6th Job

3.2K 154 23
                                    

6

°Chanyeol°

Nang tumawag si kai ay agad akong nagbihis ng leather jacket, bonnet at rilakkuma mask.

tinext niya sa akin kung nasaan sila, pagdating ko doon ay agad ko silang nakita..

Nakita kong tawa ng tawa habang umiiyak baek at si kai na sumusuko na sa kanya.

Agad akong lumapit sa kanila, at pinauwi na si kai, hinahanap na kasi siya ng ate niya.

Tumabi ako kay baek na nakatitig sa akin..

"Baek.."

"Hi kuya kumaaa!!! Kamushtaa?!! Tagal na tayong di nagkita aa! Gumwapo ka yata ngayon?!" Sabi niya at tatawa tawa, hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita.

"Alam mo ba? May ikukwento ako sha iyo.. si Park chanyeol kashi eh!" Aniya tapos maiiyak na parang bata. He's so cute, i meant it.

"H-he hates me n-now! Kashi baekhyun lied to him, kashi baek is not yuuri! Chanyeol likes yuuri eh! But i'm not yuuri, i'm baekhyun.." nalungkot ako sa sinabi niya, i really don't hate him, i'm just upset about what happened.

"Taposh! I'm sure, chanyeol doeshn't like baek kasi they're both guysh and chanyeol hates it. Before, i was straight but when he came to my life, everything ish messed up. I fell for him.." nagulat ako sa sinabi niya, he's inlove with me?

Tinanggal ko yung bonnet at mask ko, medyo nagulat siya at tumawa..

"Look oh, kuma.. look at your face! You looked like him! Hahahaha! Kuma, pwedeng pakiabot yung message ko sa kanya?" He asked me and i nodded.

"Dear chanyeol,
Alam mo ba may sasabihin sana ako sa iyo kanina. Kaso nagalit ka eh, sabi mo pa nga, i don't want to see you again!, you're fired!" Sabi niya na parang ginagaya yung sinabi ko kanina, at saka siya tumawa ng malakas.

"Alam mo ba nasaktan ako kasi tinaboy mo ako? Plano ko naman sabihin sa iyo ang totoo eh , kaso agad mong nalaman. Sana ako nalang ang mahalin mo at hindi si yuuri, kasi ako mamahalin kita ng buo , araw araw kitang ipagluluto, pagsisilbihan, kahit habambuhay na akong mag silbi sa iyo hinding hindi ako magsasawa kasi, mahal kita chanyeol. I love you, sa sobrang pagmamahal ko sa iyo nilunok ko na yung pride ko na ipagpilitan ko sa sarili ko na wala akong gusto sa lalaki.. "

"Sa iyo lang ako ganito , yeol.. i love you yeol.. please, forgive me.. i love you so much, it hurts..

Nagmamahal sa iyo, Byun Baekhyun"


Natulala lang ako sa mga sinabi niya, tama nga sila mag nagiging honest ang isang tao pag lasing.

Nang kumalma siya ay,unti unti siyang nakatulog, binuhat ko siya ng bridal style at ipinasok siya sa kotse ko.

Tinignan ko lang siya bago paandarin ang kotse, alam ko ang bahay niya at nakita ko iyon sa biodata na nakatago sa files ni manager hyung.

Nang makarating doon ay tinitigan ko ulit siya, wala talagang makakahalatang lalaki siya kasi mukha talaga siyang babae. And i had to admit it ,he's beautiful.

Bumalik ako sa ulirat ko at lumabas na ng kotse,inayos ko ang mask ko at binuhat ko ulit siya.

nagdoorbell ako nang nasa harap na kami ng pinto..

Nagbukas naman ang pinto at bumungad sa akin ang batang nasa 18 years old, i know this is his brother dahil kamukha niya ito.

Nagulat ang bata at tinanong ako.

"Hyung! Anong nangyari sa kanya?!" Pinapasok niya kami at dinala na siya kwarto niya, nagulat ako sa nakita ko.

Ang dami naming posters ni taeyeon sa kwarto niya.

Nang mailapag ko siya sa higaan niya ay bumaba na kami ng bata.

"Sino ka? At bakit kasama mo si hyung?" Tanong niya ng may kunot sa noo niya..

Tinanggal ko ang mask ko at kita sa mukha niya na gulat siya.

"Hi, im park chanyeol, baekhyun's friend" and doon nagsimula ang pagkukwentuhan namin, mula sa cafe, sa fake job niya at sa hyung nila na may sakit.

At doon nalinawan ang lahat..

~~~

°Baekhyun°

Nagising nalang ako sa umaga ng sobrang sakit ang ulo ko. Kita ko rin na nasa kwarto ko na pala ako.

Siguro dinala ako ni jongin dito, makapag thank you nga mamaya.

Nang makababa ako ay nakita ko ang kapatid ko na kumakain na sa kusina.

"Good morning hyung, hang over?" Tumango ako

"Good morning, wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at kumagat sa ham.

"Oo nga pala sinong nag uwi sa akin dito?"

"Si rillakuma hyung, tinawag daw kasi siya ni jongin hyung kaya sumugod siya sa bar para sunduin ka" napa-ahh ako sa sinabi niya.. kumunot ang noo niya na parang may naalala siya.

"Nga pala hyung.. bakit ka naglasing kagabi? Hindi ka naman umiinom hindi ba?" Napalunok ako sa tanong niya, nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.

"May problema ka ba?" Yumuko ako at umupo sa tapat niya.

"Natanggal ako sa trabaho kahapon, pero ayos lang, may part time parin naman ako.. Konti nalang naman yung kulang sa pambayad natin. Aabot din yun." Sabi ko at pilit na ngumiti.. hinawakan naman ni taehyung ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Don't worry hyung , kinausap ako ni kookie kahapon. Tutulong din daw sila ni tita" hinawakan ko naman ang kamay niya na nasa kamay ko at ginulo ang buhok niya

"Thank you."

~~~

"Oh, okay ka na?" Tanong ni kyung sa akin.

"Bakit anong nangyari?" Kakamot kamot sa ulo na tanong ni lay.

"Basted siya, brokenhearted.." sabi ni chen at tumawa, sinamaan ko siya ng tingin..

"Okay na ako, kinausap ko na rin si sehun, nagquit na ako sa fake job ko.." sabi ko naman at pumunta sa kusina, ilang sandali pa lamang ay tinawag ako ni tao..

"Baek! May naghahanap sa iyo!" Sigaw niya.

"Wait! Tatapusin ko lang 'to!" Sabi ko then tinapos ko na yung pagtimpla ng kape na inorder ng isa naming costumer.

Lumabas ako ng kusina at lumapit kay tao,..

"Sino?" Tumingin siya sa pinakagilid na part ng cafe at tumuro.

Tumango ako at lumapit sa kanya..

"Oh, kuya kuma kamusta? Napadaan ka.."


[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon