Lakad doon.
Lakad dito.
Lakad everywhere.
"Nakakapagod." Sabi ko sa sarili ko nang nakanguso. Nakakainis kasi eh. Hindi man lang ako makahanap ng murang mauupahan. Mabigat sa dibdib lalo na kapag pinapaalis ka na sa sarili mong bahay.
Hindi ko man maipaglaban ngayon 'yon. Balang araw makakaya ko na. Makakaya ko nang sumalungat sa lahat ng gusto nila. Dahil darating din yung araw na mababawi ko lahat lahat ng kinuha nila mula sa akin. Bago mamatay si Dad, sinabi niya sa akin na hanapin ko ang Mama ko.
Nung una, hindi ko 'yon pinansin dahil nasa kalagitnaan na kung saan ako umiiyak dahil sa aksidente. Ayokong hanapin si Mama. Ayokong makita siya. Iniwan niya na kami at maghahabol pa ako?
Oo. Malaki ang galit ko kay Mama dahil sa pang-iiwan niya. Hindi man lang niya sinabi sa akin ni Dad na kung bakit kami iniwan ni Mama. Simula noong alam kong wala yung Mama ko at iniwan niya kamo, nagtanim na ako ng galit noon sa kanya. Sobrang sakit sa part ng anak na maiwanan ng isang magulang. Gusto kong malaman kung bakit niya kami iniwan. Kung may nahanap ba siyang mas better na pamilya kaysa sa amin.
Hindi ko alam ang mukha ni Mama. Sabi nila kamukha ko daw. Lahat kasi ng pictures ni Mama ay sinunog ni Dad. Simula noon, hindi ko alam kung anong mukha ng Mama ko.
At simula rin noon, wala na akong paki sa kanya.
Dumaan muna ako sa MOA dahil bibili ako ng generator. Si Tita kasi, pinabibili niya ako.
May nakita akong nagkukumpulan na mga tao sa iisang lugar. ayoko maki-isyoso. Siguradong sikat na artista 'yon. Kung Synco man yan, not now.
Pumunta ako sa Ace Hardware. Alangan namang sa National Bookstore ako bumili ng generator? Try mong maghanap ng crayons sa Ace Hardware baka may mahanap ka.
Nagtanong ako sa isang salesman kung saan ang mga generator.
"Dito po ma'am." Sabi niya. Sumunod ako sa kanya. At naroon ang malalaki at maliliit na generator. Incase kasi na mawalan daw ng kuryente sa bahay edi ito na lang dawang gagamitin.
Nakakainis isipin na pinabibili ako ng generator para sa bahay pero papalayasin din ako. Galing naman nila.
Pumipili ako ng generator. Kung malaki ba o maliit. Napansin ko yung salesman na tumitingin sa legs ko. Like WTF. Lumayo ako ng konti para kunyari na namimili pa ako ng generator. Sumunod sa akin yung salesman at nasa likod ko na siya. Lalayo pa sana ulit ako sa kanya pero nagulat ako sa biglang pag-akbay nang kung sino sa akin.
Ano nanaman bang ginagawa niya dito?! Ugh. Konti na lang maniniwala na akong stalker ko 'to. at ano ba talaganv maieexpect mo kundi naka mask, shades, hood nanaman siya.
"Hey honey. Are you finish choosing generator for our house?" Sabi niya nang nakangiti sa akin. Nakakunot naman ang noo ko don. "Just pretend. So he can stop looking at you. Tch." Bulong na sabi niya.
"Not yet, honey." Sabi ko. I emphasized the word "Honey" Lakas ng trip nito.
Nakita ko namang medyo lumayo yung salesman sa amin.
"I'll help you." he said. Pinili niya yung tamang size lang at color red. Binayaran ko na 'yon. Nilagay nung ibang salesman sa parang cart yung generator at ipinatulak na sa amin. Pero etong lalaking to ang nagtulak. Kasabay ko lang siya sa paglalakad.
"Alam mo, malapit na akong maniwalang stalker kita." Sabi ko at tumingin sa kanya.
"Why are you wearing that kind of clothes? Tch."
"Eh sa mainit." Sabi ko nang naka pout.
"Buti na lang tinulungan kita kung hindi minamanyakan ka na sa isip nung gagong yon." Napangiti ako.
"Eh ba't nga ba nandito ka?" Sabi ko nang natatawa.
"It's obvious already. Do i need to mention it?" Sabi niya nang naiirita. Natatawa ako na naiiling.
Mga ilang minutes nasa harap na kami ng kotse niya. Tinignan niya ako na parang sinasabi niyang Sumakay-Ka-Na-Look. Kaya sumakay na ako at inilagay niya sa compartment yung generator na nabili namin. I mean KO!
Nang magdrive na siya hindi ko maiwasang itanong yung nasa isip ko.
"Why are you always following me?" Napakagat na lang ako ng labi dahil sa nasabi ko. Hindi kasi dapat pabigla-bigla.
Ilang seconds na wala siyang sinabi.
"I have many reasons to." Sabi niya nang nakatingin sa daan.
"Then give me one reason." Medyo napalakas yung pagkakasabi ko.
"You'll know soon." Sabi niya. "We're here." dagdag pa niya.
Bumaba na ako ng kotse niya. Ipinasok niya na rin sa tapat ng pinto yung naka box na generator.
He left without any words saying.
Naoffend ko ba siya sa mga tanong ko? Pero ang babaw naman non.
Kumatok ako sa pinto ng bahay. Pagkabukas nagulat ako dahil bigla na lang may tumamang mga damit sa mukha ko. Pagkakita ko mga damit ko iyon.
"T-tita... bakit po?"
"Eto pa!" Sabi ni Clarisse at itinabi ang malaking bag sa akin.
"Tita, ano 'to?" Nagtatakang tanong ko. Wala naman akong ginagawang masama.
"Umalis ka na sa pamamahay na 'to." Sabi niyang naka iwas ang tingin sa akin. Lumuhod ako sa harap ni Tita.
"Tita, wag naman po...." tuloy tuloy bumabagsak yung mga luha ko.
"Narinig mo naman si Mama diba?! Umalis ka na dito!" Pagtataboy sa akin ni Clarisse at itinulak pa ako.
"Parang awa niyo na po! Wala po akong matutuluyan. Akala ko po ba bukas niyo pa po ako paaalisin? Hindi pa po ako nakakahanap ng matutuluyan." Sabi ko sa bawat iyak ko.
"Hindi na ako makatiis! Kating kati na akong umalis ka sa buhay namin." Sabi ni Tita at itinulak ako.
"Please po...." sabi ko nang magkadikit ang palad. Hinila ako ni Tita at inilabas. hinagis sa akin ni Clarisse ang bag ko.
Bago isara ni Tita yung pintuan sumigaw muna ako. "Tita please!" Sigaw ko pero hindi sila lumingon.Nakatulala lang ako at umiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala pa akong sapat na pera para lang sa uupahan ko. Tumayo ako at pinunasan ko ang mukha ko. Kailangan kong makabangon.
Naglakad ako hanggang nasa 7/11 na pala ako. Pumasok ako sa loob at bumili ng maiinom. Hinalungkat ko ang bag ko kung meron pa akong pera. Pero bukod sa damit ay brown envelope na rin ang nandoon.
Ito yung binigay sa akin ni Manger.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang brown envelope.
Siguro ito na lang yung pag-asa ko.
--
Binago ko po yung name ni Kaiser ginawa ko pong Eon para hindi kayo malito kay Kai at Kaiser. Hehe. Please vote and comment. :))
![](https://img.wattpad.com/cover/52277805-288-k257689.jpg)
BINABASA MO ANG
An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]
Teen FictionThis is work of fiction. And it's a taglish story.