4th Job

3.5K 157 7
                                    

4

°Baekhyun°

"Nasaan na dali! Mamaya nyan binibiro mo lang ako ha?" Excited na tanong ko sa kanya, nakatingin siya sa phone niya at nagsscroll..

"Wait, don't be too excited.. hinahanap ko pa" nandito parin kami, as usual sa pinakagilid na part ng cafe.. buti na nga lang pinayagan ako ni kris hyung na mag break.

"Eto na" sabi niya at iniabot ang phone sa akin, agad ko naman itong kinuha at pinlay.

"Hi Byun Baekhyun! I heard you're my fan, nakuwento kasi ni rillakuma sa akin na sobrang nag fan boy ka sa akin, and i saw your face pinicturan ka kasi niya nang hindi mo alam, ang cute ng reaction mo." Then he chuckled , feeling ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko, sht! Nagbublush ba ako?! Im not gay okay? Mainit lang talaga..

"I just want to say thank you sa pag support sa akin, sana balang araw mag meet tayo, kung may gusto kang irequest sa akin sabihin mo lang kay kuma at gagawin ko, bye baekhyun! See you soon!" Tapos the video ended.

Tulala lang ako napatingin kay kuya kuma, feeling ko nakangiti siya sa akin ngayon..

"So? How is it? Okay ba?" Then nakita kong nagulat siya.

"Hala bakit ka umiiyak?!" Pinunasan ko yung pisngi ko, umiiyak nga ako.

"that was the best 60 seconds of my life. I can't believe my idol just noticed me." Tumingin lang si kuma sa akin, para bang naghihintay ng sagot.

"Thank you!!! Waahhhh!" Hagulgol ko at napayakap sa kanya.

Tinap niya ang ulo ko habang tumatawa..

"Easy, hahaha.. calm down, wag ka nang umiyak"

"S-sorry natutuwa lang ako" sabi ko at bumitaw sa yakap niya..

"Pero seriously, salamat. Eto nga pala binili ko para sa iyo, thank you gift ko" then binigay ko sa kanya yung rilakkuma keychain na binili ko and i gave him my sweetest smile.

~~~

Ohorat! This is my first day sa trabaho ko, baekhyun remember you're byun yuuri now okay?! Fighting!

"Good morning, I'm park chanyeol's manager." iniabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon.

"Good morning din po, im byun yuuri po, nice to meet you po."

"Okay, dadalhin na kita kay chanyeol.. tatlo lang naman ang kailangan mong gawin, first make sure susundin mo lahat ng utos niya, second kailangan ready lagi lahat ng dapat iready bago umalis o magshooting, mga damit, tubig niya at yung panatilihin na hindi siya sobrang pagpawisan , sakitin kasi ang batang 'yon , and lastly ingatan mo lahat ng gamit niya. Okay ba?" He said and i nodded ,tapos dinala na niya ako kay chanyeol.

Okay,eto na. Nasa harap na kami ng dressing room niya. Kinakabahan akong makita si idol..

Kumatok ang manager niya sa pinto, at dahan dahang pumasok.

"yeol, eto na yung bagong P.A. mo"

"Sige, manager hyung pasok kayo" sabi ng isang lalaking kasing lalim ng balon ang boses.

Park chanyeol..

Pumasok na kami ng dressing room at nakita kong inaayusan na siya.

Is this real?! Nakikita ko na talaga siya, as in personal talaga!

"Yeol, this is byun yuuri.. ms. Byun you know who he is right?" Tumango lang ako bilang sagot, nagulat naman siya nang makita ako.

"B-bakit po?" Kinakabahang tanong ko.. medyo napailing siya.

"Ah sorry, ms. Byun. May naalala lang akong fan na kaapelyido mo at saka medyo kahawig mo. Siguro coincident lang yun. Nevermind me" then he chuckled. Shucks! Naalala ako ni idol! Close na kami! Hindi pala ayst! Ang gulo ko!

"Sige , lalabas na ako, tatawagin ko na yung driver" sabi ni manager hyung at lumabas.

"Okay, mag start kana.. pwedeng paki ayos na yung mga gamit ko doon? Paki lagay na sa bag para makaalis na agad tayo papunta sa location ng shooting ko" turo ni chanyeol sa mga nakakalat na gamit sa sofa..

"Okay sir! Masusunod!" At sumaludo ako sa kanya.

"Good! Yan ang gusto ko, energetic!" Sabi niya at napangiti ako, pumunta na sa sofa at inayos na ang mga gamit niya.

~~~

One month na rin ang nakalipas, one month na akong nagtatrabaho kay chanyeol, one month nang pabalik balik si kuma sa cafe.

Konting tiis nalang din at mabubuo na yung pera para sa pagpapaopera ni hyung, tinutulungan din ako ni sehun at taehyung sa paghahanap ng pera.

at alam niyo ba na sa loob ng one month ay may napansin ako..

Sobrang close namin ni chanyeol at ang weird kasi feeling ko nagpaparamdam siya sa akin.

Binibigyan niya ako ng isang bud ng rose tuwing umaga tapos binibigayan din niya ako ng chocolates, minsan yung trabaho ko na dapat ako yung gumagawa, siya na yung gumagawa. Minsan babanat siya ng sweet words.

Pero feeling ko rin nagugustuhan ko na hindi, naiinis ako kasi nalilito ako! Arggghhh! Di ba sabi ko straight ako! At idol ko si chanyeol pero bakit ganito ang feeling ko?!

No! Bawal to.. inlove si chanyeol kay byun yuuri at hindi kay byun baekhyun pero bakit ganoon? Ang sakit isipin? Sht park chanyeol! What did you do to me?!

"Yuuri!!" Sigaw ng isa mula sa likod ko..

Si chanyeol,

"Oh, roses" iniaabot niya sa akin ang tatlong roses.. nagtataka lang akong tumingin sa kanya..

Ang hirap ng trabaho ko ngayon, akala ko magiging madali lang to.

"Sir chanyeol, pwede pong magtanong?"

"Sige, go ahead.."

"Uhmm, bakit po ninyo ako binibigyan ng roses at chocolates araw araw? Nalilito na po ako" natahimik siya sa tanong ko at inabot yata siya ng 2 minuto bago magsalita.

"Uhh, ano kasi.. i know sobrang bilis ko pero sa one month na nakasama kita, i think like you .." nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya, I'm in danger again!

But, bakit pakiramdam ko, gusto ko yung nangyayari ?

No! Baek! Wala ka pang nasisimulan na move kay taeyeon! Hindi pwede ito!

"Yuuri? Hey, uhmm so?" Napatingin ako sa mga mata niya, nag eexpect siya ng isasagot ko.

"S-sorry, sir chanyeol" sabi ko sabay takbo palabas..

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nalilito na ako sa mga nangyayari sa akin..

I need someone to ask..

Then nakita ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng bahay ni soo.

[Completed] Fake Job ▶▶ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon