Sharlene's POV
Nandito na kami sa school, lahat pinag-uusapan ang new transfer students sa school.
Dalawa pa nga raw eh, at magiging ka-classe ko pa talaga.
"Huy, nabalitaan mo ba na may bago'ng students daw?" Tanong ni Angel.
Tumango ako.
"Lalaki raw! Sana gwapo! Kahit isa lang haha!" Sabi nya nang pabiro.
"Angel! Wag maharot." Pabiro ko rin na saway.
"Ikaw naman." Sabi nya.
"Nga pala, kamusta na yung paa mo?" Kamusta ko sa paa niya.
"Ah, okay okay na rin." Sagot niya.
"Bakit nga pala hindi ka sumabay nang lunch sa amin kanina?" Tanong ko.
"Dahil kulang ang upuan, at may kailangan rin naman ako'ng gawin eh." Sabi nya.
"Problema ba yun, eh di mag dagdag nang upuan. At ano naman yung kaila-" Mag ta-tanong sana ako kaya lang nag bell na.
"Pumasok na tayo sa classroom." Aya ni Angel.
"Oh sige." Sabi ko.
Nang makarating kami sa classroom ay wala naman ako'ng makita na bago'ng student.
Baka late, hinahanap siguro ang classroom.
Kara-rating lang ni Ms.
"Good morning students, today we're having two new students, boys, you may now come in." Utos nang teacher sa mga students.
Then pumasok na sila.
Huy natupad ang wish ni Angel, may itsura nga yung mga bago naming ka-klase.
Wait lang, parang may namu-mukhaan ako ah.
"Okay boys, please present yourselves." Utos muli nang guro.
"Hello everyone, I'm Jairus Aquino, 20 years old, friendly, and nice, so I sincerely hope you can be good to me." Sabi nya.
Jairus pala ang pangalan niya.
"And hi, I'm Zaijian Jaranilla, friendly, and handsome, single and ready to mingle." Pakilala niya sa sarili niya.
Nag tawanan naman kami'ng lahat sa sinabi nya, at may iba'ng babae na napa-tili sa kilig.
"Shemay! Ang gwapo nung Zaiji--- Wait lang, namu-mukhaan ko yun ah! Si, si mokhong yun ah! Yung naka-bangga sa akin kahapon. Pag mina-malas ka nga naman oh." Inis na bulong ni Angel.
Gets niyo ba?
"Sabi ko na nga ba namu-mukhaan ko eh, yung Jairus nga pala yung nag bilin sa kaibigan niya kahapon na ingatan ka. Magpa-salamat ka mamaya." Utos ko sa kaniya.
"At bakit? Eh may kasalanan kaya yung kaibigan niya sa akin! Ayaw ko nga, baka isipin pa nun, nagpapa-cute ako sa kaniya." Angal ni Angel.
"Sama naman nito, ang bait na nga nung tao sa'yo." Sermon ko sa kaniya.
"Ano'ng mabait? Eh binunggo kaya ako nung tao'ng yun!" Angal niya ulit.
"Hindi yun, ang sinasabi ko, yung ginawa ni Jairus ba yun? Basta, naging mabait kaya siya sa'yo kahapon, siya pa nga ang nag sorry para sa kaibigan niya eh." Pina-halata ko sa kaniya na mabait naman yung Jairus.
"Opo Nay, mag papa-salamat na po ako sa kaniya mamaya." Sabi niya.
"Aquino please sit next to San Pedro, and Jaranilla, please do so next to Christine!" Utos ni ma'am.
"And girls, please raise your hand so they can easily identify you." Dugtong ni ma'am.
"San Pedro here." Sabi ko.
"And Christine here." Sabi naman ni Angel.
"Sinasabi ko na nga ba, beh, be honest, pina-kulam mo ba ako, ang malas ko talaga kasi eh!" Bulong ni Angel sa akin.
Napa tawa na lang ako. Loka loka talaga to'ng isa'ng 'to.
Napatingin naman ako sa paligid, at nahagip ni Brace ang tingin ko.
Ang sama ng tingin nya sa direction ni Zaijian.
All Rights Reserved 2015
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Ulit Shar? A.N.S Book2 (JaiLeNash)
FanfictionHey guys, i want to precise that this story is inspired by teleseryes, movies and other stories. I will never deny that i have picked up some ideas from it. I'm a human who assumes her acts so that's why i'm saying this. So if you don't like that, i...