Ken Point Of View
Narito na kami sa Palawan. Nauna akong bumaba at yung mga iba naiwan sa loob ginigisa yung si kylie tsss. Nabubwisit ako doon kay rogue ang FC Fc kay Sachiko.
"Guys. Sundan niyo nalang ang naka assign na leader sainyo" sabi nung tour guide dito. Sinundan na namin si Rogue sa Room na naka assign samin.
"Bro tara meryenda daw" sabi ni kai samin.
"Di ka sasama Ken?" Tanong sakin ni Saito.
"Kayo nalang" sabi ko sabay higa sa higaan. Tinatamad ako naiinis pa ako doon kay Sinclaire. Ayaw ko siyang makasabay sa pagkain tsss. Bakit kasi nandito iyong anak ng may ari ng sinclaire. Hindi pa dapat doon siya sa school niya?
"Anong drama mo diyan halika na" hinila niya ako sa labas wala naman akong nagawa kainis naman oh.
Nakarating na kami doon sa table ng Pristine. Bungad na bungad sila agad ang nakita ko. Nagtatawanan pssssh.
"Hep! Saan ka pupunta" tanong sakin ni saito.
"Pwede ba padaanin mo nga ako" sabi ko sakanya. Maiinis lang ako doon.
"Oy ken! Tara dito dali dali" sabi ni Sachiko. Tsss. Tsss malas. Naupo ako doon sa tabi niya. Tapos doon sa gilid niya si Rogue..
"Ah sachi gusto mo nito" alok sakanya ni Rogue. Tsss. Tahimik lang akong kumakain. Hindi ko na sila pinakialamanan tss.
"So Rogue? Paano ba kayo nag kakilala ni Sachiko?" Lance
Napatingin naman kami kay Lance
"What?" Sabi niya samin.
"Ah. Doon sa Garden nung may Match nakita ko lang siya doon" simpleng sabi ni Rogue.
"Ganun ba?" Lance
"Yeah" sabi naman ni Rogue
"K" sabi naman ni Lance.
"Hoi lancy boi san ka punta?" Sabi naman ni Sachiko.
"Sa lugar kung saan walang maingay tsss" Lance.
Nag seselos rin kaya si Lance? May gusto rin ba siya kay sachiko?
"Aissssshhhh ang gulo!" Nasabi ko ng malakas kaya nag sitinginan sila sakin.
"Ano bang problema niyo ni Lance?" Tanong sakin ni kai
"W-wala ge alis muna ako" sabi ko sakanila. Sinundan naman ako ni Saito at Levi
"Hoy pare? Nababaliw kana ba?" Levi
Hindi ko nalang sila Pinansin ginugulo lang nila ang buhay ko aisshtt.
"Crush mo si Sachiko no ayiiiiieee" sabi sakin ni Saito. Tinakpan ko naman ang bibig niya.
"Huwag ka ngang maingay diyan! Baka marinig ka" sabi ko sakanya.
"Hahahaha confirm!" Levi
"Oo na crush ko siya. Nagseselos ako doon sa Sinclaire na yun oh happy!" Sabi ko sakanila saka pumasok sa Room.
"Ang bagal mo kasi Pare naunahan ka tuloy . di mo ako gayahin" sabi ni Levi.
"Tsss. Niloloko mo lang ata si ky eh" sabi ko sakanya.
"Hoy hoy anong niloloko. Matagal ko ng inalis ang bisyo na yun. Seryoso ako kay baby Ky Ky noh" Levi
"Ewan ko sayo" sabi ko sakanya.
"Hoy pare nag text si Cyrelle" napatingin kami sakanya.
"MAY NUMBER KANA NI CYRELLE?" sigaw namin sakanya.