Aaron's POV
Habang papalapit na ako sa canteen ng university ng school namin ay biglang nahagip ng paningin ko si Joyce at Mira na magkasama na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. Habang nakasunod sa kanila yung pinsan ko na brattinilang si Crystal kasama ang dalawa niyang barkada na si Irish at Sheena. Tsskk! Ano na naman kaya ang gagawin ng mga to kay Joyce. Kailangan kong babalaan sina Joyce at Mira. Kaya wala akong sinayang na pagkakataon pinuntahan ko agad sina Joyce.
"Joyce Tara na di ba may group work tayo?"tawag ko kay Joyce na siya namang ipinagtataka niya at ni Mira. Dahil ang totoo wala talaga gusto ko lang siyang e save kay Crystal dahil alam kung may gagawin na naman tong di maganda kay Joyce. Di pa man nakapag salita si Joyce at Mira ay agad ko na silang hinila kaagad ni Mira saka dinala sa safe na lugar kung saan hindi sila masusundan ni Crystal at ng mga kaibigan niyang si Sheena at Irish. Nang makarating na kami dun sa vacant room.
"Aaron bakit mo kami dinala dito?"takang tanong ni Mira sa akin.
"At bakit ka nagsinungaling na may group work tayo?"takang tanong din ni Joyce.
"Gusto ko lang kayong e save kay Crystal.. alam kung may gagawin na naman yung hindi maganda sa inyong dalawa lalo ka na Joyce.."alalang pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Huh? sinong Crystal?"takang tanong ni Joyce sa akin.
"Yung babae na sumabunot sayo at nag saboy ng juice sayo..!!"pagpapaliwanag ko ulit kay Joyce.
"Huh? Siya? Piro wala naman kaming nakita na sumusunod sa amin eh?"pangangatwiran ni Mira sa akin.
"Pagkalapit ko sa inyo kasi naglihis sila ng daan kaya paglingon niyo wala na sila.."pagpapaliwanag ko ulit Kay Mira.
"Talaga lang huh? Piro sige kung totoo man yun o hindi salamat na rin dahil sini'save mo kami.."may ngiting tugon ni Joyce sa akin.
"Naku! Wala yun Joyce.. piro sige pupunta muna ako sa may canteen kakain mo na ako.. bye!!"paalam ko sa kanila sabay talikod patungo sa canteen. Habang naglalakad ako patungo sa canteen di ko pa rin lubos maisip kung bakit ganito ako ka concern kay Joyce ngayon. Ano bang mayroon sa babaeng yun? Dati hate na hate ko siya piro ngayon parang may something na hindi ko maipaliwanag sa sarili ko ay iwan! baka gutom lang to makakain na nga.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Joyce POV
"Hmm.. mukhang may tinatagong something si Aaron sayo ah? Hmm.. "bungad na tanong ni Mira sa akin habang nakaupo kami at nakatambay dito sa loob ng bakanting room dito sa university namin. Iwan ko ba kung bakit bigla akong nagtaka kung bakit hinila niya kaming dalawa ni Mira papunta dito sa bakanting room. Only to find out na iniwas pala niya kami sa trouble kay Crystal. Yung babaeng sumabunot sa akin at nagsaboy ng juice sa may canteen. Piro bakit bigla ata siyang may concern sa akin ngayon? ano kayang na Kain nun?
"Hoy! Joyce! Joyce! nakikinig ka ba sa mga pinagsasabi ko dito?"pukaw sa akin ni Mira na siyang nagpabalik ng realidad ko.
"Ah? huh? wa-w-wala.. I m-me-mean ano nga ba yung sinasabi mo?"utal na tanong ko kay Mira.
"Hahahahah! Lels mukhang natamaan ka ata sa pag save ni Aaron sa atin ah? uyyy.."panunukso niya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko. Inirapan ko naman siya.
"Tskk! Loka ka talaga eh? Noh? May iniisip lang ako Piro hindi siya Noh?! Asa pa siya! Si Nicky Byrne ang iniisip ko at hindi siya!!"pagsisinungaling ko sa kanya.
"Hahaha! adik talaga lang hah?! Kung hindi iwan ko na lang kung anong iisipin ko..!"pabirong tugon ni Mira sa akin.
"Tskk! Kahit kailan talaga Mira napaka lokaret mo!"pairap na tugon ko sa kanya.
"Ha-ha-ha! nag salita ang hindi lokaret!?"pagtataray niya.
"Hahaha! at least hindi ako obsessed sa pagka lokaret kagaya mo!"sarkastikong tugon ko sa kanya.
"Hahah! Hay, Tara na nga sa library natin.. may e search lang ako bago pa ako ma hb sayo!"pag aanyaya niya sa akin sabay tayo ay tungo sa labas ng vacant room. Sumunod na lang ako sa kanya sabay iling. Haay, kung di ko lang to bestfriend sinapak ko na to eh? Haay, pasalamat siya bestfriend ko siya kung hindi ay, iwan ko na lang. Piro bakit ganito ang nararamdaman ko parang may biglang nag spark sa akin na hindi ko maintindihan about Aaron. Oh! My G! oh? no! it can't be! Don't let it happened I beg you. Haay! ano ba tong pinag iisip ko dito? makapasok na nga sa library baka kailangan ko ng punan ng knowledge tong brainy ko. Haay.. Aaron Aaron Aaron! paano ka ginawa! xD Tsskk! inis na nga ako nakuha ko pang magbiro xD osha! gotta go na sa library. See yah!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nicky's POV
"Maku, kailangan mo na ipasa lahat ng documents regarding sa inventory ng mga supplies natin sa office ko mamaya ..okay?"ang narinig kong pahayag ni sir Perez habang tinatawagan si Maku sa telephone dito sa office niya. Actually, kakapasok ko lang sa office niya may iniuutos kasi yung HR head namin para sa kanya eh? Kaya pumunta agad ako dito.
"Whaaaatttttt????"bulyaw niya kay Maku sa telephone.
"Wait! hindi pweding mangyari yan Maku!"alalang tugon ni sir Perez sa kanya.
"Who the hell done that?"bulyaw ulit ni sir Perez sa kanya.
"Okay, okay.. pumunta ka agad dito para mapag usapan natin yan ng maayos .."buntong hiningang tugon ni sir Perez sa kanya sabay baba ng kanilang telephone sa office nila sabay upo sa swivel chair niya at napatoon ang attention sa akin."Ehmm.. sorry to keep you waiting Nicky.. may trouble lang na nangyayari.. Ano nga ba yung sadya mo dito?"ani sir Perez.
"Hmm. ito po pinadala ng head namin kasi on repair pa lang po kasi yung FAX machine namin eh? kaya pinadala na niya na lang po niya sa akin sa inyo.."pormal na pahayag ko kay sir Perez sabay abot ng mga document sa kanya sabay check sa mga ito. Pagkatapos tumingin siya sa akin.
"Okay, thank you Nicky.."may ngiting tugon niya sa akin.
"Okay po.. aalis na po ako.."pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige..piro pwede po bang malaman kung Anong trouble po yung tinutokoy niyo kay Maku.."pag uusisa ko kay sir Perez. Napakamot siya sa ulo niya.
"Just don't mind about it Nicky.. maso'solve din namin to ngayon.. Sige, kung wala ka ng itatanong pwede ka ng makaalis may gagawin pa kasi ako.."pormal na pahayag ni sir sa akin habang napabuntong hininga siya.
"Opo wala na sige po..aalis na ako sorry po kung may naitanong ako about it.."paghihingi ko ng dispensa sabay paalam kay sir Perez at tinungo na ang pintuan na siya namang pagbukas ni Maku sabay tingin sa akin. Ngunit bigla siyang yumuko at tinungo na ang table ni sir Perez at tuluyan na akong lumabas ng office ni Sir Perez at tungo sa elevator papunta sa office namin. Habang nasa elevator di ko pa rin maintindihan sa sarili ko kung bakit may bit of concerned ako kay Maku. Haay, ano na bang nangyayari sa akin? Ngayon ko lang to napansin. Haay, in love na ba ako sa kanya? Oh! C'mon! hindi ako in love sa kanya! Haay, Ding! tunog ng elevator pagkatapos lumabas na ako papunta sa office namin. See yah!
A/N:
Hello! Readers Haay.. sa wakas nakapag update na rin ako after billion years xD. May interruptions lang po kasi kaya ngayon ko lang na visit ang stories ko. xD hopefully you'll like this chapter. Please kindly tap the star icon below if you like this chapter and if you've something to say regarding this chapter don't hesitate to leave your comments below.
Thank You! Ü
Until Next Updates!
PS: God bless us always! ^_^
always love,
MissMiha
xoxo
BINABASA MO ANG
The Three Sisters: Fallin' in Love
Teen FictionThis is a romantic comedy story. The journey of love that will change their expectations of love. Kaya samahan niyo silang makilig at matawa sa kanilang pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig, at pamilya. MISSMIHA