Chapter 43 : I Missed You So Much

129 6 7
                                    

Narrator's POV 

"Ready ka na ba Nash?" Tanong ni Francis sa kaibigan na si Nash.

Okay lang ba ito? Hindi siya sigurado, masaya siya dahil sa nalaman niya na magkaka-anak na sila ni Sharlene. Malungkot dahil sa hindi niya alam kung anong gagawin, dahil sa alam niya naman na buntis din si Jane.

Paano ang gagawin niya? Sino ang uunahin niya? May solusyon pa ba para sa kaniya?

"Hindi ko nga alam Bro eh. Hindi ako sigurado. Masayang masaya ako dahil sa nalaman ko na  buntis si Sharlene. Ngunit hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita niya na ulit ako. Magagalit ba siya? Hindi ko alam. Papansinin niya ba ako? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, kailangan ko siyang komprontahin tungkol dito." Sabi ni Nash sa kaniya.

"Ano ba sa tingin mo ang magiging reaksyon niya?" Tanong ni Francis.

"Siyempre magagalit siya, at handa na ako dun. Ang hindi ko lang kayang makita, ay ang masaktan ko pa siya pag nakita niya ako. Alam ko'ng masakit sa kaniya ang makita ako muli, kaya lang Bro, wala talaga eh, kailangan ko talaga siya'ng kausapin tungkol dito." Paliwanag ni Nash.

"Oo tama ka, galit sigurado yun. Pero, ano nga ba ang plano mo, kung sakaling patawarin ka niya?" Tanong ulit ni Francis.

"Hindi ko alam Bro eh. Siguro alagaan siya? Kasi, ang tagal ko na'ng nawala habang buntis siya, siguro 8 months or so na simula ng mawala ako. Baka nga kabuwanan na rin niya 'to. Gustong gusto ko'ng bumawi sa kaniya, sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. At kung may katiting man na pag-asa na mapatawad niya ako, ay sasamantalahin ko na yung pag-asang yun." Sabi ni Nash sa kaibigan.

"Sa tingin mo, hahayaan ka ng kaibigan ni Sharlene na makausap siya? Na makipag-kita sa kaniya?" Tanong ni Francis.

'Hahayaan nga ba nila ako?' Tanong ni Nash sa sarili.

"Mas malamang ang hindi, dahil alam mo naman sina Angel diba, overprotective yung mga yun." Sagot ni Nash.

"Pansin ko nga, lalo na nung bigla ka na lang pinag-babaan ng telepono ni Angel ba yun? Grabe Bro, laugh trip talaga yun eh." Sabi niya habang natatawa.

"Pero kung sabagay, if ever I were your ex-wife's friend, I wou--" Pinutol ni Nash ang sinasabi ng binata na si Francis.

"Dude, we're still married okay? Hindi ko siya ex-wife, asawa ko pa rin siya, at kasal pa din kami." Pag co-correct ni Nash sa binata.

"Oh sige, if you say so. Kung kaibigan ako ng wife mo, na malamang ay soon to be ex mo na, ay sigura---" Pinutol na naman ni Nash ang kaibigan.

"Gusto mo talagang matikman ang lasa ng kamao ko eh noh?" Tanong ni Nash kay Francis.

"Joke lang Pare, cool down. Okay ito na, kung kaibigan ako ng-" Tumigil si Francis ng pag-sasalita ng makita niya ang masamang tingin sa kaniya ng kaibigan, upang sabihin sa kaniya na ayusin ang sunod niyang sasabihin.

"Ni Sharlene, eh talaga namang hindi kita ipapa-lapit kay Sharlene. Dahil sa sakit na naidulot mo sa kaniya. Hindi ko hahayaan na makita mo' siya dahil sa ayaw ko na rin na masaktan ang kaibigan ko. Basta, hindi kita tutulungan na mapatawad ka ni Sharlene, kung kaibigan niya ako." Paliwanag ni Francis.

"Kaya nga tutulungan mo ako eh diba?" Sabi ni Nash.

"Hindi pa ba pag tulong ang tawag mo dito sa pag da-drive at pag hatid ko sa'yo?" Tanong ni Francis habang tumataas naman ang isang kilay nito.

"Siyempre Bro, sobra ang pasa-salamat ko sa'yo, pero sigurado ako that you can do more than just this." Pag-kumbinsi ni Nash kay Francis.

"Ano na naman ang plano mo Bro?" Tanong ni Francis.

Ako Nalang Ulit Shar? A.N.S Book2 (JaiLeNash) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon