Chapter 45 : EX ?!

152 8 15
                                    

Narrator's POV

"Ano ba ?! Bitawan mo nga ako." Sigaw ni Angel.

"Eh paano kung ayaw ko?" Pang-iinis pa ni Francis kay Angel.

"AYAW MO AH ?! ETO SA'YO !" Sigaw ni Angel, at sinipa ang family jewel ni Francis, kaya naman nabitawan ni Francis si Angel.

"ARAAAAYYY ! ANO BA ?! SERYOSO KA ?!" Sigaw ni Francis habang namimilipit sa sakit.

"Aba kuya, ikaw may kasalanan. Sabi ko sa'yo eh, bitawan mo ako. Kulit mo din kasi eh. Sige kuya ah, sa uulitin, bye !" Paalam ni Angel at tumakbo na papunta sa kuwarto ni Sharlene.

Pero nahablot lang ni Francis ang kamay ni Angel kaya napatigil siya.

Napag-masdan na ng mabuti ni Angel si Francis, ng may ma-realize siya.

"Wait lang, na mumukhaan kita ah! Ikaw, diba nasa party ka ni Jane Oineza! Oo, ikaw nga yun! Ano'ng ginagawa mo dito?" Nag-tatakang tanong ni Angel.

"Ah, eh, ano kasi. May kailangan lang akong gawin dito." Sagot ni Francis.

"Ano naman yun?" Tanong ulit ni Angel.

"Ah basta." Sabi ni Francis.

'Hay jusko, ano'ng isasagot ko dito sa makulit na 'to?' Isip ni Francis.

"Ano nga yun. Alam mo, 'di talaga kita titigilan." Sabi ni Angel.

"Ang kulit mo." Sabi ni Francis.

"Sige na nga, bye na." Sabi ni Angel at akmang aalis na, ng hawakan ulit ni Francis si Angel, at kinulong siya gamit ang dalawang kamay ng binata, upang wala na itong mapuntahan.

'Hay, aalis 'to pag wala akong sinagot! Sige na nga, 'di niya naman siguro malalaman pag sinabi ko'ng hinatid ko lang ang kaibigan ko.' Isip ni Francis.

"Hinatid ko lang ang kaibigan ko okay." Sagot na ni Francis.

'Wait, pinigilan niya ako kanina sa may kuwarto ni Sharlene, kung kailan papasok na ako. Nanggaling siya mula sa lugar nina Jane, kung saan nandun din si Nash. Saktong ngayon pa talaga siya mag-hahatid ng kaibigan?' Isip naman ni Angel.

'SI NASH ! NAANDITO SIYA !' Na-realize ni Angel.

Lumusot naman siya, at dumeretso na sa kuwarto ni Sharlene.

|MEANWHILE|

"ANONG GINAWA MO SA KANIYA NA GAGO KA HUH ?" Sigaw ni Jairus kay Nash.

Akala kasi nito ay sinaktan ni Nash si Sharlene, handang-handa na sana siya'ng lumapit at i-knock out si Nash.

"Wala Jai. Wala siya'ng ginawa sa akin." Sagot ni Sharlene.

"Sigurado ka ba'ng wala siya'ng ginawa sa'yo?" Nag-dududa na tanong ni Jairus habang nakaharap siya kay Sharlene.

"Wala nga sabi akong ginawa sa kaniya eh, kaya puwede ba 'Tol, kailangan ko kasi siya'ng makausap in private. Kaya sana, ay lumabas ka na muna." Sabi ni Nash kay Jairus.

Sa halip na lumabas si Jairus, ay mas lalo pa siya'ng lumapit kina Nash at Sharlene.

"Hindi ako lalabas. Siguro naman, enough na yung oras na mag-isa lang kayo dito para mag-usap, ayan nga oh, nagka-time pa nga si Sharlene na umiyak." Pilosopong sabi ni Jairus habang masama ang tingin nito kay Nash.

"Puwede ba Bro, lumabas ka na. Huwag ka'ng makialam sa amin. Kaya kung puwede na, lumabas ka na." Sabi ni Nash, habang napataas ng kaunti ang boses niya.

"Tol, nasagot na kita. Pero sige, kung gusto mo, uulitin ko. Hindi ako lalabas dito." Ulit ni Jairus sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba Tol?" Naiinis na tanong ni Nash.

Ako Nalang Ulit Shar? A.N.S Book2 (JaiLeNash) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon