chapter 12

131 4 2
                                    

Chapter 12

"Mission. Part 3”

Sheeroh's p.o.v

Nandito ako ngayon sa loob ng CR at nakatungtong ako sa bawl at inaalis ang sara ng kesame. May square na daan kasi dito. Nang mabuksan ko na ang sara e agad akong umakyat dun.
Napatakip ako ng ilong dahil sa gabok ng kesame. Kinagat ko ang flashlight na dala ko at  Dahan-dahan akong gumapang. Pupunta ako sa conference room para kumuha ng mga letrato. Hindi ako pwede dumaan sa corridors dahil hindi naman yun bin-block nila Diezus.

Napahinto ako sa pag-gapang nang may marinig akong ungol ng babae.. Tsss whores.. Muntik ko nang makalimotang hotel nga pala to. Tsk.. Tinuloy ko uli ang pag-gapang.

'Stop. Nandyan kana.' Sabi ni Sheen sa transmitter. Nilagyan nila ako ng tracking device para e-guide papunta sa conference room. Agad kong hinanap ang daan at bumaba. Sa CR uli ako napunta.

Kinapitan ko ang flashlight ko at in-off ko yun, mahirap na baka may makakita pa sakin.

Binuksan ko ang pinto ng CR. Medyo maliwanag na dahil alas-tres na ng madaling araw. Nanggagaling ang liwanag sa glass window. Inikot ko ang paningin ko. Malinis na ang silid nato at parang walang nangyaring massacre.

Kinunan ko ng letrato ang silid. Nahinto ang tingin ko sa painting na nasisinagan ng liwanag ng buwan.. Nilapitan ko ito at pinagmasdang mabuti..

Ang red dragon na nandito ay iba sa mga painting na nakita ko dito. May crown ang red dragon sa painting at sa bandang baba ng painting ay may signature na nakalagay.

"RX.. Royal empress..." Basa ko sa nakasulat sa baba...

'I've search the RX thingkie na yan. Pero ang lumabas ay mga gamot. Pero may isang site na lumabas...'

"What is it?" Tanong ko.

'Isang site ng mafia organization. Hina-hack pa namin ang password para makapasok kami.' Sheen.

"Royal empress." Bulong ko sa sarili ko...

Rhenz p.o.v

Naglalakad ako ngayon sa corridor, nakabulsa ang kamay ko sa jacket. Griiii lamig.. 5am na ng madaling araw kaya sobrang lamig.. Sa totoo lang,, ayoko lumapit kay Abigail.. Kinikilabotan ako pag lumalapit ako sa kanya... Ewan ko.. Kahit na ang ganda ganda nya.. Hindi parin ako na a-attract sa kanya..

"Ahhm... Hi.. Pwede bang sumabay sayo?" Napalingon ako sa kanan ko... Halos mapalundag ako sa gulat nang makita ko si Abigail sa tabi ko..

"M-miss Abigail, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.. Parang naninindig pa ang balahibo ko ah... 

"Hhmm.. Nililibot ko ang hotel ko. Ikaw?. Anong binabalak mo ngayon?" Tanong nya.. Parang may ibig sabihin ang huling linyang sinabe nya sakin..

"Nag papa-init. Masyadong malamig e.." Seryosong sabi ko.  Nasan ba ang mga alepores ng babaing to?

"Nasan na yung girlfriend mo? Bakit hindi mo kasama?"

"Tulog pa e." Sabi ko... Masama ang pakiramdam ko dito ahhh...

'Pffftt.. 1XX, anong nangyayari sayo?' Narinig kong tanong ni Sheen.. Heck...

"Ahh, ganun ba.. Tara. Sumama ka sakin." Hinila nya ako at pinasok sa natapatan naming pinto. Shit....

"Miss. Anong ginagawa mo?" Ni-lock nya yung pinto...

'Patay kang bata ka... 1XX, anong nagyayari dyan? Hindi namin alam ang room na napasokan nyo.' Sheen. Hindi ko masagot si Sheen dahil baka mahalata ako ni Abigail.

Ms. Agent is the lost Queen of Yakuza (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon