SuLay SS: Stuck In The Past (Part 2)

1.5K 83 11
                                    

SuLay SS: Stuck In The Past (Part 2)

°Suho°

[Thanks Suho.. utang na loob ko talaga sa iyo to]

"No problem basta para kay junhee" i said then pinatay na ang phone.

Humingi kasi ng favor sa akin si minho, gusto daw kasi niyang magpropose kay junhee sa cafe.

It supposed to be his birthday party pero ang hindi alam ni junhee ay mas engrande pa ang okasyon ngayon.

"Oh, baek. Ayos na ba lahat? Cakes? Yung drinks?" Tanong ko kay baek na kasama si umin hyung nang makalapit sa akin. Umin hyung punched me lightly on my shoulders.

"Yah! Kung makapag-utos ka para ikaw ang boss ng cafe na ito ha? Bakit hindi mo nalang hayaan na kami ang gumawa dito?" He laughed.

"Eh k-kasi, gusto ko kasama ako sa pagmamanage ng pinaka-importanteng okasyon sa buhay ng kapatid ko, gusto kong maging memorable para sa kanya to." Natatarantang sabi ko, tinap naman ako ni baek sa balikat ko.

"Kalma, im sure na magiging maganda ang takbo ng mga pangyayari mamaya. Tiwala lang."tumango ako at umupo sa stool na nasa tabi ko.

Bumalik na sila sa mga ginagawa nila nagulat na lang ako nang may nagbaba ng frappe sa harapan ko. Napalingon ako sa taong nagbigay nito.

"Oh, pampakalma. Bigay ko daw sa iyo sa sabi ni umin hyung" sabi ni lay at umupo sa tabi ko.

"Thanks" matipid kong sagot at nagsip sa frappe.

Spell Awkward?

"Kamusta na si junhee?" Pambabasag ni lay sa katahimikan.

"Ayos lang naman, as you can see masaya na siya sa boyfriend niya. Sigurado akong maiiyak siya tuwa mamaya" i said. Hindi parin lumilingon sa kanya.

"Oh." After nun ay natahimik ulit kami.

Spell Awkward Again..

Ilang minuto pa lang ay ako naman ang nagsalita.

"Lay.."napatingin siya nang tinawag ko siya.

"May i ask you a question?"his eyebrows furrowed. I sighed then ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Matagal na kasi tong umiikot sa utak ko.. and uhmm.. Im just wondering kung bakit ka nakipaghiwalay kay junhee. Hindi niya kasi nasabi sa akin yung dahilan mo." Nagulat siya sa tanong ko, then bumalik din agad sa dating facial expression niya.

"I fell out of love, i guess.." unsure na sagot niya , pero hindi ako naniniwala sa kanya. Feeling ko nagsisinungaling siya sa akin, pero hindi ko na siya kinulit. Im sure na ayaw na niyang balikan yun.

----

"Waah! Ang ganda ganda mo naman junhee!!" Sigaw ni baek at yumakap ng mahigpit sa kapatid ko. Natawa lang si minho at ako naman pinaglalayo sila.

"Baek! Kalas! Hinaharass mo ang kapatid ko eh!" Sigaw ko. Binhelatan lang niya ako at hindi binitawan si junhee.

"Sus, selos ka lang, gusto mo kasi ako yung mangharass sa iyo. Crush mo pa rin talaga ako hanggang ngayon, yieee!" Binatukan ko siya, lakas mang-asar. Natawa lang si junhee at napayakap na lang kay baek.

Marami rami na din ang mga tao at lahat sila ay alam ang surprise nila kay junhee.

Nagsimula na ang party, may games, promo, at blowing of the candles. Lahat kami kinantahan si minho ng happy birthday.

Kita sa mukha ni minho ang tuwa pero halata din sa kanya na kinakabahan siya.

Lumapit ako sa kanya at tinap siya na parang sinasabi kong 'calm down'. Nginitian niya ako at tumango.

[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon