3: Mystery Guy

25 3 0
                                    

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana ng sasakyan niya. Hindi ko alam. Hindi ko siya kilala. Pero kilala niya ako. I tried to open that topic about me pero parang ayaw niyang pag-usapan dahil umiiling at tumatango lang siya, pagkatapos non iibahin na niya yung topic. Tumingin ako sa kanya habang nagdadrive siya. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa suot niyang mask at shades. Parang akala mo celebrity.

"Not finish staring at me?" Nabigla ako sa sinabi niya kaya napaiwas ako.

"Sa side mirror ako nakatingin hindi sayo. Excuse me." Pagsusuplada ko.

Binuksan niya yung radio niya pero akala ko sa radio station kami makikinig pero may inilagay siyang CD doon. Nagsimula nang magplay ang kanta. I almost dropped my jaw. It's Paul Kurt voice.

"It's been a good day. How are you..."

Una palang alam ko nang si Paul Kurt iyon. Hindi ko alam ang kanta dahil hindi pa naman ata siya inilalabas.

"A-anong title nang kantang yan? Bago ba yan?" Tanong ko sa lalaking nagmamaneho na hindi ko naman alam kung anong pangalan.

"Though you're not here i'll stay by your side. I'm gonna carry you. I'm gonna love you. Even if the stars can't shine, you're the star i will sacrifice my sleep to see...."

"I'm gonna ang title nyan. Hindi yan bago. It's been a year when I-- he composed that song." Napatango ako. Pero bakit hindi ko alam?

"You're the only one i want to be with. I'm gonna hold your hand while we're walking. I'm gonna hold you forever.
...."

"Eh bakit parang hindi naman niya kinakanta sa concerts nila?" Tanong ko pa.

"It's a secret song." Naiinis na sabi niya. Halata namang naiinis na siya sa mga tanong ko.

"Secret pala. Ba't alam mo?"

"Whatever. We're here." Saka niya pinatay ang tugtog. Tinignan ko kung saan kami tumigil. Alam noya nga talaga kung saan ang bahay ko. Huminga ako ng malalim.

"Okay. Seryoso na." Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Stalker ba kita? Oo, alam kong maganda ako--"

"ikaw ata ang stalker ko." Sabi niya at nagsmirk. Ang kapal ng mukha niya, eh hindi ko naman siya kilala. Magsasalita palang ako nang bumaba na siya ng sasakyan.

"Tignan mo tong lalaking to. Ang ayos din kausap." Sabi ko at bumaba na. Naabutan ko siyang tinitignan yung bahay namin. Nilapitan ko siya. "Hoy lalaki--" nagulat ako nang takpan niyang ang bibig ko. Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko. Tsk.

"Your house is big." Sabi niya nang tinitignan ang kabuuan ng bahay. Napatingin na rin ako.

"Si Daddy mismo nag design niyan." Nakangiti kong sabi pero nawala din dahil naalala kong wala na pala si Daddy. Napatingin siya sa akin.

"Why?" Takang tanong niya. Siguro nahalata niyang nalungkot ako bigla.

"My Dad is dead." I sighed deeply. Pinipigilan kong magdrama sa kanya nang wala sa oras. Nakakahiya naman noh. Tumingin ako sa langit. Naramdaman kong tinapik niya yung likod ko. Tumingin ako sa kanya. Kahit na naka black mask siya alam kong nakangiti siya.

"T-teka nga. Sino ka ba?" Imbis na sagutin niya ako ginulo niya ang buhok ko.

"Pumasok ka na sa loob. I'm sure they're finding you now." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko dahil don. Posible kayang alam din niyang may Tita at pinsan ako sa loob?

Binuksan na niya yung pinto ng kotse niya at pumasok. Mabilis niyang pinaharutot ang sasakyan niya. Sinundan ko nang tingin ang kotse niya hanggang sa hindi ko na makita.

An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon