2
°Baekhyun°
Kinabukasan ay agad akong pumunta sa opisina ni sehun, padabog kong binuksan ang pinto at nagtatakang tumingin siya sa akin .
"Good job baek, nandito na ang sweldo mo"
"The fvck sehun! Hindi mo sinabing manyak yang joonmyeon na 'yan!" Sigaw ko sa kanya..
"Bakit ba?"
"He stole my first kiss! My first KISS!!" He just shrugged like he doesn't care then eyes on his newspaper again..
"You bstard! Wala ka ba talagang pakialam?!" Tumingin lang siya sa akin, wearing his pokered face.
"I don't really care. Besides that's your lips not mine, so why bothering your problem?" I just glared at him then walked back pero pinigilan niya ako.
"Hoy, yung sweldo mo hindi mo kukunin? Pasalamat ka at pumunta pa siya dito para bayaran ka.. Patay na patay yata sa iyo 'yon eh. Hinahanap ka, ayaw paawat ang kulit." sabi niya na ikinalaki ng mata ko..
"Dapat sinabi mo na lalaki ako! And hindi ako pumapatol sa kauri ko!"
"I already told him that, pero alam mo ba kung anong sinagot niya?" Tinignan ko lang siya na parang sinasabi ko na ituloy lang niya, napabuntong hininga siya at nagsalita.
"He said,'i don't care kung babae man o lalaki siya, Uso naman ang sex change ,ako ang bahala sa lahat ng gastos.. basta i need him! I like him so much! so please tell me where to find him!'" Sabi ni sehun na parang nag aact kung paano sinabi ni suho iyon..
"He's Creepy and Crazy! tignan mo?! Sinong matinong taong magsasabi nyan?! Sex change? Really?! Im not gay! Fvck! Did you tell him kung saan ako nakatira?!" Said na nanggigigil..
"Nope, alam kong ihahapkido mo ako pagnagsalita ako kaya nanahimik nalang ako..." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, buti na lang at hindi ako masundan ng creepy guy na iyon.
~~~
After kong pumunta sa opisina ni sehun ay pumunta na ako sa cafe kung saan may part time job ako.
Nang makarating ako ay binati ako ni Kim minseok or xiumin ang boss ko..
Bukod sa siya ang boss, ay siya rin ang barista , katulong ang bestfriend niyang si jongdae at syempre ako..
"Good morning baek, sa cashier ka muna ngayon, wala kasi si lay.. off niya ngayon at saka wala pa si tao na papalit sa kanya" aniya at ngumiti.
"Good morning din, sige ako nang bahala dito.."
"Punta ka nalang sa kitchen kapag nandyan na si tao. Okay?" Tumango lang ako at pumunta sa cashier, bakit kaya late 'tong si tao, may naisip pa naman akong experiment para sa bagong flavor ng kape.
Ilang sandali pa lamang ay may nag order sa akin, balot na balot siya,hindi ko nga makita kung anong mukha niya, teka, baka naman holdaper to?
"A-ano pong order ninyo?" Tumingin siya sa menu, at nagsalita..
" isang mocha latte at blueberry shortcake, take out please.." ang lalim naman ng boses ni kuya, kasing lalim ng bangin.
"Okay, P450 po" tumango lang siya at ibinigay ang bayad niya..
After ibigay yung inorder niya ay napansin ko yung kwintas niya, parang nakita ko na yan somewhere..
Nang napansin niya na nakatitig ako sa kwintas niya ay itinago niya ito sa loob ng damit niya at umalis..
Ang weird niya..
"Baek-hyung! Pasensya kana kung nalate ako, nilalagnat kasi si kris hindi ko maiwan basta basta, ako na ang bahala diyan . Pumunta kana sa kusina" hinging paumanhin ni tao sa akin. Nginitian ko siya.
"Ayos lang, pakisabi nalang sa asawa mo , get well soon." Kinikilig naman niya akong hinampas.. Si kris naman ang asawa ni tao at ang manager ng cafe , dito din sila unang nagkakilala..
"Okay! Dali na, baka hanapin ka ni xiumin-hyung" tumango ako at pumunta na ng kusina.
~~~
"Kamusta na hyung? May masakit pa rin ba sa iyo? " tanong ko kay luhan hyung na nakahiga sa hospital bed niya.
Sa tingin ko mas lumala yung sakit niya ngayon, pale na yung balat niya mas pale sa balat ng bestfriend kong si kyungsoo.
"Wala baek, ayos lang ako. Wag kang mag-alala." Sabi niya at pilit na ngumiti, nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon.
Bukod sa wala kami magulang na tumutulong sa amin ngayon ay yung simpleng pag daing lang ng kapatid ko Nahihirapan na ako. Gusto kong maiyak, sa lahat ba naman kasi ng pwedeng tao bakit siya pa ang nagkasakit.
"Konting tiis nalang hyung, malapit ka nang makakuha ng donor" sabi ko at ngumiti. Nginitian din niya ako.
Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon, pumasok si sehun kasama ang nakababata namin kapatid na si taehyung.
"Hello, luhan hyung. Flowers at fruits oh." Bati ni sehun kay hyung. Inilapag niya ang mga iyon sa side table at hinalikan si hyung sa noo.
"Kamusta na?" dagdag pa nito, ngumiti ng malaki si hyung at napangiti rin ako.. Mahal na mahal talaga ni hyung si sehun, alam ko yung nararamdaman niya kahit hindi niya sabihin. Masaya ako pagnakikita ko siyang masaya.
"Ayos lang ako, lalo na nandito lahat ng mahahalaga sa buhay ko." Napangiti ako sa sinabi ni hyung. Lumalaban siya sa sakit niya, lumalaban siya para sa amin..
Umupo si sehun sa side ni hyung at hinawakan ang kamay nito. Tinitigan niya ito bago tumingin sa amin ni taehyung..
"Uhh, baek, taehyung.. may sasabihin sana ako.." nagtataka kaming tumingin sa kanya at hinintay siya sumagot. Nakita ko pa ang paglunok niya.
"Before ng operation, pakakalsalan ko ang hyung niyo" nalalaki ang mga mata namin na tumingin sa kanya, si hyung naman nangingilid na ang mga luha niya, hindi makapaniwala sa sinabi ni sehun.
"Kailangan ko ang permiso ninyo bago ko siya pakasalan , kaya please.. payagan niyo ako" sabi niya at yumuko, lumingon ako kay hyung nakangiti siya at umiiyak..
I smiled and looked at taehyung,umiiyak na tumango siya sa akin , tumango rin ako.
"Okay sehun hyung.. payag na kami. Masaya kami kung saan sasaya si hyung" sabi ni teahyung at pinunasan ang luha niya.
Nagyakapan si luhan hyung at sehun, kita sa kanila na sobrang nagmamahalan sila. Sana gumaling na si hyung para mas maging masaya na sila.
Gaya nga ng sabi ni taehyung, masaya kami pag masaya siya.
BINABASA MO ANG
[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaek
Fanfiction"Wake up! Hindi lahat ng bagay sa mundo permanente! May mga bagay din na nagbabago!! Wag mong pipigilan ang sarili mo! Wag mo paniwalaan yung pilit na pinaniniwalaan mo! You're inlove with park chanyeol ! you get that?!" -Do Kyungsoo to Byun Baekhyu...