KaiSoo SS: Maid for the day (part 1)
'Kyungsoo wants to be a tennis player, while kai wants him to be his maid'
~~~
°Kyungsoo°
"Anniversary na ng cafe natin bukas ah! Kailangan nating maka-isip ng bagong gimmick, ano sa tingin niyo?"tanong ni xiumin hyung sa amin after namin mag sara ng cafe.
"He's right, any ideas?" Maiksing comment ni kris hyung.
"Eh kung pasayawin ka namin sa tapat ng cafe ng topless? For sure dadami ang customers natin!" Walang kwentang suggest ni chen kay kris, pero biglang lumapit sa kanya si tao at sinakal siya.
"Jongina ka jongdae! Kanina ka pa ah! Ikaw kayang pasayawin ko ng hubo't hubad?!"
"A-aaaaahhhhh!! Halp! *Ubo* h-halp!!"
Inawat lang sila ni lay at kris..
"Eh, kung mag cosplay tayo? Ano sa tingin niyo?" Tanong naman ni baek na naeexcite. Natigilan sila sa mga ginagawa nila at ako naman biglang nagning ning ang mga mata..
"Sige! Game ako!" Sabay taas ng kamay, nagtataka silang tumingin sa akin at umagree nalang.
Yes! Gustong gusto ko talagang icosplay si Ryoma Echizen ng prince of tennis! Favorite ko kaya siya.. ang saya kasi matutupad ko na yung matagal ko nang gusto!
"Okay, ako na ang bahala sa mga costumes, may kakilala kasi akong nagpapa-rent.. lapit na kayo dito nang mailista ko." Ako ang unang lumapit sa kanya at sinabi ang gusto kong icosplay..
Nang mailista na ni lay ang lahat ay nagsi-uwian na kami.
Nag lalakad na ako pauwi nang may nag-psst sa likod ko, lumingon lingon pa ako pero wala akong makita.
Nakakatakot naman, gabi na eh , may multo ba dito?
"Psssssst!"
Baka multo nga, waaah! Tulong!
Kalmado lang akong lumakad patakbo, nang may kumalabit sa akin, lumingon ako at nakita ko si jongin sa harapan ko..
Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na hindi siya nakita, mapagtripan nga 'to, hehe!
"Uy! Soo! Hintay!" Lumingon lingon ulit ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Soo naman eh! Si jongin 'to!" Lumingon ulit ako sa gawi niya at kunwari hinahanap siya.
"Jongin? Ikaw ba yan? Bakit hindi kita makita?!" Kumunot ang noo niya.
"Hala! Jongin! Bakit hindi ka na nagsasalita?! Nilamon ka na ba ng dilim?!" Sabi ko na nagpipigil ng tawa, epic kasi ng itsura niya..
Hindi rin nagtagal ay sumabog ako kakatawa, tinitignan lang niya ako ng masama, iniisip ko tuloy sinusumpa na niya ako.
Nang mahimasmasan ako ay tinapiktapik ko siya sa braso niya.
"eto naman biro lang.. sorry na" nagpatuloy na ako sa paglalakad, bigla ko nalang naramdaman yung braso niya sa balikat ko, wow hilig talaga nitong mang-akbay.
Simula kasi noong 'niligawan' niya ako ay pumupunta siya sa cafe after ng trabaho ko para ihatid ako pauwi. Naglalakad lang kami since parehong walking distance ang mga bahay namin sa cafe,.. opo, malapit lang ang condo niya sa bahay namin.
"Oh, anong bago ngayon?" Tanong niya sa akin, napangiti ako nang maalala ko yung cosplay.
"May naisip kami bagong gimmick eh, special kasi anniversary na ng cafe, at excited na ako kasi magcocoplay kami!" Naramdaman kong naexcite din si jongin.
"Talaga? Sinong gagayahin mo?"
"Si Ryoma Echizen!" Yung excite sa mukha niya , napalitan ng kunot noo..
"Yung bida sa prince of tennis!"
"Alam ko , pero bakit yun?"
"Eh, favorite ko siya eh." Umiling iling lang siya.
"Bakit?" Tanong ko, anong problema nanaman nito?
"Wala, akala ko pambabae ang gagayahin mo"narinig ko pa ang disappointment sa boses niya.
"Bakit? Mamanyakin mo ako no?!" Tumawa lang si itim at ginulo ang buhok ko..
"Aba, ang gwapo ko naman para maging manyak"
"Yabang, tangayin nyan ako ng hangin mo."
~~
"Good Morning!!!"masaya kong bati nang makarating ako sa cafe. Kasama ko si jongin kasi gusto daw niya kaming makita na naka cosplay.
Nag good morning silang lahat sa akin at lumapit naman si xiumin hyung sa akin.
"May promo tayo ngayon para sa mga customers, mamaya nalang iaanounce..may dalawang nagsponsor para sa promo na 'to." Tumango lang ako at dumaretso ng kusina.
"Nasaan na daw si lay hyung?" Tanong ni baek.
"Malapit na siguro 'yon , sabi niya kasi medyo nagkaproblema kanina sa mga costume,pero ayos na daw." Sagot naman ni tao.
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si lay hyung bit bit ang isang malaking box.
Inilapag niya iyon sa isa sa mga table at binuksan. Nagsilapitan naman kami sa kanya.
"Yey! Yung costume nandito na!"
Ibinigay ni hyung mga costumes sa owner hanggang sa naiwan kami ni baek.
"Baek, soo. Pasensya na ah.wala kasi yung mga costume na gusto niyo" sabi niya at tumingin sa papel na hawak niya.
"Ha?! Anong susuotin namin?!" Sabi ko sa kanya ,waaaaaah! Ryoma Echizen! Ang pangarap ko!
"Oo nga? Anong isusuot namin? Pangit kung itong uniform parin" reklamo naman ni baek..
"Ito nalang daw ang available eh, marami na kasing nag rent ngayong araw kasi may cosplay contest malapit sa kanila.." at doon nilabas niya ang dalawang costume na ikinalaki ng mga mata namin..
"Sht hyung! Eto?!" Angat ni baek sa isang japanese school uniform na hanggang ibabaw ng tuhod ang palda..
"At eto?!" Angat ko naman sa isang maid costume, yung kay misaki ng kaichou wa maid sama. Sh*t!
Tumango lang siya at napatingin kami ni baek sa isa't isa. Lumingon ako kay kai na nakangisi sa amin, teka, may naamoy akong kakaiba.
~~~~
Nagsi-datingan na ang mga costumers at hanggang ngayon hindi pa namin sinusuot yung costumes, kung minamalas nga naman.
"Soo, baek! Dalian niyo na! Mag serve na kayo marami nang costumers!" Sigaw ni chen at pumasok sa kusina, napatanga kami sa costume niya.
"Seriously? Pikachu?!" Kumunot ang noo niya.
"Bakit?! Cute naman si pikachu ah!" Sabi niya at nag aegyo, binato ko lang sa kanya kung anong nahablot ko, pasalamat siya at strawberry ang nahawak ko.
Nagpout lang siya at lumabas ng kusina.
"Soo." Lumingon ako kay baek na mangiyak ngiyak na.
"Soo , dapat si luffy ang gagayahin ko eh!" Napabuntong hininga lang ako at tumayo.
"Tara na baek, no choice tayo kailangan nating magtrabaho, at may kailangan din akong alamin.."
BINABASA MO ANG
[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaek
Fanfiction"Wake up! Hindi lahat ng bagay sa mundo permanente! May mga bagay din na nagbabago!! Wag mong pipigilan ang sarili mo! Wag mo paniwalaan yung pilit na pinaniniwalaan mo! You're inlove with park chanyeol ! you get that?!" -Do Kyungsoo to Byun Baekhyu...