Chapter 11

17 1 0
                                    

AN: Always Lyianna's POV na lang at SO's POV (someone).

---------------
"Walang dapat makaalam nito!"

"Pero anong gagawin natin? Unti-unti na nilang natatagpuan ang prinsesa!"

"Gawin natin ang lahat! Kung kailangang ilihim ang buo niyang pagkatao ay gagawin natin!"

Ugh! Ano yun? Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasaan ba ako?

Wala akong matandaan kung pa--

Oo nga pala! Nahimatay pala ako sa stadium. Hindi ko alam kung paano at kung bakit ako nawalan ng malay. Basta ang alam ko lang, unti-unti akong nakaramdam ng panghihina at parang may pumapasok na enerhiya sa katawan ko.

Hindi ko rin sigurado kung paano nangyari yung pagkakawala ng malay ng limang Master.

"Gising ka na pala!" May narinig akong nagsalita. Lumingon ako sa may pintuan para makita ang taga-bantay. May hawak siyang baso.

"Kanina ka pa ba gising?" Tanong niya sa akin. Umiling lang ako at pumikit ulit. Ewan ko pero wala akong lakas para magsalita. Nanghihina pa ako.

"Mamaya ka na matulog. Kailangan mong inumin ito para gumaling ka at magkalakas at sasagutin mo pa tong mga dapat mong sagutin." Inupo niya ako at ipinainom sa akin at hawak niya kanina. Masyadong malamig sa pakiramdam ang pinainom niya sa akin pero mainit kapag nasa loob na.

"Mainit." Yun ang agad lumabas na salita sa akin. Mainit talaga! Para akong pinagpapawisan pero wala namang pawis.

"Buti naman. Ibig sabihin gumaganda ang pakiramdam mo. Pero huwag kang mag-alala, mawawala rin iyan kapag nagamot na ang mga pinsala sa katawan mo." Napatango ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga sa mundong to.

"Ngayon, kailangan mong sagutin ang mga itatanong ko para alam namin kung ano ang ibibigay sayong potion para gumaling ka kaagad." Tumango na lang ako ulit.

"Bakit ka hinimatay?" Tanong niya sa akin. Bakit nga ba ulit? Hindi ko alam kung tama bang sagutin ko ang tanong niya dahil medyo kumplikado ang sagot ko. Baka mapagkamalan pa akong baliw. Pero kasi wala akong ibang rason eh.

"Huwag mong sasabihin ang totoo."

Ano yun?
"Bakit?" Tanong sa akin ng taga-bantay. Napansin niya sigurong lumilinga ako.

"Ah wala." Pagtatanggi ko. San ba yun?

"Huwag mong sasabihin ang totoo."

Ayan na naman. Eh wala na akong rason eh.

"So ano ang dahilan kung bakit ka nahimatay?" Ulit niya. Medyo naiinip na siya. Isang tanong palang yun pero umabot kami ng dalawang minuto.

"Gutom lang ako. Di kasi ako kumain."

"Hmm. Sige. Wala ba akong itatanong. Pwede ka ng lumabas mamaya. Hindi naman pala masyadong grabe ang nangyari sayo."

Ay taray! Sabi niya madami siyang tanong, eh isa pa lang yun! Tsk!

---------
Nakalabas na ako ng clinic at ngayon ay papunta na sa cafeteria kasama sina Zia at Xan. 

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka nahimatay. Kumain tayo ng breakfast at wala kang sakit!" Si Zia na may pahampas-hampas pa sa hangin.

"Tsaka wow Ly! Sayang! Hindi mo nakita yung exhibition ng mga Master! Ang galing kaya nila! Eto agaw eksena eh!" Manghang sabi ni Xan. Wait?

"Ang ibig mo bang sabihin, hindi nahimatay ang mga Master?" Naguguluhang tanong ko. Pokerface lang ang pinakita nila sa akin.

Unknown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon