SuLay SS: Stuck In The Past (Part 1)
'Lay remembered his past when he saw suho, and suho remembered his sister when he saw lay'
°Suho°
Pumunta ako sa cafe kung saan nagtatrabaho si baekhyun, matagal na akong bumibista dito beacause of bussiness matters sa cafe ni xiumin o di kaya'y pagbored ako at may spare time ako.
Madalas kasing nasa company si dad kaya siya na ang halos gumagawa ng mga papers na dapat ako ang gumagawa, nag insist akong ako na ang gagawa pero ang sabi lang niya ay magpahinga muna ako sa trabaho ko dahil buong buhay ko ay nagsilbi ako sa company para lumago lang ito.
Makulit si dad kaya hinayaan ko na lang siya dahil wala namang patutunguhan ang pagpipilit ko sa kanya.
Nang makapasok ako ng cafe ay binati ako ni baekhyun na nasa harap ng cashier.
"Suho! Nandito ka na pala! Bussiness?" Tanong niya , umiling ako at ngumiti sa kanya.
"On vacation ako. Mag oorder na ako,yung dati pa rin"
"Okay, lolo suho!" Aniya at tumawa, kuwari ko pang ihahampas yung tray na nasa harap namin, tumawa lang ang loko.
Umupo ako sa usual spot ko pag nandito ako at inilabas ko ang libro ko para magbasa ng novel. Ilang sandali pa lamang ay may naglagay ng coffee at cheesecake sa harapan ko.
Napatingala ako at nakita ko ang emotionless na mukha ni lay, bakit ba pinagiinitan ako nito?
Inignore ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Siya naman ay umalis at bumalik na sa trabaho niya.
Kilala ko si lay, actually matagal na. I'm not so sure kung kilala niya ako o hindi. Pero ang totoo, naaalala ko ang kapatid ko noong makita ko siya.
Because Zhang Yixing is my sister's Boyfriend. Ang totoo Ex-boyfriend niya ito, dahil nakipagbreak siya sa bunso kong kapatid.
Galit ako sa ginawa niya, kahit napakatagal na iyon ay naaalala ko pa rin kung gaano kalungkot at nagsusuffer ang kapatid ko sa heartbreak.
Junhee is very precious to me, simula pa lang noong maliit pa lang kami ay itinuturing na namin siya na nakaisa isang prinsesa sa pamilya namin. Nobody tries to make her cry because she's fragile and innocent.
My heart broke into pieces noong makita ko siyang umiiyak, ngayon ko lang ulit siya nakitang umiyak noon. Sa pagkakaalala ko kasi twice lang siya umiyak. The first time is noong namatay ang alaga niyang puppy and the second one is noong nakipag break sa kanya ang kaisa isang Zhang yixing.
And now, she's happy with his new boyfriend, Choi Minho. Napag alaman ko rin na balak nang magpropose ni minho sa kapatid ko, and im happy for her. Nakita na niya ang lalaking magpapasaya sa kanya for lifetime.
Sumubo ako sa cheesecake ko at nagsip sa coffee, pagkatapos ay lumingon ako sa kanya. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa akin, no scratch that.. he's staring at me for a long time.
umiwas ako ng tingin at bumalik ang tingin ko sa libro. Bigla namang sumulpot si baekhyun sa harap ko.
"Huy, may napansin ako." Agad na sabi niya. Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Ano?" Tanong ko at uminom ng coffee.
"Kanina ka pa tinitignan ni lay-hyung simula pa noong dumating ka. I think he likes you" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, kamuntik ko pang ibuga sa kanya yung kape sa bibig ko. Wth?! Ano?!
"The Fvck baek. Anong pinagsasabi mo?!"pasigaw na bulong ko, tinawanan lang niya ako at nagshrugged.
Bumuntong hininga ako at nagtanong ulit sa kanya.
"Kamusta nga pala si luhan hyung?"
"Ayos lang siya, pero nananatiling puzzle pa rin sa amin yung taong nagbayad ng bills ni hyung, nakakapagtaka talaga. Sana man lang makita ko siya para pasalamatan sa ginawa niya, malaking tulong talaga sa amin yun." Sabi niya na nakatingin sa kawalan.
One year na ang nakalipas simula noong gumaling si luhan hyung pero ni-isa sa kanila ay walang nakakaalam na ako ang nagbayad sa lahat ng gastusin ni hyung sa hospital.
Oo, ako ang nagbayad ng lahat at hindi nagpakilala. Noong panahon na kasing iyon ay naguilty ako dahil nawalan ng trabaho si baek nang dahil sa akin kaya responsibilidad ko ang mga nangyari.
At never kong sasabihin na ako ang nagbayad dahil pagsinabi ko iyon ay paniguradong babayaran niya iyon.
Ayoko nun. Ang gusto ko Once na binigay ko na and i insist na gawin yun ay ayoko nang bigyan nila ng kapalit lahat ng ibinigay ko. Bukal sa puso ko ang magbigay lalo na sa mga deserving.
"Deserve mo naman iyon. Kaya siguro ka pinaburan kasi masipag at super mabait ka." Tinawanan niya ako.
"Hindi naman siguro, hindi naman ako santo para maging super mabait. Oo nga pala, nakwento mo si junhee noong isang araw ah. Papuntahin mo naman dito,gusto ko siyang makilala!"tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Baka magkita sila ni junhee ..
"Please?" Sabi niya at nag puppy eyes, i sighed then smiled.
"Oo na, tigilan mo lang yang mata mo, nakakainis"
Hmm, siguro hindi na rin naman kaso iyon kay junhee,napaka tagal na iyon. Ewan lang kay lay kung nakapagmove on na siya.
"Hala , bakit?"
"Masyado kasing cute, hirap tumanggi" lalo siyang natawa sa sinabi ko , hinampas pa yung hita niya. Asawa nga ni chanyeol 'to.
"Crush mo pa rin yata ako eh! "Sabi niya, magsasalita na sana ako nang bigla kaming nakarinig ng nabasag na bagay.
Napalingon kami kung saan nanggaling yung ingay at nakita namin si lay na pinupulot ang basag na tasa sa sahig, dali dali namang tumulong si baek nang makita niya si lay.
"Hyung! Anong nangyari ?" Tanong ni baek sa kanya.
"A-ahh wala, nadulas lang yung kamay ko." Sabi ni lay,
"Tulungan na kita hyung" pinigilan naman ni lay si baek..
"Wag na, unahin mo nalang yung costumer .. gumawa ka nalang ng bagong coffee, wag natin silang paghintayin." Tumango na lang si baek, nagbow siya para magsorry sa costumer at tumakbo na papunta ng kitchen.
Bumalik ulit ang tingin ko kay lay, annoyed siyang nakatingin sa akin at umalis na.
Ano bang kasalanan ko ha?
BINABASA MO ANG
[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaek
Fanfiction"Wake up! Hindi lahat ng bagay sa mundo permanente! May mga bagay din na nagbabago!! Wag mong pipigilan ang sarili mo! Wag mo paniwalaan yung pilit na pinaniniwalaan mo! You're inlove with park chanyeol ! you get that?!" -Do Kyungsoo to Byun Baekhyu...