Chapter 11: Facts And Stories

352 16 0
                                    

Nash's POV

"Pero alam mo bro, kahit na gaano ka pa ka-loyal, hindi'ng hindi mo pa rin maiiwasan ang tumingin o hamanga man lang sa iba'ng babae." Sabi ni Francis habang kumakain.

"Alam mo dude, never ko naman sinabi na hindi ako hahanga sa ibang babae! Ganito kasi yan, hindi lahat ng lalake katulad mo na babaero! Hanggang hanga lang ako, wala ako'ng intensiyon na tumingin, or makipag relasyon sa iba! Meron ako'ng limits na hindi'ng hindi ko lalampasin, I wanna keep my girl, kasi baka nasa akin na nga, ma agaw mo pa." Paliwanag at biro ko.

"Haha, oo nga, pero seryoso, napaliwanag mo na yung side mo, kaya, turn ko naman ha!" He said.

"Go ahead! Wala'ng pumipigil sa'yo bro, nakikinig po ako!" Sabi ko.

"You know, when I had my first girl, I really wanted to keep it serious and to be loyal! Parang impossible ang sinasabi ko diba? Pero sinubukan ko talaga! Ngunit isang araw, may isang babae'ng himalik sa akin sa panahon na hindi ko inaasahan, and unfortunately, sakto'ng nakita niya pala! I lost her trust and her faith! We didn't last long and we ended up! I was really, really broken that time, I couldn't help myself but to think, bakit ako? Ano nga ba ang nagawa ko? So payo lang pare! If you want keep your girl, like what you're saying, if any girl teases your limits, push her, hindi man gentlemen ang gagawin mo, kamuhian ka man niya, pero at least, you avoided a war between you and your girlfriend! 'Cause trust me lover boy, your girl might trust you, but her friends maybe don't, and you might not know what they are capable of, just to keep an eye on you!" He warned me.

"Wag ka na'ng mag alala pa, ia-apply ko lahat nang inyo'ng payo tatay, 'wag lang mawala sa akin ang mahal ko. Salamat po ah." Biro ko.

"Let's stop this nonsense Nash! Masyado na ako'ng nagiging seryoso for today! Na over-dose na po ako." Biro rin ni Francis.

"Oo na, haha, halata naman na sobra ka na naging seryoso today! Pero alam mo, kung ginagamit mo yung katiting na pag seryoso mo sa class, sure ako na magiging seryoso rin ang grades mo, yung parang puro line of 9 ka!" Sabi ko.

"Very well said Aguas! Buti pa ito'ng si Nash, alam mo Francis seryosohin mo ang sinasabi ni Nash." Sabi ni Raphaël, na bigla na lang sumulpot.

"Puwede ba guys tigilan niyo na yung pag banggit nang seryoso, sobra na eh, sobra na talaga." Sabi ni Francis.

"Oo na po." Sabi namin ni Raph.

Bigla naman lumapit sa amin sina Jane.

"Hey guys, please come to my party sa wednesday. May birthday party kasi ako eh, sana maka-punta naman kayo. It'll be fun, I promise, there will be a lot of boys, and siyempre girls." Sabi ni Jane sa amin.

Then she handed as the invitations.

"Pinaparinggan ka yata Bro." Bulong ni Francis sa akin.

"Ano ba!" Bulong ko.

"Sure Jane, we're coming." Sabi ni Raph.

"Thanks guys! Sige, alis na ako, basta ah, aasahan ko kayo ah." sabi ni Jane.

"Oh sige, kita na lang tayo!" Sabi ni Raph.

Pagka-alis nina Jane ay humarap naman ako kay Raph.

"Ano'ng ta'yo? Eh hindi naman ako sasama." Angal ko kay Raph.

"Ikaw naman bro, have fun, hindi yung puro studies." Sabi niya sa akin.

"Hindi yun ang problema, hindi pa ako nakakapag paalam sa girlfriend ko." Angal ko ulit.

"Hindi yan, ako ang bahala." Sabi niya sa akin.

"Ano'ng ikaw ang bahala, bakit, kilala mo ba ang girlfriend ko?" Tanong ko sa kaniya.

"O-- Este, hindi, hindi ko siya kilala, pero, ako bahala, ako mag ba-bantay sa'yo. Problema ba yung hindi mo pag paalam, eh di tawagaw mo siya mamaya at sabihin mo sa kaniya na may party." Sabi niya sa akin.

"Hay, malay ko sa'yo." Sabi ko at umalis na.

All Rights Reserved 2015

Ako Nalang Ulit Shar? A.N.S Book2 (JaiLeNash) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon