Chapter 17
"Pageant."
"Tigilan nyo ko!!!!!." Tumakbo ako sa ground at nagtago sa isa sa mga likod ng mga tent.
"Rhenzo Flores!!! Para to sa Grade natin!!! Isuot mo na to!!! Dali!!! 3 minutes nalang susunod na ang Department natin!!!."
Walangjooo!!! Ngayon ko pa naisipang mag back out!! Lintik!! Kundi dahil sa hayop na Dress na yan e!!!
"Rhenzo!!!."
Rinig na rinig ko ang mga boses ng mga kaklase ko.. T.T kainis!!
"Anong ginagawa mo dyan?"
Biglang nanindig ang balahibo ko ng makarinig ako ng malamig na boses. Nagpalinga-linga ako.
"Dito sa taas, stupid."
Napatingin ako sa taas ng puno.. At laking gulat ko ng makita ko ang isang babaing naka upo sa sanga.
"What the heck! Sheeroh? What are you doing up there?." Tanong ko sa kanya..
"Pinapa-nood yung mga Nag-pe-prepare doon." Sabi nya ng naka nguso pa.
"Huh?"
"Hindi kaba nag aalala sa mga ka Department mo? Mukhang kulang kayo ng representative a." Sabi nito sabay sandal sa isa pang sanga ng puno.
"Ayoko na, Kung alam ko lang na ganun kalala ang gagawin, di sana umpisa palang tumanggi nako.."
"Heh. Mukhang mananalo ang department namin. So pano ba yan? Tutulong muna ako sa pag-gawa ng platform sa ground." Tumalon siya mula sa sanga. Tsk tsk. Para talaga siyang hindi babae kung kumilos.
"Tika! Pag tinanong nila kung nakita mo 'ko, sabihin mo 'di mo 'ko nakita ha!?"
Hindi sya umi-mik. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad at nung malampasan nya na 'ko e may napansin ako..
"Wo-whoa. Shee, I know that smile." pero bago ko pa sya mapigilan e...
"GUYS!! RHENZO FLORES IS HERE!."
Nanlaki ang mata ko ng sumigaw ng ganun si Shee.. Naloko na!! Tatakbo na sana ako ng may biglang kumapit sa braso ko..
"Hep. Where are you going?" Ngumisi ng napakalawak si Shee. T.T ito naba yun? Ito naba ang pagtatapos ng maliligayang araw ko?
"Hindi mo magugustohan ang gagawin ko sayo, Shee. Bitawan mo ko kung ayaw mong mangyari yun." Seryoso kung sabi sa kanya para bitawan nya na ko. T.T ayoko talaga sumali sa hayop na pageant na yan.. Bwesit..!!
"Oh really? Sige nga. Gawin mo." Paglaban nya sa banta ko. Napangisi ako. Ang sarap nya talaga Galitin.
Kinapitan ko ang kamay nya na naka-kapit sa kaliwang braso ko. Hinila ko sya palapit sakin at inikot pasandal sa puno na inakyat nya kanina.
"That's it, First? Is that what are you saying?" Sabi nya ng malamig at walang takot. Lalo lang ako napa-ngiti.
"Actually. Wala pakong ginagawa sayo." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. As in sobrang lapit... Bigla ko nanamang naramdaman ang kakaibang pakiramdam nayon...
"Oh yeah?" Bulong nya.
Mas lalo kong nilapit ang mukha ko hanggang magkadikit ang mga noo at ilong namin. Hinapit ko ang bewang nya.
"Hindi ka ba natatakot sa kung ano mang gawin ko?" Nakangisi kong turan sa kanya.
"Hindi... Dahil alam kong hindi mo naman yun kayang gawin." Walang takot nyang sagot.
BINABASA MO ANG
Ms. Agent is the lost Queen of Yakuza (Ongoing)
ActionHiiii there. It's my Fourth story that I made, btw this story I made is a different one to the other story that I wrote. Wanna know why? Just read it hahaha I better shut up. 'Kay enjoy reading ;) --------- Nylrad02