Joyce's POV
"Tsskk! humanda sa akin ang babaeng yan! Bucet! na Bucet ako sa pagsasabunot niya sa akin Mira!"galit na protesta ko kay Mira habang naglalakad kami pauwi pagkatapos ng exam namin. Tsskk! na bubucet talaga ako sa babae na yun! Sorry, for the bad words di ko lang kasi mapigil ang sarili ko eh! talagang naiinis ako. Wag kayong umepal kundi batokan ko kayo! wala ako sa mood ngayon kaya epal is not allowed. Bakit kami naglalakad? well, bet lang namin maglakad paki niyo? XD
"Joyce, that's enough pinagtitinginan tayo ng mga tao oh? nakakahiya!"sita sa akin ni Mira habang nakatingin sa mga taong nakakasalubong at nakatingin sa amin.
"Well, wala akong pakialam! bad trip ako ngayon.. bakit? bawal na bang maglabas ng sama ng loob ngayon? hah? Mira?!"sarkastikong tugon kay Mira.
"Hay, iwan ko sayo Joyce! Piro ang point ko lang naman is sa tamang lugar mo ilabas ang sama ng loob mo wag dito nasa public place tayo eh? please be in sense sometimes?!"sita ulit sa akin ni Mira.
"Bakit? Wala na ba akong karapatan na maglabas ng sama ng loob Mira? Sa tingin mo ba kung ikaw ang nasa lugar ko makapag pigil ka ba? Alam mo nasabi mo lang yan kasi hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko!"sarkastikong tugon ko sa kanya.
"Alam mo Joyce ang babaw mo eh? Noh? Piro ang point ko lang naman is isa lugar mo Yang galit mo di ko naman sinabi na bawal o wala ka ng karapatang magalit o mag labas ng sama ng loob..that's all!"pagpapaliwanag niya sa akin habang patuloy lang kami sa paglalakad. Piro ilang minuto lang dito na kami sa bahay namin.
"Osha, sorry na Mira.. Hmm... I get your point sige, pasok na ako sa amin kita na lang tayo bukas..bye!"pormal na tugon ko sa kanya at nagpaalam na. Nagbuntong hininga na lamang siya at saka Tumango sabay lakad patungo sa kanila walking distance lang naman yung sa kanila from here kaya pumasok na ako sa gate ng bahay namin pagkapasok ko ay isinara ko naman ito at pumasok na din sa loob ng bahay namin pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Nakz! ako pa lang pala ang tao dito di pa dumating si ate Cristine ko. Pagkatapos kung magbihis ay bumaba ako para magsaing ng dinner namin. Ang aga Noh? XD well, ganyan talaga para maaga kaming makapag dinner mamaya. Sige, Saing muna ako see yah! :)
Cristine's POV
Ako'y nasa isang tabi at di mapakali ating nakaraan minumuni muni di lubos ma isip bakit nagkalayo. Nyahahah! xD churi napakanta lang ako nadala lang ako sa pangyayari kanina kay Mark at Gerald. Ang malas talaga napagkamalan na naman toloy yung bakla na boyfriend ko kawawa naman. Paano na to ayaw sagutin ni Mark ang mga tawag ko pati text ko Waley na rin. Haay, pagminamalas ka nga naman. (T______T).
"Hoy! bruha andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap sa kung saan eh? andito ka lang pala!"tawag sa akin ni Sarah at agad na tumabi sa akin habang papalabas na ako ng university namin na naka slow walking motion. Nyay! XD slow motion talaga ah? Adiks! piro Hayaan niyo muna akong mag moment. Infairness parang di ako nagulat sa presence ng bestfriend ko ah? XD grabi para akong lantang gulay na walang kabuhay-buhay Nyahahah! xD Adiks nakuha ko pang magbiro sa lungkot na nararamdaman ko. Kahit papano naman importanti din si Mark para sa akin dahil sa may gusto ako sa kanya. Piro checkret muna natin yan ah? xD di pa ngayon ang tamang panahon. Hahahah! xD Whatever! nahahawa na ako kay Lola Nidora.
"Psst! day Oy day! anyare sayo ba't lutang ka?"pukaw na tanong sa akin ni Sarah na siyang ikinagulat ko. Sa wakas nagkabuhay na rin xD
"Ah-Eh? kanina ka pa ba jan Sarah?"utal na tugon ko sa kanya.
"Oh! my God inday! anyare sayo! buhay ka pa ba?"alalang tanong niya sa akin sabay check sa forehead at neck ko tsaka kinorot ko siya XD. Anong akala nito? Patay na ako? Hahaha! na lanta lang ako Noh?! hindi pa ako Patay! tskk!
"Aray! sakit naman! to naman di mabiro! anyare ba talaga sayo? ba't ganyan ka? di kasi ako sanay na ganyan ka kalumbay eh?"alalang tugon ni Sarah sa akin sabay pout ng ganito oh? (-3-) lels ang cute niya! xD
"Si Mark kasi eh?"pabebe na tugon ko kay Sarah. Hahaha! nahawa din? xD mag bestfriend nga talaga kami.
"Oh? bakit anyare ba kay Mark?"takang tanong niya sa akin na magkasalubong ang kilay.
"Nakita niya kasi kami kanina na nagyayakapan ni Gerald eh? yung kaibigan at kaklase nating bakla? I tried to explain piro ayaw niya talagang makinig sa akin eh?!"malungkot na tugon ko kay Sarah.
"Bwahahahah! kawawang bakla napagkamalan na naman! Ayaw kasing panindigan ang pagka bakla niya eh? Hahahaha! buti at hindi sinuntok ni Mark!"pabirong tugon ni Sarah sa akin saka siniko ko siya.
"Loka ka talaga! eh? Noh?! kawawa na nga yung si Girlie pinapalala mo pa! Uy, Ano to wagas na panlalait? Tsskk! parang gusto ko tuloy pagsisihan ang pag share sayo ng problem ko!"irap na tugon ko sa kanya.
"Naku! to naman! churi naman tao lang.. di ko lang kasi mapigilan eh?"paghingi ng dispensa sa akin ni Sarah.
"Well, just forget about it baka kung saan pa yan mapunta..Tara na nga may taxi na oh?"pormal na tugon ko sa kanya sabay anyaya at hila sa kanyang kamay papunta sa taxi. Sumakay na kami. Habang nasa loob kami ng sasakyan ay wala kaming imikan. Hahahaha! may dumaan atang anghel XD charss! Hanggang sa makarating kami sa bahay namin bumaba na ako sabay abot ng pamasahe kay Manong driver nag wave na lang kami ni Sarah hanggang sa binuksan ko na yung gate sabay pasok at sara nito binuksan ko naman ang pintuan sabay pasok na finally sa bahay namin. Hmmm. I smell something mabango sa kitchen namin parang may nagluluto ng sinigang matingnan nga. Pagdating ko dun. Bumungad sa akin ang nakangiti na bunso naming si Joyce na naka apron pa. "Hello! ate Cristine good afternoon!"masayang bati niya sa akin.
"Bunso ikaw ba ang nagluluto ng sinigang?"takang tanong ko sa kanya. I thought di ito marunong eh? So, shocking xD charrs! :D
"Uhuh!"may ngiting tugon niya Sakin.
"Whoah! sinong nagturo sayo bunso?"usisa ko.
"Si mommy po ate Hihihihi.. Sana nga Sakto lang ang timpla nito.."alangang tugon niya sa akin.
"Hmm.. patikim nga bunso.."pormal na tugon ko sa kanya sabay kuha ng kutsara sabay tikim ng very very light chars :D
"Wow! ang sarap bunso ang galing mo ng magluto pwede ka ng mag asawa!"I cheered sabay yakap sa kanya ayee! ang sweet namin Noh?! ^_^ xD
"Hahahaha! ate talaga asawa agad? di ba pweding boyfriend muna? bago mag asawa?!"pabirong tugon niya sa akin.
"Hahahah! Oo nga Noh? hmm. Sige, magbibihis mo na ako ah? nakalimotan ko di pa pala ako nagbibihis.. hahahah!"pabirong Sabi ko kay bunso at nag paalam muna ako saglit para magbihis muna. Dali Dali kong tinungo yung kwarto namin inilapag ang bag ko sabay pasok sa dressing room namin para magbihis na. Haay, kahit sandali nalimotan ko ang problema at lumbay ko kay Mark. Hahanap na lang ako ng tamang pagkakataon para mag usap kami ng masinsinan para maintindihan niya lahat. Haay, makapag bihis na nga.
A/N:
Hello! it's a new update again today. Linobos ko na lang ang pagkakataong ito para mag update baka matagal tagal pa akong makapag bigay ng update dito. Okay, I won't make this long just tap the star icon na lang if you like this chapter and if you've to say something don't hesitate to leave your comments below except harsh words. Thank Ü
God bless us always!
Stay safe Ü
Until next updates! ;)
Love lots always,
MissMiha
xoxo
BINABASA MO ANG
The Three Sisters: Fallin' in Love
Teen FictionThis is a romantic comedy story. The journey of love that will change their expectations of love. Kaya samahan niyo silang makilig at matawa sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig, at pamilya. MISSMIHA