3rd Person Point Of View
Habang naliligo sila Dust sa may pool area ay dumating ang 6 na assassin's. Kasama nung mga ibang galing sa school.
"Hello po? Ang gagaling niyo pong lumaban. Kasama po ba kayo sa 4 Raises?" Tanong ni Sachiko sakanila
"Well... Hindi part ng 4 Raises ang grupo namin. Pero we are individually part of the 4 Raises. " sabi sakanila nung naka Violet na hair.
"Okay... " tinanggal nung lalaking may sword yung mask niya.
"Ikaw? Kuya June??" Gulat na tanong ni Kathie
"Hahaha... Wala talagang makakapigil sayo June" inalis rin ni Rook ang kanyang mask si rook yung babaeng may pana.
"Shocks" Sachiko
"Ate Jane ikaw rin?" Kathie
"Hay... Nag bulgaran na po sila" sabi naman ni Knight yung babaeng may color Violet na hair. Wig lang pala yun. Tinanggal niya rin at tumambad ang mukha ni Nikka.
"Pati ikaw nikka" Cyrelle
Nagtanggal naring mascara si Pawn
"Unfortunaately hindi niyo ako kilala. I'm Kendra Eun From PY University." Sabi niya habang nag papakilala sakanila.
Nagtanggal narin sila King At Queen.
"Kuya Rogue ate Flaire waaaaaahh! Wicked kayo pala yun ang astig" pumapalak pak na sabi ni Sachiko.
"Sachiko, can we talk privately, Nikka come join us" seryosong sabi ni Rogue kay sachiko.
"Hey. Are you sure about this king" tanong sakanya ni Nikka
"Uhmm.." Kinakabahan naman si Sachiko. Sa sasabihin nila sakanya.
Kahiy ayaw ni sachiko ay sumama siya kila rogue at nikka.
Huminto sila sa isang gubat. Yung walang makakaalam. Sa kanilang pag uusapan.
"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na may kapatid akong nawawala Sachiko?" Tanong nito kay sachiko.
"Yup. Sinabi mo yun sakin nung una tayong nagkita." Hindi alam ni Sachiko kung saan pupunta ang usapan nila. Nakatingin lang siya sa dalawang taong nag uusap.
"Kuya!" Sa di kalayuan ay may paparating na babae.
"Ate Sushem? Anong ginagawa mo rito?" Sabi ni Sachiko.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ni Sushem kay kuya. Tumingin namam si Rogue kay Sachiko. Nangunot naman yung mga noo nila.
Bumuntong hininga muna si Rogue bago mag salita.
"Sachiko, ikaw yung nawawala naming kapatid" Sabi ni Rogue. Nagulat naman si Sue sa sinabi ni Rogue.
"Paanong naging siya? Hindi naman kulay blue ang mata niya" Tanong ni Sue. Shock parin si Sachiko sa nalaman.
"Because, she use Contacts" Simpleng sabi ni Knight sakanya.
"Paanong..." Tulala parin si Sachiko sa nalaman.
"Okay, 15 years ago there was a War. Kami ng kuya Rogue mo ay mag kaibigan that time. And part kami nung binubuo pa yung Four Raises. Bilang Knight. Tungkulin kong protektahan ang Future Heires ng 4 Raises. Ikaw ang pinaka iingatan ng Pamilyang Sinclaire. Inutusan nila akong alagaan ka that time. Pero maraming humabol sakin. Hindi ko alam kung saan kita ilalagay, nakakita ako ng isang pamilya(Family po nila Dust) ibinigay kita doon sa tauhan nila at sinabi kong alagaan kang mabuti. Hindi naman ako nag kamaling ibigay ka sakanila dahil alam kong yun ang makakabuti sayo. " Knight