PROLOGUE

99 5 2
                                    

"ERIS!!!" Uh-oh ayan nanaman yung tawag niya. Habang papalapit siya mas lumalakas yung sigaw niya sa akin. "ERIS!!!!" nagtakip ako ng tenga.

"HOY ERIS!!! BAKIT NASUNOG YUNG POLO KO?!" Bulyaw niya sa akin.

"Eh k-kasi hindi ko n-naman alam p-paano mag p-plantsa." Nanginginig na sabi ko.

"EDI SANA HINDI MO NA LANG GINALAW!" Sigaw niya sa akin.

"BAKIT KAILANGAN MONG SUMIGAW?! NARIRINIG KAYA KITA! ANG LAPIT LAPIT NATIN SA ISA'T ISA TAPOS SISIGAWAN MO PA AKO!" Sigaw ko sa kanya. Hayy. Nakakairita.

"Aish! Anong gagamitin ko ngayon para sa fanmeeting?!" Sabi niya sa akin with his eyes na nakakatakot.

"Paul" Napatingin kami sa tumawag sa kanya. Si Kysler. Lumapit siya sa amin. "Oh. Nag aaway nanaman ba kayo?" Tanong niya sa amin nang makalapit siya.

"Eto kasing babaeng to. Hindi naman pala marunong magplantsa sinunog pa damit ko." Pagkasabi niya noon inirapan niya ako.

"Eh sino ba nag utos na plantsahin ko yang polo mo?! Diba ikaw?" Sabi ko. Inirapan ko siya at nag cross arms.

"Oh tama na yan. Papahiramin na lang kita, Paul." Sabi ni Kysler.

"Teka nga. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Paul kay Kysler.

"Wala kasing stock ng pagkain sa Condo ko. Kaya lumipat ako dito. Tsaka bukas naman yung pinto kaya pumasok na ako." Sabi ni Kysler. Magkakalapit lang ng Condo ang ka members ni Paul kaya yun. "Uhmm... Eris may pagkain ba kayo? Pengi naman oh." Tanong sa akin ni Kysler.

Sasagot palang ako pero inunahan na ako ni Paul.

"Meron. Sunog na itlog at hotdog. Nandyan sa lamesa." Sabi niya bago pumasok sa kwarto niya. Napatingin sa akin si Kysler. Ngumiti ka agad ako sa kanya.

"Gusto mo Kysler ipagluto kita?" Tanong ko sakanya.

"Ah.. h-hindi na. Hehe. Bibili na lang ako dyan sa labas." At agad siyang umalis.

T3T

"Bakit parang iniiwasan niya akong magluto?" Bulong ko sa sarili ko.

"Hindi ka kasi marunong magluto." Sigaw ni Paul Kurt sa akin.

"Che! Hindi kita kinakausap!" Sabi ko. Pumasok ako sa kwarto ko. Inihanda ko yung damit ko para sa fanmeeting ng magaling kong Boss. Kailangan presentable. Syempre PA ako ni Boss eh. Hehe.

**

Nakaligo at nakabihis na ako. Naglagay lang ako ng polbo sa mukha. Ok na.

"ERIS!!" ugh ayan nanaman siya.

"Bakit?" Sigaw ko.

"HALIKA NGA DITO!!" ugh. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto niya.

"Bakit?" Tanong ko ka agad sa kanya. Nakita ko siyang inaayos yung Tuxedo niya pero hindi niya makabit ng maayos yung necktie. Lumapit na ka agad ako sa kanya.

Inayos ko ng mabuti yung necktie niya. Ngumiti ako ng maayos ko. Napatingin ako kay Paul Kurt dahil nakatingin siya sa akin.

"Why, why you leave me alone? I'm still, still loving you~"

Nagulat kami sa ringtone na iyon. Phone ko pala. Dali dali kong tinignan kung sino yon.

Manager G calling....

Sinagot ko kaagad yon at lumayo kay Paul Kurt.

"Manager..." sabi ko kaagad sa phone.

"[Eris, handa na ba si Paul? Kung handa na lumabas na kayo. Dumadami na kasi ang fans sa labas.]" Pagkasabi non ni Manager tumingin ako sa window. Marami rami na nga ang tao sa baba.

An Idol Beside Me (On-Going)[EXO FF.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon