3rd Job

3.5K 169 10
                                    

3

°Baekhyun°

"Okay, may bago tayong client." sabi ni sehun nang makarating siya sa ospital,siya na kasi ang nagbabantay kay hyung.

"Wag na sanang manyak yan" asar na sabi ko sa kanya, umiling lang siya.

"Hindi, kasi artista ang pagtatrabuhan mo.."

"Sino?" Kunot noong tanong ko.

"Si.... Park Chanyeol" pagkasabi niya ng iyon ay natahimik ako. Teka, nabibingi ba ako?

"S-sino ulit?"

"Si park chanyeol nga "

"Sh*t! Sehun! Idol ko yun eh! Sh*t! Bakit?! Paano?! Anong trabaho ko?!" Inalog-alog ko siya pero siya naman ang umalog sa akin nang bumitaw ako.

"Alam mo ang kulit mo! Wag kang excited okay!" Natahimik ako sa sinabi niya at tumango nalang.

Sh*t talaga! Super idol ko talaga si park chanyeol gusto ko talagang maging katulad niya, ang gwapo tapos, ang manly niya tignan! Swerte niya dahil naka-partner niya yung gusto ko, Si kim taeyeon!

"Kilala mo si Kim Jongin?" Tumango ako, si kim jongin known as kai, Dancer and singer siya, crush siya ni kyungsoo, bestfriend ni chanyeol at kapatid ni taeyeon..

"Close yung manager ni jongin at manager ni chanyeol , nabanggit ng manager ni chanyeol na kailangan niya ng P.A. dahil nagresign na daw yung nauna niyang P.A. at dahil close ako sa manager ni jongin ay sa akin siya nag pahanap ng pwedeng i-hire, At mataas din ang sweldo mo. oh ano? Game?"

"Game!" Yes! Chance ko na makilala ang idol at ang love of my life ko. Kung hindi ako magtatrabaho bilang byun baekhyun, ay si byun yuuri ang gagawa ng paraan para ireto si baekhyun kay taeyeon..

Yehet! Im so excited!

"Kailan ako mags-start?" Agad na tanong ko kay sehun, tumingin siya sandali sa phone niya at ibinalik ang tingin sa akin.

"hmm.. Monday daw.. hoy, ayusin mo trabaho mo baka mabuking ka doon ha." Tumango lang ako at ngumiti ng nakakaloko..

"Ang creepy mo, makapasok na nga baka hanapin ako ni luhan." Sabi niya at pumasok na sa kwarto ni hyung.

~~~

Nandito ako ngayon sa cafe, lahat kaming staffs dito kumpleto.

Si xiumin-hyung, chen, lay-hyung, kris-hyung, tao, kyungsoo at ako.

Ako nanaman ang nagbantay ng cashier , since busy sila para sa gimmick namin.

This month daw since november na ay magcocostume daw kami, hindi ko alam kung anong klaseng costume yun dahil walang sinasabi si xiumin hyung.

Napatingin ako sa may pinto nang may pumasok sa cafe, eto nanaman si kuya rilakkuma (rilakkuma kasi lagi niyang suot yung rilakkuma mask niya) pansin ko nga lagi na siyang pumupunta dito., kahit papaano nakakausap ko siya.. eherm .. close na kami.

Nakasuot siya ng leather jacket, bonnet, shades at rilakkuma mask..

"Oh, kuya rilakkuma. Kamusta? Anong order mo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Yung dati pa rin" maikling sabi niya

"Hindi halatang paborito mo yun no?" He chuckled at kinuha na yung order niya..

"Oh, mocha latte and blueberry shortcake, enjoy!" Tumingin siya sa akin at nagthank you, pagkatapos ay umupo sa pinakagilid na bahagi ng cafe.

Ilang sandali pa lamang ay lumapit si kyungsoo sa akin at may hawak na tray na may lamang chocolate mousse at iced tea..

"Baek , break mo na daw.. ako munang papalit sayo dyan sa cashier, kain ka muna" aniya at ngumiti.. nagpathank you ako sa kanya bago kinuha ang tray sa kamay niya..

Pumunta ako kung saan naka upo si kuya rilakkuma.

"Hello ulit kuya rilakkuma! Pwede bang maki-upo?" Tumango lang siya sa akin.

Wow, ganito pala siya kumain, hindi niya parin inaalis yung mask, nakaangat lang ng kaunti. Ano bang meron sa mukha niya? Bakit ba siya balot na balot?

"Uhhm, kuma? Pwedeng magtanong?"

"Okay"

"Bakit balot na balot ka?" Natigilan siya sa pagkain niya at tumingin sa akin.

"Secret.."

"Ano ba yan! Napaka-mysterious mo naman kuya kuma.."

"Wag mo nang alamin, curiosity kills the cat , ika nga nila." Tumango nalang ako at sumubo sa choco mousse ko.

"kuya kuma, ang weird pero ang gaan ng loob ko talaga sa iyo, stranger ka pero lagi kitang tinatanong, di ba sabi ng matatanda don't talk to strangers , bakit ako nakikipag usap sa iyo?" He shrugged..

"Ang kulit mo kasi, kuwento ka ng kwento sa isang stranger, paano kung masama pala ako, edi nagawan na kita ng masama? Kulang na nga lang sabihin mo pati address mo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Uy, hindi naman talaga ako nakikipag usap sa strangers pero weird lang talaga kasi feel ko hindi ka masamang tao." Sabi ko at ngumiti ng malapad

"Ano may trabaho ka na bang nakita? Tanong niya.."

"Yup, mataas kahit papaano yung sweldo ko, kasi mayaman yung amo ko.." proud kong sabi, ang totoo hindi niya alam yung tungkol sa fake job ko, hindi ko siya sinabihan tungkol doon.

"Good, uhh, pwedeng ako naman ang magtanong?"

"Oh, nagtatanong ka na nga eh" gusto kong tignan yung reaksyon niya kasi natahimik siya, haha, di siguro sanay na pinipilosopo.

"Pilosopo na bata"

"Uy, joke lang yun. Sige bring it on" mahigit isang minuto rin bago siya magsalita.

"What do you think about park chanyeol?" Nagulat ako sa tanong niya at unti unting nanlaki ang mga mata ko..

"Sht! Fan ka rin ba ni Chanyeol?! Idol ko yun eh! Idol na idol! Gusto kong maging katulad niya! Yung manly yung itsura, yung ganoon! Tignan mo naman kasi yung itsura ko , gusto ng manly features niya , gusto ko ring malaki yung katawan ko yung may biceps ako ganun! Kahit nakakatakot tignan yung smile niya idol ko parin siya kasi totoo siya sa sarili niya! Swerte nga nakapartner niya yung taong gusto ko tsk!" Narinig ko naman na habang nagsasalita ako ay tumatawa ang rilakkuma sa harap ko.

"Anong tinatawa tawa mo? Pasensya, Fanboy ako eh"

"Hahaha,, wala .. sino ba yung gusto mo?"

"Si Kim Taeyon, grabe! Uy! Fanboy ka rin ba ni chanyeol?!" Tumango siya at nag thumbs up

"close ko si park chanyeol eh" sabi ni kuya kuma. Ay pinagtitripan ako..

"Weh? Aruu, pinagtitripan mo lang ako eh.. sus, di na bebenta yan kuma."

"Ayaw mo maniwala?" Proud pa akong tumango sa kanya, pero parang nagdadalawang isip ako, malay mo totoo yun di ba?

"Sige, magdadala ako ng video bilang proof na close kami ni park chanyeol, gusto mo bigyan ka pa niya ng message eh" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at napahawak sa kamay niya.

"Talaga?"

"Oo"

"Really?"

"Yup"

"Jjinja?"

"Oo nga! Kulit naman ng lahi mo!"

"Waahh! Yehet! Salamat kuma!" Sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit, at wow! Parang may kayakap nga akong life sized rilakkuma stuffed toy, hehe!

Kumalas ako sa pagkakayakap namin at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Promise mo yan ha! "

"Oo nga , hindi halatang excited ka ah"

"Hehe, hindi naman pero Yeeess!" Sabay taas ng fist. Ilang sandali lang ay may pumasok sa isip ko..

"paano kayo naging close ni chanyeol?" Nag shrug lang siya.

"Secret"

[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon