Sachiko Point Of View
"Nasaan na kaya yun si Dust" Sabi ni Kathie
"Nako nandiyan lang yun" Sabi ni Cyrelle.
"Teka nga sino ba yan katext mo?" Tanong ko kay Cy. Kanina pa kasi napipindot sa Cellphone niya.
"Ah si Saito" Sabi niya habang pangiti ngiti pa.
"Oh sino hinahanap mo Ky" tanong ni Kathie sa kapatid.
"Wala... Asan na kaya yung ugok na yun" Ky.
"Ky ky asan cellphone mo dali labas mo" Sabi naman ni Levi na sumulpot. Nandito na rin sila ken. Tumingin ako kay Lance pero as usual sinungitan lang ako ng ugok. Nginitian ko naman si Ken pero iniwas niya naman ang tingin niya sa iba. Anong problema nun?
"Bakit?" Simpleng tanong ni Ky.
"Kasi... Hindi ko pa alam number mo kukunin ko sana" Sabi naman ni Levi. Hahaha hindi ko alam kung paano nakakatagal si Ky diyan kay Levi. At ayun po nag landian na po sila. Nasaan kaya si Fafa Rogue. Then ayun nakita ko rin siya. Kasama niya si Nikka? Wait si Nikka nga yun. Bakit sila mag kasama at parang close na close pa sila sa Isa't isa. Sadlayp. Sila ata ni Fafa Rogue. Nag tatawaanan kasi sila at kung titignan dati mukhang nerd yung si Nikka pero langya mas maganda pa pala sakin.
"Ah. Sachiko... Ano" Napalingon naman ako sa nagsalita si Ken pala.
"Hmmm." Sabi ko sakanya.
"Gusto mo? Strawberry cake" alok niya sakin. *_* huwooooow cake.
"Nakoooo salamat. Tara upo muna tayo doon" yaya ko sakanya. Nginitian niya naman ako. Saka umupo kami doon sa may upuan.
"Alam mo parehas tayo sachi mahilig rin ako sa Cake" sabi ni Ken
"Ah ganun hehehe" sabi ko nalang sakanya.
"Ah sachi. Sweet kaba?" Tanong niya sakin. Medyo namumula pa siya.
"Huh? Oo naman bakit?" Sabi ko sakanya ng nakangiti
"Talaga? Sweet din ako bagay tayo hehehe" sabi niya sakin. Medyo namula pooo akoo *^* paano hindi ko alam na pick up line pala niya yun.
"Hehehe loko" sabi ko sakanya. Marami pa kaming napagkwentuhan ni ken. About sa family niya. Parehas rin pala kaming wala ng mama at papa. Ang mayron nalang sakanya ay kuya niya. Hindi ko alam pero nakagaanan ko na rin siya ng loob kasi parehas kami ng pinag dadaanan sa buhay.
Wala namang nangyare sa meeting. Yun nga dinisscuss lang yung rule na walang mag papatayan na ibat ibang school during the team building at bukas pa yung mga activities.
Dinala muna ako ni Ken doon sa Ice Cream Parlor malaput dito sa Resort na tinutuluyan namin. Tawanan lang. Kwentuhan mga ganun. Tapos pinakain niya rin ako nung Fishbol tsaka yung keykyam nakakain na ako nito. Nilibre ako ni Lancyboi.
"Nagustuhan mo ba?" Sabi ni Ken sakin. Actually gustong gusto ko yung ganito. First time lang kasing may gumawa sakin ng ganito. Nandito kami sa mall nag lalakad lakad lang. Ang dami na nga naming napuntahan eh. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
"Dito ka lang baka mawala ka pa mapunta kapa sa iba... Lugar" sabi niya sakin. Nginitian ko lang siya. Nag lakad lakad lang kami dito.
"Pagod kana ba?" Tanong niya sakin. Nung medyo matagal tagal narin kaming nag lalakad. Lahat kasi ng tinuturo ko pinupuntahan namin.
"Hahaha, Bukas nalang ulit. Doon naman tayo sa underground river" sabi ko sakanya.
"Oo bukas ulit. Tayo ulit mag kasama ah" sabi nito sakin. Tumango tango lang ako sakanya.
"Uhm.. Bukas ulit promise" sabi ko sakanya
"Hatid na kita sa Room niyo" sabi niya hinatid niya naman ako sa room ko.
"Uhm paano bukas ulit. Pasok kana bye" sabi niya sakin. Kiniss ko naman siya sa chick. Nagulat rin ako sa ginawa ko nakita ko ngang namula siya at nanlaki yung mata.
"Bye!" Sabi ko sakanya binuksan ko ulit ang pinto tapos sinara agad. Shit nakakahiya.
"Anong itsura yan?" Bungad sakin ni Kathie. Nakita kong nakatingin sila sakin.
"Huh?" Sabi ko sakanila.
"Hahahahahahahaha!" Hagalpak sila sa tawa. Teka ano bang meron?
"Bakit ang pula pula mo?" Tanong sakin ni Cyrelle. Naalala ko nanaman yung ginawa ko. Kaya lalo akong namula. Lalo rin silang humagalpak sa tawa. Nag dive ako agad sa kama ko. Shit!
"Ah, anong nangyari diyan" tanong ni Kathie kay Dusthine. Ang himbing nang tulog.
"Buttercup" Dust
"Huh? Buttercup?" Tanong ni Cyrelle nagtawanan kami kasi nag sasalita siya ng tulog.
"Dali I video niyo" Kylie hahaha bawi time.
"And we are the powerpuff Girls" Dust. Ng may pataas taas kamay pa.
"Whahahahahahahahahahaha" Ako
"Bwahahahahahahahahahaha" Cyrelle
"Hahahahahaha litse tungnu" hindi narin napigilan ni Kylie
"Ano bang nanghahahaha yari jan hahahaa" kathie.
"Ewaan ko diyan hahahaha. Gago nga " kylie
"Hahaha grabi ka Dust. Napatawa mo kami" sabi ko sakanya. Kahit tulog na tulog kinakausap namin. Mukhang pagod ang taong to. Saan ba to galing.
Ken POV
Shocks akong naglakad papuntang room ko. Nakakanganga pa ako pero tangna wala akong pakialam kahit pag tinginan pa nila ako.
"Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Sai ng makita niya ako.
"Nga Nga Pre" Levi
Wala akong pakialam sakanila. Dumiristo lang ako sa higaan ko. Shit kiniss niya ako.
"Pre ayos ka lang namumula ka" sabi sakin ni Saito. Tinignan ko lang siya.
"Ayos lang ako" pabebe tone
"Shit bakla ka ba Ken" sabi nito pero di na ako nag salita. Pero langya kiniss niya ako. Nananaginip ba ako. Pero sana di na ako magising waaah!
"Anyare dito?" Sabi ni Kai.
"Pare tignan mo si Ken" nag aalalang tanong ni Levi
"Oh anong meron sakanya?" Tanong ni kai.
"Pare tignan mo tulala. Namumula. Nakulam ata" Saito.
Hindi ko nalang sila pinansin. Natulog na ako. Excited na ako para bukas hihihi.
"Good Night Boys" sabi ko with pabebe wave pa yan at pabebe tone.
"Pare malala na" sabi ni Lance
"Bukas patingin niyo yan" kai
