Chapter 37 : Paliwanag kay Brace

95 8 2
                                    

Angel's POV

"Yang kuya Jairus mo ang daddy nang baby na nasa tummy nang ate Sharlene mo." Turo ko dun sa bata.

Tila nagulat naman si Sharlene sa sinabi ko sa bata.

"Si Jairus ang tatay nang bata?" Tanong nang boses nang na nasa likod ko.

Nagulat naman ako nang tumalikod ako dahil nakita ko na si Brace pala ang naandun.

Natulala lang ako, paano ko siya sasagutin.

"Sagutin mo ako Angel, si Jairus ba ang ama nang bata? Akala ko ba si Nash? PINAG-TAKSILAN MO BA SIYA SHARLENE?" Galit na tanong ni Brace.

"Brace please, 'wag mo'ng sigawan si Sharlene. Ako na ang mag-papaliwanag sa iyo kaya please, 'wag mo na siya'ng sigawan. At 'wag ka rin sumigaw sa harap nang bata." Bulong ko kay Brace.

"YUNG SAGOT ANGEL! 'WAG KA'NG DALDAL NANG DALDAL! PINAG-TAKSILAN BA NI SHARLENE SI NASH?" Sigaw sa akin ni Brace.

"Wag niyo po awayin ang ate Angel ko." Sabat ni Jonathan at pumunta sa harap ko.

Yumuko naman ako para maging maging pareho ang height namin ni Jonathan.

"Baby Jonathan, dun ka muna kina kuya Zaijian mo ah, mag uusap muna kami nang kuya Brace mo." Utos ko sa bata.

"Ate Angel, wala po ako'ng kuya na hindi mabait. Hindi ko po kuya si sir Brace." Sagot sa akin nung bata.

"Baby Jonathan alam mo, mabait naman ang kuya Brace mo eh, medyo mainit nga lang ang ulo niya ngayon. Punta ka na dun sa kuya Zaijian mo, kailangan lang namin mag usap nang kuya Brace mo." Ulit ko dun sa bata.

Tumayo naman ako.

"Zaijian, halika please. Kunin mo muna si Jonathan, mag uusap lang kami ni Brace sandali." Utos ko naman kay Zaijian.

Nang makalapit naman si Zaijian ay may sinabi muna ako sa kaniya.

"Zaijian, ilayo mo muna nang kaunti yung bata, baka kasi sumigaw na naman ito'ng isang 'to, kawawa naman yung bata." Bulong ko kay Zaijian.

"Diba ang sabi ko sa'yo 'wag ka'ng sumigaw, bingi ka ba?" Saway ko kay Brace.

"AT SINO KA NAMAN PARA SABIHIN ANG PWEDE KO'NG GAWIN AT ANG HINDI?" Sigaw sa akin ni Brace.

Natulala lang ako sa sinabi niya.

Sino nga ba ako para sa kaniya?

"So-sorry, hi-hindi naman yun yung ibig ko'ng sabihin." Paumanhin s akin ni Brace.

"Sabihin mo nga sa akin? Sino nga ba ako? Kaibigan hindi ba? O pati ba yun sinukuan mo na rin?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko sina-sadiya, hindi naman talaga yun ang ibig ko'ng sabihin." Maamo'ng sabi niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya, ayaw ko na siya'ng patulan, pagod na ako.

"Hindi pinag-taksilan ni Sharlene si Nash." Panimula ko.

Sinagot ko na lang ang tanong niya.

"Eh ano yung sinabi mo dun sa bata?" Tanong sa akin ni Brace.

"Mahirap ipaliwanag sa isang bata na 7 o 8 years old pa lang, na maaari'ng wala nang tatay ang magiging anak ni Sharlene." Sabi ko.

"Hindi ko maintindihan." Sabi niya sa akin.

"Kung ipa-paliwanag ko ba sa'yo, nangagako ka ba na wala ka'ng pagsa-sabihan? Maging sa Gimme 5, kay Celine, at sa mga magulang mo. Lalo'ng lalo na si Nash. Basta wala ka'ng pagsa-sabihan." Bilin ko sa kaniya.

Ako Nalang Ulit Shar? A.N.S Book2 (JaiLeNash) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon