Unti-unti kong naramdaman ang kapayapaan sa sarili ko at ang katahimikan sa paligid ko.

Nagsisimula ko ng mapakiramdaman ang hangin na parang nakikisayaw sa mga halaman. Ang payapa ng tubig na patuloy na dumadaloy at ang init ng araw na parang nakikisaya sa paligid.

Ang mga huni ng mga ibon na tila umaawit. Para akong nililipad sa saya at payapa.

Lumilitaw sa aking paningin ang bawat galaw nasa paligid ko. Unti-unti ay isinasabay ko ang lakas ko sa damdamin at isip ko kasabay ng paggusto kong maglabas ng isang pwersa.

Iminuwestra ko ang aking mga kamay sa pwesto ng tubig at saka itinaas iyon. Bumulusok paitaas ang tubig at umiikot. Ang kabilang kamay naman ay nagsesenyas sa hangin na umikot sa aking tabi at ang lupa na bumuka.

Hindi ko makontrol ang emosyon ko. Isang kidlat ang bumuo paikot sa akin at itim na usok sa paligid nito. At saka ko biglang iminulat ang mata ko na siyang naghudyat ng apoy na sumanib sa lahat.

Meron akong kapangyarihan??! Meron?? Meron!!!

Nilaro-laro ko ang mga ito.

"Lyianna!! Patayin mo na yan!! Bilis!" Sigaw ni Krein.

"Paano?" Hindi niya alam kung paano.

"Ganun din kung paano mo sila nilabas."

"Paano? Hindi ko alam."

Napabuntong hininga siya. Saka pumitik ng isang beses. Nawala lahat iyon ng parang bula.

"Halika na!" Pagmamadali niya sa akin. Natataranta siya.

"Bakit ba?" Habang papalapit sa kanya. Imbes na sagutin, hinila niya ako sa loob ng bahay niya at dinala sa kwarto.

"Dito ka lang. Huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay, naiintindihan mo?"

"Okay?" Eh paano nakakatakot aura niya ngayon.

Lumabas na siya ng kwarto at parang nilock pa sa labas. At dahil stuck lang ako dito, humiga na lang ako sa kama ko at hinintay siya.

Pabaling baling lang ako, walang magawa. Ang tagal ni Krein. Sa kakulitan ko nahulog yung isang vase na kahoy.

----
Krein POV

Kasalukuyan akong naghahanda ng tanghalian namin ni Lyianna. Sa susunod na araw na siya aalis at sa Gems Academy na siya pupunta.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng gulay ng maramdaman ko ang malakas na pwersa. Nagawa niya!

Palakas ng palakas hanggang maramdaman ko na lamang ang Dark power at Fire power na nagsama sa para palakasin ang ibang element. Hindi pwede!!!

Mahuhuli siya!! Malalaman na ang katauhan niya.

Agad akong pumunta sa kanya dahil nararamdaman ko ang mga kawal na papunta sa kanya.

Nakita ko siyang nilalaro ang kapangyarihan niya. Nakikita ko rin ang dark power niya.

"Lyianna!! Patayin mo na yan!! Bilis!" Sigaw ko sakanya. Lumingon siya sa akin.

"Paano?" Hindi niya alam kung paano?

"Ganun din kung paano mo sila nilabas."

"Paano? Hindi ko alam." Sagot niya sa akin

Napabuntong hininga na lang ako saka pumitik ng isang beses. Nawala lahat iyon ng parang bula.

"Halika na!" Natatarantang sabi ko sakanya. Nawiwirduhang tumingin siya sa akin.

"Bakit ba?" Habang naglalakad papalapit sa akin. Nang makalapit siya ay agad kong hinila papunta sa loob ng bahay at dinala sa kwarto.

"Dito ka lang. Huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay, naiintindihan mo?"

"Okay?" Tanging sagot niya sa akin. Lumabas na ako at nilock ang pinto sa labas.

Nagpanggap akong may ginagawa. Kalahating oras na ang nakalipas ng may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko naman.

"Magandang araw, magtatanong lang sana ako. Meron po ba kayong kasama dito sa bahay niyo?" Tanong sa akin ng isang kawal.

"Meron po, ang aking pamangkin pero wala po kasi siya ngayon. Bakit ho?" Tinignan niya ako.

"Wala naman." Saka tumitig muli sa akin.

"Wala ba talaga siya rito?" Tanong niyang muli. Napailing na ako.

"Sige kung gayon aalis n--"

*thug*

Napalingon siya sa taas. Kinakabahang lumingon siya sa kawal na napatigil.

"Ano yun?" Tanong sa akin ng kawal.

"Ahh..."

"May tinatago ka ba rito?" Seryosong tanong sa akin ng kawal.

Kinakabahan ako pero kumalma rin. Bakit nga ba hindi?

"Wala akong tinatago." Tinitigan ko sa mata ang kawal. Nagkulay puti ang itim ng mata niya.

"Wala kang nakita. Hindi ba?" Tanong ko sa kawal. Wala na akong magagawa. Ito na lang ang tanging paraan para hindi mahuli si Lyianna. Tumango siya sa akin at tumalikod na siya.

Mawawala rin ang spell na ginamit ko sa kanya. Hypnotize spell.

Pumanhik ako sa taas. Binuksan ko ang pintuan. Nakita ko si Lyianna na nakaupo sa kama.

Pangiwing ngumiti sa akin. Napailing-iling na lang ako.

Delikado ang hawak niyang kapalaran. Kailangan niyang mag-ingat dahil kung hindi, katapusan niya na at maaaring ang buong Archamainza.

"Lyianna, bukas na bukas ay sisimulan na natin ang proper training mo. Kailangan mo ng matutunan kung pano kontrolin ang kapangyarihan mo..."

"Sige." Ngumiti siya sa akin na parang excited.

Pero ako kabado sa anumang mangyayari.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon