3rd P.O.V
"Saan ka galing?!" Sabi ni kathie pagkarating ni Sachiko.
"Diyan lang kumain" sabi nito saka umupo.
"Sachiko...
"No... Huwag mo ng ituloy. Okay na ako" sabi nito tsaka ngumiti.
"Tandaan mo nandito lang ako... Kami para sayo" Cy
"May pupuntahan tayo mamaya" Dust
"Saan naman?" Tanong ng apat sakanya.
"Mamaya na." Dust
"Sachiko cheer mo kami aah" masiglang sabi ni Ken kay Sachi
"Oo naman. Basta pagkain mamaya" pabiro nitong sabi kay ken.
"Oo ba, osige punta na kami sa Field" Ken
"Ge ge Fighting!" Sabi ni Sachiko.
Nag umpisa na ang laban. Nakita kong ang sasama ng tingin ng Dark Knights doon sa Taga sinclaire. Dito kami sa unahan.
"Hindi pa tayo tapos thunder" Kai
"Hahaha kumusta ang masahe ko kagabi?" Sabi naman nung thunder.
"Hahaha sarap nga eh kakakiliti" ken
"Hindi ko alam kung paano kayo naka recover agad. Pero sisuguraduhin kong malulumpo kayo ng tuluyan" sabi naman nung thunder.
Nag umpisa ang laban. Gumagamit ng Kung Fu sa laban ang kabilang team. Nasa Sinclaire ang bola at hawak ito nung isa sa mga taga Sinclaire. Sinubukan itong agawin ng isa sa taga Pristine pero hindi niya ito nakuha. Agad naman itong pinasa kay thunder. Mabilis namang naharangan ni Kai yung thunder.
"Hindi ka makalusot" kai
"You sure?" Tanong sakanya ni Kai.
"Dami mong satsat" mabilis na lumusot si Thunder kay Kai. Nagulat naman ito dahil paanong nangyari yun. Sinapa niya ang bola pataas at binigyan ng rightkick papunta sa Goal.
"Points for Sinclaire" Sabi ng Announcer.
"Magaling ka nga sa pakikipaglaban dark. Pero di mo ako matatalo sa Soccer" Sabi naman ni Thunder. Naiinis naman si Dark sa sinabi ng kalaban niya sakanya.
Lumipas ang ilang oras at nasa Final Quarter na sila. 3/0 pa ang score hindi parin nakala goal ang Pristine.
"Kaya mo pa Ken?" Tanong sakanya ni Saito. Bigla kasing sumakit ang paa niya.
"I think hindi ko kaya" sabi naman ni ken. "Pasencia na" agad namang hinila ni Kai ang damit ni Ken.
"Tiisin mo ken tiisin mo!" Kai
"Peero. Kai di na kaya ni ken" Saito
"Tss mahina ka!" Sabi nito kay ken. Napayuko naman si ken sa sinabi ni kai.
"Huwag na kayong mag away ako na ang papalit " biglang may isang binata ang sumulpot sa field. Nakalagay sa likod nito ang pangalang Sinclaire 09. Haaaaa? Sinclaire?
Bigla namang napatingin sakanila ang kabilang Grupo. Maski ang grupo ng Dark Knights.
"Diba si Rogue Sinclaire yan" bulong ng mga nanunuod.
"Oo mag lalaro siya sa Pristine?"
Naupo naman sa bench si Ken. Inalalayan siya ni Saito. Nakatakip lang ng twalya ang mukha niya at tila dinibdib ang sinabi ni kai sakanya. Nilapitan naman siya ni Sachiko.
"Okay ka lang?" Tanong ng dalaga sakanya.
"Okay lang... Bakit kasi napakahina ako" sabi nito sa dalaga. Hinawakan naman ni Sachiko ang kamay nito.