5: Offer

33 2 0
                                    

Sumunod ako sa babaeng sinabing siya daw ang Manager ng Synco. Parang mga nasa 25 or 27 years old siya kung titignan. Ewan ko ba kung niloloko lang ako nito eh. Dinala niya ako sa van. Pagkasakay ko sa van ang dami kong nakitamg posters ng Synco. Lahat. As in lahat. Pati albums nandito.

"Kung iniisip mong hindi ako ang manager ng Synco, sana maniwala ka na dahil dito." Sabi niya at nilibot ang paningin sa loob ng van. Nilibot ko din ang paningin ko.

"B-bakit niyo po ako gusto m-makausap? K-kung tungkol po doon sa pagsipa ko sa ano ni Paul Kurt. Hindi ko po yon sinasadya. Akala ko po talaga kasi.." sabi ko at yumuko.

"No. It's ok. Gusto kitang makausap hindi dahil sa pagsipa mo kay Paul Kurt." Sabi niya nang nakatingin sa akin.

"Huh? Eh ano po?" Tanong ko. Wala akong makitang dahilan para kausapin niya ako sa ibang bagay tungkol kay Paul Kurt.

"Do you know him?"

"Who's him?" I asked.

"I mean Paul Kurt. Do you know him?" Sabi niya.

"Yes. Ofcourse. I know him. Isa siya sa mga member ng synco. Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Ugh. I mean... uhh nevermind." Sabi niya at napahawak sa noo niya.

"Yun lang ba? Aalis na po kasi ako. Baka kasi hinahanap na ako sa amin." Sabi ko nang nakangiti. Lalabas na sana ako ng van ng pigilan niya ako.

"Be his PA." Napatingin kaagad ako sa kanya.

"PA?! as in personal assistant? As in alalay? As in nakasunod sa kanya lagi?" Sunod sunod kong tanong. Tanging pagtango lamang ang tinugon niya sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o matakot. Kiligin, dahil siya ang Favorite member ko sa Synco at magiging PA niya ako. Matakot, dahil kakasipa ko lang sa ano niya kanina.

Napaka cliche masyado kung dito magsisimula yung lovestory namin. Charot! Hahahaha.

Nabalik ako sa reyalidad nang tapikan ako sa balikat ni Manager.

"Ok ka lang?"

"Ah. O-oo." Sabi ko.

"So, tinatanggap mo na ba ang offer ko?" napatahimik ako sa tanong niya. "Kung nagdadalawang isip ka, i'll give you time to think about my offer. Ayoko namang madaliin ka for some reasons." Sabi niya at may kinuhang brown evelope.

"Eto." Iniabot niya sa akin ang envelope at kinuha ko naman iyon. "Take time to read that contract. Kung magiging PA ka niya tawagan mo lang ako. Nakalagay na diyan ang number ko. If hindi mo.naman gusto, you can throw that away. It's your choice." Sabi niya.

Bumaba na ako ng Van at nagbow sa kanya bilang pasasalamat. Tinignan ko yung envelope.

"Should i accept her offer?" Tanong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na. Kailangan ko nang umuwi. Baka mapagalitan nanaman ako.

Habang naglalakad ako at naghahanap ng taxi hindi ko maiwasang isipin yung tungkol sa offer.

May part sa akin na gusto ko.

Pero

May part din sa akin na ayaw ko.

Nung sinipa ko siya at nagsungit siya sa akin hindi ko maiwasang mainis. sikat na sikat siya tapos susungitin niya ako ng ganoon. Tsk. Parang wala siyang pakielam sa career niya.

Sabagay, kung ipagkalat ko man yung nangyari wala namang maniniwala dahil sikat siya at sino ba naman ako para pansinin niya. Halos lahat kasi nakatuon sa mukha niya at hindi sa boses niya. Maganda ang boses ni Paul Kurt. Halos lahat siguro nung kanta ng Synco, siya ang nagcomposed. Hinahangaan ko siya ng sobra.

An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon