(Dedicated para kay ate SujirouManabe, salamat sa ulit sa dedic noong isang araw.❤ Sorry kung pangit to guys. Pagtyagaan na lang XD)
HunHan SS: Luxunie (part 2)
Naalimpungatan si sehun, dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napansin na wala na si luhan sa tabi niya. Dali dali siyang bumangon at bumaba sa kusina.
Doon niya nakita ang matamlay na si luhan na nag aayos ng kakainin nila. Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likod.
"Lulu?" Nag hum lang ito bilang sagot. Hanggang ngayon cold pa rin ito sa kanya, hindi sanay ng ganito si sehun, usually kasi sweet si luhan pag nilalambing siya ni sehun ng ganito. He kissed the older's neck, naiirita namang kumalas si luhan sa kanya.
"Sehun, kumain ka na. May work ka pa." Sabi luhan at pumunta sa tabi ng electric stove para kunin ang pancakes. Napakamot sa batok si sehun at umupo sa stool ng counter, lumingon si luhan sa kanya, still wearing those cold stare.
"Hindi ako papasok ngayon. May pupuntahan tayo" aniya at ngumiti sa asawa, hoping na magiging okay sila. Nagtaka si luhan sa sinabi niya pero inignore pa rin ulit siya, nalungkot nanaman ulit siya.
Tahimik lang silang kumain, sinusubukang kausap ni sehun si luhan pero dry pa rin ito sa kanya. Nang matapos silang kumain ay nagready na silang dalawa, hindi man lang tinanong ni luhan kay sehun kung saan ang punta nila.
---
Hanggang sa byahe ay tahimik sila, walang sa kanilang dalawa an nagsalita, ang awkward... Nakakabaliw pala ang awkward atmosphere.
Nang makarating sila sa pinupuntahan ay lalong nagdugtong ang mga kilay ni luhan, ngitian lang siya ng asawa at hinila na siya papasok sa isang bahay.
Tahimik pa rin silang naglalakad, hindi pa rin naiintindihan ni luhan kung saan sila pupunta ni sehun, basta na lang siya nagpahila dito. Feeling niya may magandang mangyayari, feeling niya matutuwa siya.
Pumasok sila aa isang office at doon ay nakita nila ang head sister. Pinaupo ni sehun si luhan sa katapat niyang upuan at agad na kinausap ang head sister.
"Good morning po sister tin. Ready na po ba?" Ngumiti ang madre sa kanila at bumati pagkatapos ay dinala na sila sa isang kwarto , lahat ng bata ay nakapila at nakangiti sa kanila. Doon lang niya naintindihan kung nasaan sila, nasa isang orphanage sila.
Biglang naluha si luhan nang makita ang asawa na nakangiti sa kanya, bigla siyang naguilty sa inasal niya, hindi niya tuloy mapigilang hindi yakapin ito sa sobrang tuwa.
Natawa lang si sehun nang maramdaman na humihikbi si luhan. Ngayon alam niyang okay na sila, di na rin siya magiging tiga mamayang gabi hihi!
Pinunasan niya ang luha na tumulo sa pisngi nito at hinalikan sa noo. Ang iba naman sa mga bata napatili pero ang iba sa kanila ay napatakap ng mata. Mas lalo silang natawa sa mga reaksyon nila. Ang cute lang kasi.
Hindi rin nagtagal ay ipinakilala sila ni sister tin sa mga bata.
"Kids! This is Mr. And Mrs. Oh. Nandito sila para pumili ng isa sa inyo. Be nice to them para piliin nila kayo okay? Si hi to them!" Sinunod naman ng mga bata ang utos ni sister, bumati ng pagkalakas lakas na Hi ang mga bata. Hindi makapili si luhan sa kanila dahil lahat sila cute, pwede bang ampunin na lang niya lahat ng bata dito?
BINABASA MO ANG
[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaek
Fanfiction"Wake up! Hindi lahat ng bagay sa mundo permanente! May mga bagay din na nagbabago!! Wag mong pipigilan ang sarili mo! Wag mo paniwalaan yung pilit na pinaniniwalaan mo! You're inlove with park chanyeol ! you get that?!" -Do Kyungsoo to Byun Baekhyu...